Chapter 3-Jan Michael's POV: "Deal"

1429 Words
Katatapos naming mamili ng pasalubong. Jmark bought lots of foodies and shirts for our kasambahay. Nagpapalakas na naman para pagtakpan sa tuwing uuwi nang madaling araw. “Oh `yang naka-red, Kuya.” Tukoy ni Jmark sa babaeng padaan pa lang. Nakatambay kami sa labas ng fruitshake stand. Nakadalawang order na siya pero hindi pa rin dumadating si Innu. At napagtripan na niya ang mga nagsisidaanang babae sa harapan namin. “Five” Tipid kong sagot. “Grabe! Sexy n`on Kuya. Bakit 5 lang?” Hinintay ko munang makalayo yung babae sa amin. “You should have seen her legs. Maraming peklat. Hindi ko alam kung bakit malakas ang loob niyang magsuot ng skirt.” “Anglinaw naman ng mga mata mo!” He sipped a bit of his drinks. “Huwag kasi puro sa mukha tumingin, Bro.” I was just joking actually. Makinis naman ang legs n`ong babae hindi ko lang masakyan ang trip nitong kapatid ko na i-rate ang mga nagsisidaanang kababaihan dito. Kinalabit niya na naman ako. May prospect na naman siya. Siya namang pag-text ni Innu. “Puntahan na lang daw natin si Innu sa coffee shop. Mukhang mapupurga tayo sa kape nito.” Sa dami ng pwedeng tambayan ni Innu, dito pa sa Java Mix. Hindi na siya nagsasawa sa timpla nila? Sa bawat city na pinupuntahan yata niya, naghahanap siya ng Java Mix Branch. “Angdami niyong pinamili.” Bungad niya sa amin. “Anong order niyo guys? My treat.” Nilapag ni Jmark ang mga bitbit niya. “Wala.” Tugon ni Jmark.” Sasakit na ang tiyan namin. Nag-fruitshake na kami. Bakit mo ba kami pinasunod dito?” Gumuhit na naman ang pilyong ngiti ni Innu at inginuso ang tatlong babae sa mesa na may sampung dipa ang layo sa amin. Napailing na lang ako nang biglang lumapad ang ngiti ng kapatid ko. Naupo na rin ako at nag-order ng cheese cake. No need to order for coffee since ako rin naman ang iinom ng oorderin ni Jmark. Nagbasa ako ng newspaper habang abala ang wala ang dalawa. What do you expect from those two cassanovas? One of the cassanovas ng mga Villanueva at ang dakilang chicboy ng aming pamilya. Hayun at nasa mesa na ng mga prospect dates nila. “Hi…” Tumingala ako at isa sa mga kasamahan ng mga babae ang nasa harapan ko ngayon. “Mind if I join you?” Tumango ako at muling binalikan ang binabasa ko. She keeps on telling random things about this place and I don’t care anyway. Mas interesado pa ako sa binabasa kong current news kaysa sa pamamaraan niya ng pagbibigay ng motibo. Tiningnan ko siya nang masama nang ipinatong niya ang kamay niya sa hita ko. She smiled maliciously. “Mas gumagwapo ka kapag nagsusungit ka.” Nasa lahi namin yan. Mas masungit mas nagugustuhan ng marami but I am not moved with it. Ang pinakaayoko sa lahat ay mga babaeng parang ibinebenta na ang sarili sa lalaking gusto nila. “Don’t you dare.” Pagbabanta ko sa kanya pero walang epekto dahil sinubukan niyang maglean at inilapit ang labi sa aking tainga. “Bakla ka ba? Palay na nga ang lumalapit sayo, ayaw mo pa.” Tiniklop ko ang diyaryo. Pinatong ko ito sa mesa bago ko siya hinarap. “You really think calling me gay will make me mad and kiss you? Too much drama, Miss.” Inirapan niya ako at bumalik sa mga kasama niya. Muli kong isinubsob ang sarili ko sa pagbabasa. This time I just read e-mails from our business partners. Hindi ko sila papakialaman sa mga pambababae nila basta huwag nila akong idadamay sa mga kalokohang naiisip nila. Two cheesecakes and another cup of coffee. Naubos ko ang mga `yan habang nawiwili ang dalawa sa pakikipagkwentuhan. Ang buong akala ko pa ay iimbitahan nila ang mga ito sa resthouse. Buti na lang at naisaalang-alang ni Innu na kasama namin sina Mika at Ara. Wala pa sina Mika nang makabalik kami ng resthouse. “Dude, pansin mo `yung pagtitig nung Laura sa akin?” Pagyayabang ni Jmark. “Ang-hot niya, Dude! Vavavoom ang katawan!” Pagkorte pa niya sa ere ng ka-sexy-han nung Laura. Tumawa naman si Innu. “Si Breana ang hot dude. Perfect curves.” Napailing ako sa dalawang `to. Kumuha ako ng alak sa Mini bar habang lumalalim ang kamanyakan ng usapan nila. “Kung gusto niyo sila bakit hindi niyo inaya sa Hotel?” Paghahamon ko sa dalawa. “Ibang usapan na ‘yan, Kuya.” sagot agad ni Jmark. “Hindi sila `yong tipo na dadalhin ko sa hotel.” “Mismo!” Sang-ayon ni Innu. “For conversations sake lang at sa work ko. Too bad hindi sila qualified sa standards na kailangan ko.” “Nagre-recruit ka na ng p********e ngayon?” Pagbibiro ko sa kanya nang inabutan ko siya ng glasswine. “Asensado ka na ha. Siguraduhin mong hindi illegal `yan.” “Gago! Kailangan ko ng mga babae na hindi sikat para sa bagong season ng Singles.” “Maraming babaeng empleyado sa JMR. D`on ka maghanap hindi ‘yong mga ganung klase ng babae.” Payo ko sa kanya. “Atleast our employees are well screened at masisigurado mong hindi sila basta-bastang babae na napulot mo kung saan-saan.” “`Yon nga dude e! Hindi lang ‘yun ang pinoproblema ko.” “What do you mean?” Nilagok niya ang alak at nagbuhos pa ng isang shot saka ulit ito nilagok. “Since bago lang ako sa trabaho, task ko rin ang maghanap ng bachelor at hindi lang basta-basta bachelor. Dapat sikat sa kahit anong field of his interest.” “Si Kuya na lang!” sabat ni Jmark. “Sikat, mayaman, singgwapo ko at higit sa lahat ilang taon nang Single!” “Huwag niyo akong idadamay sa mga kalokohan niyo.” Lumapit sa akin si Innu at umakbay. “Oo nga Dude, magkaibigan naman tayo `di ba? Kahit gawin mo na lang para sa pagkakaibigan natin. Career ko ang nakasalalay dito.” “Oo nga, Kuya.” Dagdag pa ni Jmark. Itinaas pa niya ang dalawang kamay na na parang may binabasang malaking banner. “Baka d`on mo na mahanap ang magiging hipag namin ni JM `di ba? Jan Michael Fell Inlove on national tv! Shoot na `yan Kuya nang may magawa ka namang kakaiba sa buhay mo bukod sa pagpirma ng mga dokumento” Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Innu. “Ihahanapan ko na lang kayo ng pwedeng bachelor. `Yon lang ang pwede kong gawing pabor para sa`yo, Dude. No more, no less.” “Hoooh!” Kantyaw ni Jmark. “Parang alam ko na kung bakit. Takot kang mainlove ulit `no?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Kuya, matagal na siyang wala. Subukan mo namang maging Masaya. Both families had moved on ikaw na lang ang hindi.” “Huwag mo siyang idadamay dito Jmark.” Seryoso kong saway sa kanya. “Nakamove on na ako. I just don’t wanna get involve with those things. I’d rather keep myself busy with work.” “Paano kong tama si Jmark? Paano kung takot ka lang sa pwedeng mangyari? 100 days kayong magsasama sa iisang bahay, Dude. Hindi malabong mahulog ang loob mo sa isang babae kung ganun katagal kayong magsasama.” “That is impossible, okay? Scripted ang mga gan`ong scenes sa reality shows just to gain ratings and sponsors.” “Ganito na lang,” said Jmark. “Magpustahan na lang tayo. I still have my resthouse in Bacolod right? Ipupusta ko `yon, Kuya.” “Same with my Ferrarri car.” Pahabol pa ni Innu. Resthouse plus his car made me think twice. Hindi pa ako natatalo sa kahit anong pustahan sa dalawang to. “So, what is the deal here?” “Pumayag ka nang i-feature sa next season ng Singles.” Paninimula ni Innu.” Mapapatunayan ko sa`yong hindi impossiblemg mainlab ka sa magiging partner mo.” “Ano naman ang gusto niyong ipusta ko?” Napaisip si Jmark. “`Yong bahay ko sa West Village na napanalunan mo sa pustahan natin noon kay Zean at May.” “`Yon lang? O ikaw naman Innu? Anong gusto mong ipusta ko?” Paghahamon ko sa kanya. “A trip to Maldives for two would do.” Kumuha ako ng papel at gumawa ng kasulatan. Pumirma kaming tatlo dito. Kapag mananalo ako dito may bagong bahay at kotse na naman ako at mapapatunayan ko kay Innu na impossibleng magkaroon ng totoong pagtitinginan sa reality shows.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD