Chapter 4 - Katelyn's POV: Katelyn's Decision

1929 Words
After two weeks. Katelyn Roque Angsakit-sakit ng ulo ko! Katatawag lang ni Nanay. Pinapaalis na kami sa tirahan namin dahil nabili na daw ng tiyahin ko ang lupa na kinatitirikan ng bahay namin. Nag-aalala ako dahil wala siyang kasama sa Baguio. Nandito kasi ako sa main office ng Espaldon Airlines at nagkakaroon ng conference. “Hoy, bakit wala ka sa huwesyo?” Siniko ako ni Rina. “Wala. May iniisip lang.” Paano ko ba maayos ang problema ko? Grabe naman oh! Hindi tuloy nagsi-sink in sa akin ang mga sinasabi ni Sir Brent. Kaya natapos ang conference na tanong ako nang tanong kay Rina kung ano ang mga important matters na pinag-usapan nila. “Miss Roque, pinapatawag ka ni Mr. President.” Kumabog ng ilang libong beses ang puso ko! May kasalanan ba ako? Problema na naman ba at pinapatawag ako ni Sir Brent? N`ong huling may pinatawag siya lumabas ito nang luhaan dahil suspended sa trabaho e. “Bakit daw?” Nagkibit-balikat ang katrabaho ko. “Bilisan mo na lang. Mukhang seryoso e.” Kung anu-ano nang pwedeng maging dahilan ang iniisip ko habang tinatahak ko ang papuntang opisina niya. Sana hindi naman ako sisantihin! Hindi ko naman kasalanan kung masyadong matapobre yung isang pasahero nung nakaraan. Sinagot-sagot ko kasi dala na rin ng pagod na ako at kung anu-anong hindi magagandang salita ang lumalabas sa bibig niya. Natataranta kong sinenyasan ang secretary niya kung nasa loob na si Sir. Tumango naman ito at ginoodluck pa ako. Maingat kong ipinihit ang doorknob at tuluyang binuksan ito. “Good afternoon po, Sir Brent.” Iniangat niya ang tingin niya at itinuro ang upuan sa harap ng mesa niya. Nakayuko ako at kabadong-kabado habang hinihintay kong ano ang sasabihin niya. “Are you okay Ms. Roque?” Umiling ako agad. Honest to goodness tayo dito. Kabadong-kabado na ako pati t***k ng puso ko ay naririnig ko na. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. “To tell you frankly Miss Roque, nagkaroon ako ng problema sa performance mo.” “Halla! Sir! Sorry po. Hindi ko po sinasadyang sigawan yung matanda. Matapobre po kasi hindi ko na po kinaya ang mga pinagsasabi niya.” Sunod-sunod kong pagpapaliwanag. “Hindi ko rin po sinadyang matapunan siya ng salad. Promise po.” Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para maniwala siya. “Now that’s new. Ngayon ko lang nalaman `yan.” Nanlumo ako! Hindi pala yun ang tinutukoy niya. Hindi ko ma-explain kong natatawa siya o nagagalit! Pero ang alam ko ay lagot ako dahil para kong isinuko ang sarili ko sa mga otoridad! “Sir?” Tumikhim siya saka kinuha ang isang folder sa drawer. “I heard that you are having some problems regarding your financial status Mr. Roque. Hindi rin inaprubahan ang iniaapply mong loan kaya kita pinatawag.” “Ano pong ibig niyong sabihin Sir?” “Gusto kong makatulong sa`yo.” “Talaga po? Papautangin niyo ako ng 100000 sir? Kahit 10 % interest po ok lang.” Wait! Konting kinilig ako nang ngumiti si Sir. Nag-flash kasi ang mga mala-close up commercial niyang ngiti! “Actually, Miss Roque, hindi kita papahiramin.” Nakakapanlumo! Akala ko good news na! Akala ko makakabayad na ako sa tiyahin kong sugapa sa pera. “I want you to meet one of my friends tonight. You’re perfect—" “Wait po!” Pagputol ko agad sa siansabi niya. Iniangat ko ng dalawang kamay ko para tumigil siya. “Ibubugaw niyo ako? Huwag naman po sir!” N`ong isang linggo lang sabi ni nanay muntik na daw akong ma-r**e kung hindi lang ako tinulungan ng mga hindi naman niya alam kung ano ang pangalan daw. Nanay ko talaga medyo ulyanin na! Bumalot sa opisina ang tawa ni sir. Naningkit pa nga ang mga mata niya e. Happy masyado? “Ikaw lang ang tanging empleyado na ganyan magsalita sa akin, Miss Roque. Naisip mo talagang ibubugaw kita?” Napayuko ako sa kahihiyan! Malay ko ba? Masyado lang siguro akong maraming iniisip kaya kung ano-ano nang idea ang lumilitaw sa utak ko. “Open the folder…” Oh, de ginagawa ko! Wala namang laman ang folder. Isang maliit lang na papel na may nakasulat na address. Nangti-trip ba itong si sir? Takang-taka akong nakatingin sa kanya. “Puntahan mo na lang ang address. Huwag kang mali-late.” Kinuha ko na ang papel. “Anong gagawin ko sa folder sir?” “Remembrance.” Nagtaas baba ang kilay ni Sir. “Keep it.” -- “Girl, kanina ka pa diyan. Akala ko ba may lakad ka?” Nagpapahid si Rica ng toner na humarap sa akin. “Naku, angganda mo na Tih. The best ka talaga. Pwedeng model ang peg!” May fifteen minutes na yata akong papapalit-palit ng dress. Ayaw ko namang magmukha akong gusgusin sa ime-meet ko. Kung kilala `yon ni Sir Brent, siguradong hindi siya basta-bastang tao. At sa final decision? Red dress ang isinuot ko, with light make up. Thank you to my roommate. “Tih, pag contract marriage `yan go ka agad basta pogi ah. Ha ha!” “Baliw. Pinagsasabi mo? Kakanood mo ng serye `yan.” “Sinasabi ko lang. Aba! Ganyan-ganyan `yong mga napapanood ko, Tih. Ha ha! Basta pag pogi gorabels agad!” Final check ng aking itsura sa malaking salamin. Okay na `to! “Thanks, Sis. Alis na ko.” Parang amazing race naman `to. Kakabigay lang ng address tayo 4:00 ng hapon ang meet up. Masyado siyang busy, mga dukhang tulad ko ang laging mag-aadjust? Ganon ba dapat? Dali-dali akong nag-abang ng taxi. Ibang klase rin itong kaibigan ni Sir may kasama pang pera ang folder e. At kabilin-bilinan pang mag-taxi daw ako! Nag-retouch muna ako. Kakaalis lang ng apartment pero magre-retouch agad. Ayokong magmukha akong naagnas na whitelady kapag nakita ako nung ime-meet ko. “Maganda na ba ako Manong?” “Aba’y opo maam! Mukhang artista ka nga e!” Si Manong talaga hindi marunong magsinungaling. Naku! Pinagbuksan pa ako ni Manong ng pinto pagkarating namin sa meeting place. Bumaba na ako at deretso sa bukana ng restaurant. “Solstice Restaurant”. Napalunok ako nang makita ang ambiance sa resto. Ito `yong klase ng resto na isang subo lang ng dessert ay worth 3000 na. My God! Sino kaya itong ime-meet ko? “Reservation for Miss Roque please…” Nagagamit ko ang english-english ko dito. “This way, Maam…” Parang nanliliiit naman ako sa outfits ng mga nandito. Halatang mayayaman sila! Itinuro ni waiter ang table sa bandang dulo. May babae at lalaki na nakaupo na dito. May katandaan na `yung lalaki samantalang parang pamilyar naman yung babae. Nakikita ko yata ito sa tv. “Excuse me…” Magalang kong sabat sa usapan nila. Tiningala ako ng dalawa. Ngumiti ang babae na lalong nagpatingkad ng ganda niya. Saan ko ba siya nakita? “I am Katelyn Roque….” “I know. Maupo ka.” Angel look pero authoritative ang dating kapag nagsasalita. Tumayo ang kasama niyang lalaki para ipaghila ako ng upuan. “Thank you po.” Agad rin siyang bumalik sa upuan niya katabi ng babae. “Let’s get into business, Miss Roque.” Sersyosong sabi ng babae. “May problema ka sa bahay at lupa niyo sa Baguio. At nandito ako para alukin ka ng isang simpleng kasunduan.” Tatanungin ko pa ba siya kung paano niya nalaman? E Mukhang siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi niya. “Loan po ba?” Joke ba ang sinabi ko? Bakit siya nangiti? Pati itong si tanda natawa rin e. “Actually, Miss Roque, higit pa doon ang gusto kong ialok sa’yo.” Uminom muna siya ng tubig saka ulit ako tiningnan nang seryoso. “Gusto kong sumali ka sa Singles kapalit ng bahay at lupa niyo.” Singles? Teka! `Yon ba `yong Singles na naiisip ko? “Yung dating game sa TV?” Tumango siya sabay usog sa akin ng isang brown envelope. “Nandiyan ang mga requirements mo para makasama sa audition. Formality lang naman `yon, sure nang makakapasa ka.” “Magagalit ang boyfriend ko…” Tumawa lang siya. “Two weeks ago you were very drunk because your guy dumped you, right?” Kainis! Paano niya nalaman yun! Imbestigador ba `to? “May boyfriend na ulit ako.” Pagsisinungaling ko ulit. “Know what? Hindi ka magaling magsinungaling that’s why I like you. Miss Katelyn Roque, hindi sapat ang salary mo sa trabaho mo kaya’t wala ka nang choice kundi tanggapin ang iniaalok ko or wala ka nang uuwian sa Baguio.” “Bakit parang pinaimbestigahan mo pa ako? NBI agent ka ba? Pinanghihimasukan mo na ang personal na buhay ko ah!” Tumikhim ang kasama niyang lalaki. “You are actually talking to Miss Mika Reyes, one of the heirs of Reyes Group of Companies. So, please be careful with your words.” Ano? Tagapagmana ng RGC? Kaya pala ganun na lang siya kung magsalita. Bigla tuloy kumulo ang dugo ko. Nai-imagine ko na kung gaano siya ka-manipulative dahil sa pera niya. “No it’s okay Atty.” Bumaling ulit sa akin si Miss. “So, Miss? Anong pasya mo?” “Pwedeng pag-isipan muna?” “10 minutes….” Grabe! Sampung minuto lang? Tatanggapin ko ba ang alok niya? Baka kapag tinanggap ko to may susunod pang pabor hanggang bilhin na nila ang kaluluwa ko. saka kabata-bata pa niya ha? Ganito na ang tingin niya sa mahihirap? Madaling utoin? Ang mga mayayaman nga naman! Nakaka-bueset! Habang nag-iisip ako ay lumabas muna ang attorney habang itong si Miss Reyes naman ay nagkikibit ng phone niya. “Don’t get too nervous.” Saad niya kahit hindi ako inaangatan ng tingin. “Ang kailangan mo lang namang gawin ay sumali sa contest. `Yun lang.” “Bakit ako? Anong purpose mo bakit mo `to ginagawa?” Inilapag niya ang phone niya. “Let’s just say. Wala na akong mapaglagyan ng pera ko kaya lulustayin ko na lang.” `Yang mindset ng mga mayayaman na `yan ang hindi nakakatuwa. Porke wala nang mapaglagyan ng pera manggugulo na ng buhay ng iba. “Grabe naman. Kakaiba talaga kayong mga mayayaman. Kahit paglaruan niyo pa ang buhay ng iba.” Tumawa na naman siya. “I will take that as a compliment. Take it or leave it Miss Roque. Be my toy and get your properties back or let all your families hardships turn into waste?” “Lilinawin ko ha? Gagawin ko `to para sa pamilya ko.” Tumango siya. “So? Yes or yes?” “Deal, Miss Reyes.” Nagpirmahan pa nga kami ng kontrata. Wala talaga akong lusot dito. “By the way Miss Roque, walang pwedeng makaalam ng usapan natin. If ever may mga pagkakataong magkikita tayo ay umarte ka na hindi mo ako kilala. Clear?” Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. “Your schedules in the airlines will depend on the schedules of tapings.” Inilahad niya ang kanang kamay. “Good luck sa auditions, Miss Roque. Dapat makapasok ka sa second round of eliminations okay? Don’t make your audition flop para hindi ka mahalata.” Gagawin ko ang lahat para kay Nanay. “Sandali…” Pigil ko sa kanila nang aalis na ang mga ito. Nilingon naman ako ni Miss Reyes. “May sukli sa pantaxi na binigay mo oh-” Iniaabot ko sa kanya ang sobre na naglalam ng pera. Ngumiti naman siya. “Ibili mo na lang ng isusuot mo sa audition. Keep it simple okay?” “Kailan pala `yong audition?” “Bukas.” Potek `yan. Bukas agad! --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD