Chapter 21 Pikit-mata kong isinuot ang niregalo nila kay Chuck. Nagtatalo man ang aking isipan, ay wala na akong magawa. Pumayag na ako sa dare na iyon at nakakahiya kung ngayon pa ako uurong. Ayokong magalit si Vivienne, iniisip ko na lang na ito ang kabayaran sa pagkakansela ko ng engagement party. Isang black exotic nighties na hanggang hita ko ang laman ng paper bag. Napakalalim ng uka sa dibdib kaya kitang-kita ang cleavage ko. See-through iyon at nang pasadahan ko ang sariling repleksiyon sa salamin, ay naaaninag ko pa ang maputi at impis kong tiyan. May kasama iyong isang black lacy thong kaya halos maiyak ako sa sobrang kahihiyan. Hindi ko kayang rumampa sa harapan ni Chuck na ganito ang suot. s**t talaga ang mga abnormal na 'yon! Sa dinami-dami ng pwedeng iregalo, ito pa ang nap

