Chapter 20 "Dinala pala ni Clint ang gitara na 'yan. Sabi ko sa kaniya iwan niya na lang 'yan sa bahay noong lumipat kami rito. Sira na naman kasi ang string n'yan," tukoy ko sa gitara na hawak ni Chuck. Nakaupo ito sa bench at inaayos ang string niyon. "Sit beside me, sweetheart," wika nito habang abala sa pag-aayos ng kwerdas. "Naputol 'yong dalawang string. Katatawag lang ni Clint. Nakiusap na ayusin ko 'to." "Paano mo nakuha 'yan? Naroon sa second floor ang kwarto ni Clint, ah." Nagulat ito pero saglit lang iyon dahil bigla itong tumawa. "Ipinakuha ko sa guard." "Okay. Kailangan na siguro matutunan ni Clint kung paano maglagay ng string. Hindi 'yong palagi ka na lang nandiyan para mag-ayos ng sirang gamit niya." "Hayaan mo na, sweetheart. Kaya ko naman. Maliit na bagay lang ito."

