Chapter 2- Innu Angelo's POV: "The Other Bachelor"

1562 Words
Finally! Touch down Baguio! The best place to have vacation with your honey. But I don’t have one. “Hey bro, baka gusto mo kaming tulungan dito?” Si Jmark `yon, bitbit ang malalaking bags. We are going to stay at this ancestral house owned by my ex and my business partner. Double purpose lang `no? Gano`n ang kalakaran sa buhay ko. Hindi naman lahat, pero mostly ng mga exes ko ay nagiging kasosyo ko at nagkakaroon ako ng privileged na magamit ang mga bahay bakasyonan nila. Hindi malalaking negosyo pero pwede na rin. Ganun talaga siguro kapag mabait ka pinagpapala pa rin kahit epic fail ang relasyon. Haha! “Mika, magpasama na lang kayo kay manang sa kwarto niyo.” Baling ko kay Mika. Tumango siya saka tinulungan si Ara sa mga gamit niya. Antok na antok pa ang dalawa dahil pagkatapos na pagkatapos ng laro nila kanina ay sinundo namin sila saka agad nagtungo dito. Kaya heto ginabi na kami. Kabababa lang rin ni JMichael bitbit ang bag niya. “You almost killed us, you stupid!” Tinawanan ko na lamang siya. Nakipagkarera kasi ako kanina sa La Union! Mayabang yung driver ng puting Starex e. Pinakitaan ko lang ng kaunting moves! Kahit madilim! Haha. “Parang wala kang tiwala sa akin, Bro.” “Wala nga.” Poker face na naman siya! “Alam mo Bro? Take this opportunity para makakilala ng magiging asawa mo.” Pangungumbinsi ko sa kanya. “You are not getting any younger. Kung ako sa`yo, sumama ka sa akin ngayong gabi para makakilala ka ng mga girls.” Nailing na lang siyang pumasok sa bahay. Lumanghap muna ako ng sariwang hangin at ngumiti sa akin sarili. “Innu, this is your only chance! This is your break!” Nang makapagdinner kami ay kumatok ako sa kwarto nina Mika. Nakakunot ang noo nito nang pinagbuksan niya ako. “Hoy mga bata pa kayo ha!” Pang-aasar ko sa kanya. She gave me a Reyes glare. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto saka hinila siya papalapit kay Ara na kasalukuyang naglalaro sa phone niya. “I need your help.” “Saan?” Tanong agad ni Mika. “Anong mapapala namin kung tutulong kami?” Nag-indian squat kaming tatlo para makapag-usap nang maayos. “I have a new job. Magtatrabaho sa MBC network. At kailangan kong makakuha ng mga babaeng talent na willing sumama sa isang reality tv show.” “Weh? Ikaw? Mahihirapan dun? E specialty mo `yang pambabae e!” “Hindi niyo kasi nage-gets e! I need someone who is unknown. Not popular! Someone na simple pero mamahalin ng masa.” “Igorot ganun? Kaya dito tayo sa Baguio maghahanap?” Pananabla na naman niya. “Tigil-tigilan mo ang pagbibiro Mikang! Pinsan mo ang nag-aya dito hindi ako. Ano lang. Sayang `yong pagkakataon.” Natatawa kong sagot sa kanya. Tawa naman itong si Victonara! “Kuya? Gawin mo kasing mas madaling intindihin ang lahat! Slow kami ngayon ni Mika e.” “Fine. Season 3 of Singles is in the process already. At ako ang isa sa mga naghahanap ng couples na isasabak sa programa.” “O Tapos? Anong problema d`on?” “Anghirap kayang maghanap ng willing mag-audition! Ayaw nila ng mga may background sa showbiz. Baka gusto galing pang bundok. Hay! Plus, kailangan pa nilang i-convince ang mga manonood na nagkaka-developan na sila!” Natawa na silang pareho sa pagiging desperado ko. “Tutulungan kita kung pagbibigyan mo ako sa request ko.” Paghahamon sa akin ni Mika. “Kahit ano pa `yan! Basta tulungan mo ako dito!” Inilahad niya ang kamay niya. “Deal?” “Deal!” “Hintayin mo ako sa labas. Pupunta tayo sa bars.” Hinila siya sa braso ni Ara. “Bakit sa bar pa? Baka kaladkaring babae ang mahihila niyo.” “Trust me Moy. Reyes yata `to!” Yabang lang ni Mika! Pero kailangan ko ring magtiwala sa kanya para matapos na tong problema ko! Angweird naman kasi kung ako ang mag-a-approach sa prospect ko. Baka isipin iaalok ko ng katawan ko. Haha! Angyabang mo Innu! Panay lang ang pagpapalit-palit ko ng tugtog habang hinihintay ko siya. “Let’s go!” Yaya niya pagkasakay. “Si Ara?” “Tulog na. Magtrabaho na tayo Kuya nang masulit ko naman ang bakasyon bukas.” Ilang minuto rin kaming namalagi sa isang Bar. Habang umiinom ako ay panay lang ang pagmamasid niya sa mga kababaihang sumasayaw. At panay rin ang pacute ng mga ito sa kanya! “Wala ka pa bang natitipuhan?” Umiling siya. “Patience.” She even wave her right hand to shut me up. “Everything is under control.” Nakatatlong shots pa siya ng alak pero wala pa rin! Nahuli ko na lamang na nakatitig lang siya sa isang babae na wild sumayaw habang pinapalibutan ng mga kababaihan at ilang kalalakihan. Huwag niyang sabihing ito ang ipapa-audition ko! Baka mapatawag pa ako ng CEO ng tv network! “Dito ka lang.” Ininom niya ang huling shot ko saka hinawi ang buhok niya. Tindig ng isang Jana Marie, bunsong kapatid nina Jan Michael, ang nakikita ko sa kanya ngayon. Walang anu-ano ay nagtungo siya sa kinaroroonan ng mga nagsasayawan at hinablot yung babae! Patay-sindi man ang ilaw ay kitang-kita ko kung paanong nakipagsukatan ng tingin si Mika sa lalaking humawak sa kabilang kamay nung babae. Tumayo na ako para lapitan siya. Malalagot ako sa mga pinsan nito kung mapahamak siya. “Pwede kitang idemanda sa pagpapainom sa kanya ng alak na may Drugs.” Rinig kong sabi ni Mika. Saka ito ngumisi. Nabahag yata ang buntot nung lalaki dahil hinila niya na ang mga kasama niya papalayo sa amin. Si Mika naman ay inalalayan yung babae palabas ng bar at isinakay sa kotse ko. “Saan natin siya dadalhin?” Tiningnan niya ang bag na nakasabit sa leeg nito. Iniabot niya sa akin ang ID. Outlook Drive pa ang address nitong si Miss! Malayo-layo at mahaba-habang pagdadrive ito. “Pwede bang iuwi na muna natin siya? Bukas na natin ihatid?” “Kuya? Trust me okay? Magdrive ka lang diyan.” Nakakapagod mag-drive! Tinitingnan ko sina Mika sa front mirror. Anglakas ng loob magsabing ihatid kasi siya makakatulog! Maganda rin naman ang taste nitong si Mika. Maganda si Miss. Muli kong tiningnan ang ID niya. Nice name. Katelyn Roque, flight stewardess sa Espaldon Airlines. Small world huh? Sa airlines nina Brent pa siya nagtatrabaho! Brent is a former agent but he opted to run their family’s airlines. Mag-a-alas dos na nang makarating kami sa address. Nangangatog na angtuhod ko sa lamig. Naku! Daig pa naman nitong Enero ang lamig ng Disyembre. Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Mika para magising. “Young Lady nandito na po tayo.” Panggagaya ko sa driver nila. Binuhat ko si Katelyn. Kumatok si Mika sa gate at isang matandang babae ang agad nagbukas. Sa tantiya ko ay nasa edad 60 pataas na ito. Balut na balut siya ng jacket at ang kanyang malaking panyo ang nagsisilbing proteksyon niya sa ulo para takpan ang mga tainga niya. “Pasensya na po sa istorbo Manang. Ito po yung address na nakalagay sa ID na `to di po ba?” Pinakita niya ang id sa matanda. “Oo dito nga.” Saka lang niya ako napansin na kanina pa nabibigatan sa babaeng to! Payat naman pero angbigat niya. Alanganin akong ngumiti. “Nalasing po siya sa bar kanina. Muntik na po siyang mapagtripan.” Agad naman niya kaming pinatuloy. Matapos niyang bihisan si Katelyn ay pinagtimpla niya kami ng kape. “Pasensya na kayo sa anak ko ha? Maraming salamat na rin.” “Walang anuman po, Manang.” Sagot ni Mika. “Kayo lang ba ang nakatira dito?” “Oo. Si Katelyn e minsan minsan lang nakakapasyal dito. Gusto nga akong dalhin sa Maynila pero ayoko doon.” Antok na antok na antok na ako pero si Mika patuloy lang ang pakikipagkwentuhan kay Manang. Hindi na nga pumapasok sa isip ko lahat ng mga napag-usapan nila e. “Dito na kayo magpaumaga. Delikado na sa daan.” “Sige po.” Payag naman agad si Mika! Saan kami matutulog dito? E masikip na nga ang lugar para sa mag-ina, dadagdag pa kami! Dinalhan kami ni manang ng mga karton at banig para mahigaan. Pati na rin mga unan at kumot. Nang pumanhik na sila Manang at hinarap ko naman si Mika. “Ang usapan natin tutulungan mo akong maghanap ng talent, hindi gumawa ng charitable works!” Ngumisi siya. “Naniniwala ka ba sa destiny, Kuya?” “Pinagsasabi mo?” “Feeling ko dinala talaga tayo ng tadhana sa lugar na `to.” She look at me meaningfully. “Kuya Innu, we’re here for a reason talaga. Imagine? She works in Kuya Brent’s airlines. Malay mo nag-serve na siya sa isa sa mga flights natin?” “Get to the point, Mika. I don’t have time sa mga kakornihan mo.” “She’s the perfect woman for Singles. A regular employer, native of Baguio, not famous and she’s pretty.” Come to think of it. Tama siya! Sakto sa hanap ng producer! “Pero paano ko siya makukumbinsi?” She gave me that “trust me” smile. “Make sure Jan Michael Reyes will be one of the featured bachelors, Kuya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD