Hindi ako makatulog! Alas tres na ng umaga! Mamayang 9:00 ang start ng audition. Hindi na nga ako nakabili ng isusuot ko. Gahol ako sa oras dahil sa traffic. Naku naman! Paano na `to?
Dilat na dilat ang mga mata ko hanggang nag-alarm ang phone ko ng 6:00. Para akong zombie at angsakit-sakit pa ng ulo ko! Shems naman!
Oh! May unknown number pang tumatawag.
“Hello.” Antok na antok ang boses ko.
“Good morning Miss Roque.” Boses ng isang matandang lalaki ang sumagot.
“Sino po sila?”
“Maari niyo po ba akong pagbuksan ng gate? May mahalaga mong pinapabigay si Young lady Mika sa inyo.”
Atubili akong bumaba at siya nga ay nakatayo na sa tapat ng gate. Nasa edad 50 ang itsura ng lalaki. May bitbit siyang isang malaking paper bag.
“Para daw po sa inyo.”
Tinanggap ko naman ito. “Maraming salamat po.”
Binuksan ko ito pagbalik ko sa kama ko. May note sa ibabaw ng damit.
In case you’re not able to buy yesterday. Use this one. It will surely fit you. –YLM
Isang conservative na dress! Hindi lang fit sa akin! Fit rin sa panlasa ko. Aba! Kung backless `to at yung tipong kita na ang kaluluwa ko hinding hindi ko isusuot kahit mag-ragged na lang ako diyan!
Nagdadalawang isip akong tumuloy pero paano na si nanay? Fighting! Saka ko na poproblemahin ang mga camera na susunod-sunod sa akin kapag nakapasok na ako sa show.
--
Nasa harapan ko ngayon ang gusali ng MBC network. Dito ako mag-o-audition. Makailang beses akong nag-inhale-exhale bago tuluyang pumasok. No turning back! Para sa pera! Para kay Nanay!
Studio 7 ang pupuntahan ko. Medyo masakit na ang paa ko gawa ng high heels na suot ko. Pagkarating ko ng studio 7, nadismaya pa ako nang may note sa pinto.
Please, proceed to studio 12.
Saan namang lupalop yon?!
Angsakit na talaga ng paa ko! Isinuporta ko ang kamay ko sa pader saka minasahe sandali ang paa ko. hays! Nagsisisi ako dahil ito pa ang isinuot ko e. Kaso walang bagay dito sa dress kundi ito lang.
“Miss, are you okay?”
Nilingon ko ang lalaking nagtanong. “Ah oo. Saan ba ang papuntang studio 12?” Nakuha ng pansin ko ang mga dala niyang cards. May logo ito ng Singles. Ang programa na pag-o-auditionan ko. “Ahy staff ka diyan? Gusto kong mag-audition. Saan yan?”
“Ah oo. Sabay na lang tayo.”
Payag na payag ako siyempre! Baka maligaw pa ko e. Nasa elevator na kami. Sumandal ulit ako sa gilid para maibsan ang p*******t ng paa ko.
“Ok ka lang, Miss?”
“Sa totoo lang? Hindi. Angsakit na kasi ng paa ko.”
Pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator ay agad rin akong lumabas. Nakalimutan ko na yata ang mga sasabihin ko sa audition! Kinakabisado ko ito nang muli siyang magsalita.
“Siguradong makakapasa ka. Maganda ka kasi.”
“Salamat ha? Saka magpasalamin ka na. Delikado na `yan.” Biro ko sabay turo sa mga mata niya. “Oh, nakikita ko 75 na ang grado oh.”
Naningkit naman ang mga mata niya kasabay ng pagngiti niya. “I have 20-20 vision Miss.”
Shush! 20-20 rin ang vision ng pambobola niya. Lakas maka-PR nitong si koya. Pinauna niya akong pamasok sa studio para daw hindi mag-isip ng iba ang ibang staffs. Baka daw kasi sabihin nilang ako ang bet niya tapos kapag nakapasok ako e iisyuhin siya.
Kung makakapasok man ako ay dahil sa deal namin ni Miss Mika. Hay naku! Binigyan ako ng number sticker. Pang-215 ako! Kung maaga-aga lang sana ako! Ikakagutom ko na ito panigurado e! Buti na lang may baon akong crackers at tubig. Prepared dapat! Haha. Kahit naka-dress to kill tayo dapat may paperbag tayo para sa pagkain.
Itong katabi ko, si number 216, retouch nang retouch! Angkapal-kapal na ng foundation!
Diyos! Bawas langit points na naman ako sa dami kong napapansin. Erase-erase! Angtagal naman ng usad ng pila. Patience para sa bahay at lupa Katelyn! Fighting!
Kaygaganda at kayse-sexy ng mga kasama ko dito. Nakakalower ng self-confidence ah! Tsk! Haha. Pinipigilan ko ang tawa ko nang may kumanta pero hindi matamaan ang tono. Malditahin naman tong si number 216 kasi kung makacomment ay rinig na ng mga katabi namin.
“God! Anglakas ng loob. Sintonado naman!”
“Hindi naman to singing contest.” Akalako ay mahina ang pagkakasabi ko. Napatakip ng bibig si number 214. Pigil siguro sa pagtawa `to. “Ay sorry. Wala akong sinabi ha?” Bulong ko sa kanya.
Hayan may new friend ako, si 214. Mylene ang name niya. Nurse at trip lang daw niyang sumali dito para maka-move on sa ex niyang niloko siya.
After 10 and 5 years! Sasalang na rin ako sa wakas! Pababa na ng stage si Mylene. Nag-goodluck siya sa akin bago siya bumalik sa seat niya.
Si gwapong staff! Nakaabang sa back-stage.
“Nervous?”
Tumango ako. “Angganda nila.”
“Maganda ka din.” Ngiti niya. “Goodluck!”
Nakapangalumbaba ang bading habang naglalakad ako. Umaapaw ba ang boring personality ko? ‘Yung isa naman nakatuon lang sa folder na hawak niya. Parang si Mr. Heneroso lang ang attentive sa presence ko!
“Good morning.” Bati niya sa akin.
“Good morning din po.”
“You are?” Biglang tanong nung bading.
“I’m Kately Roque. I am a flight attendant and a proud Igorot from Baguio.” Mapagkumbaba kung pagpapakilala ko sa sarili ko.
“Anong nag-udyok sayo para mag-audition?” Tanong ni Miss Masungit.
Mas gusto ko pa yata yung hindi nakatuon sa akin ang pansin nila! Para akong natutunaw ngayon! Ano kayang magandang idahilan dito? Labag naman sa loob ko kasi `to!
“Miss Roque? Are you still with us? You’re spacing out.” Puna ulit nila.
“Ah. Opo.” Bumuntonghininga ako. Wala akong maisip talaga! Bahala na nga diyan. “Gusto ko lang pong subukan. I have been working hard and sacrificed my relationship. Actually, he dumped me because of my busy schedule so here I am gambling on love again.”
Looks convincing ba? Napataas ang kilay ni Miss Masungit.
“What is your edge among them?”
Actually, wala akong maisip! Parang IQ test naman `tong napasukan ko! Nakita ko si Mr. Chinito staff na nakasalubong ko kanina. Nag-okay sign siya sa akin. Bahala na nga diyan.
“My edge is my willingness to be real on and off camera, Ma`am. I am sure that most of us here take this as a stepping stone in their showbiz dream but I, Myself, just wanted to try searching for love on national TV.”
Angkorni ng sagot ko! Nasusuka ako sa kaplastikan ko. Gustong gusto ko ngang sabihing para lang sa pera to e! Kaso mas lagot naman ako n`on.
“Is that so Miss Katelyn?” Nagpangalumbaba ulit si Miss Masungit. “So, what is your ideal partner?”
“Limang qualities lang po maam. Mabait, may respeto sa kapwa, mapagmahal sa ina at kapatid na babae, marunong magtiwala sa magiging partner niya at higit sa lahat honest po.”
“So dapat present ang limang yan?”
Umiling ako. “Sabi po ng nanay ko kung tatlo sa limang qualities na gusto ko okay na po `yun. Huwag na daw akong choosy kasi hindi naman ako kagandahan.”
Joke ba yong sinabi ko? Bakit may mga napatakip sa bibig? Seryoso kaya ako! `Yun ang sabi ng nanay ko no! Hindi daw ako kagandahan kaya huwag akong choosy.
“Naniniwala ka ba sa love at first sight?”
Agad akong umiling. “No. Nade-develop ang love hindi parang instant noodles na kung lalagyan mo ng mainit na tubig ay pwede nang kainin.”
Tumango-tango na nga lang sila. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay may mga follow up questions pa e! Bumalik na ako sa seat ko. Gusto ko ngang i-congrats ang sarili ko dahil nakapag-construct ako ng English nang maayos sa harap ng pagkarami-raming tao dito!
Kinain ko na ang crackers dahil nagutom ako sa kakasagot sa interview. Diyos ko! Ano ba `tong pinasok ko?
--
Tatawagan na lang daw kami kung napili kami para sa final screening. After ng final announcement naghanap ako agad ng cr para makapagpalit ng damit. Ayokong magbyahe na naka-dress to kill. Tinupi ko nang maayos ang dress saka nilagay sa paperbag. Komportable na rin ako sa akin flats. Alwan sa paa talaga! I lab it!
Uuwi muna ako sa kaibigan ko sa Pasay. Isinandal ko ang ulo ko sa back support ng upuan ng bus.
Grabe! Punong-puno na nga ang bus pero magsasakay pa `tong si Manong drayber! Sari-saring amoy na naman `to panigurado! Hayan at standing na! Patuloy na ngang umaatras ang mga kakasakay lang na pasahero para may lugar pa dun sa mga gustong maki-sardinasan dito.
“Sorry…” Hingi agad ng tawad ng lalaking nakatabig sa balikat ko.
Hindi ko na binigyan pansin. Normal lang naman kasi ang ganyan sa mga ganitong pampublikong sasakyan. Buti at nagsorry naman siya.
Nakatanaw lang ako sa labas. Nagkalat na nga ang mga billboards ng new season pero hindi pa pinapakilala kung sino-sino ang featured bachelors ngayon.
Ano naman kaya ang feeling na baka sa mga susunod na linggo ay nakikita ko na ang mukha ko diyan kasama ng Mr. Bachelor?
Bahala na nga diyan. Ang importante ay mababawi ko ang bahay at lupa namin sa tiyahin kong swapang.
Maniningil na ang drayber. Sinisiksik nga niya ang kanyang may kalusugang katawan sa pagitan ng mga pasaherong hirap na ring maghanap ng makakapitang upuan.
Hays! Di ko mahagilap ang wallet ko sa bag! Paano ako nito? Mukha pa namang masungit `tong kondoktor. Magkano nga ba ang pamasahe dito?
Inipon ko ang barya sa coin purse ko, 14 pesos lang! Kulang ng limang piso! Walangya!
“Manong kulang ng limang piso ang pamasahe ko. Hindi ko mahanap ang wallet ko e.”
Mukhang hindi naniniwala si Manong! Grabe! Mukha ba akong sinungaling?!
“Naku Miss! Lumang tugtugin na `yan.” Sabi na e! Pagkasungit mo koya! “Kung walang pamasahe e bumaba na lang.”
Kainis naman kasi! Saan ko pa nailagay ang wallet ko.
Inabutan ako ng limang piso nitong lalaking nakatayo sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin para makita siya. Posturang-postura si koya. Naka-itim na amerika at shades pa.
“Sure ka?”
“Yes po, Ma`am.”
Gagi. Ako na nga `yong binigyan ng pera siya pa `tong nag-maam.
“Salamat. Pagpalain ka ni, Lord.”
Halla! Bakit ba siya natawa sa sinabi ko? Tsk. Mukha siguro akong walking joker. Parehong terminal ang binabaan namin. Sakto nandito na rin ang kaibigan ko.
“Thank you ulit sa limang piso.” Magiliw kong sabi sa lalaki bago siya naglakad papalayo sa amin.
“Girl, pretty mo today. Saan ka galing?” Tanong agad ni Rose. “Kala ko kasama mo `yong boylet. Ha ha! Pogi kako sana.”
“Baliw. Nakasakayan ko lang. Binigyan ako ng limang piso. Kulang kasi pamasahe ko. Ha ha! Nakakahiya.”
Tumunog ang selpon ko. Unregistered number.
“I’m sending you money. Paunang bayad sa deal natin nang hindi magkulang ang pamasahe mo.”-YLM
Paanong?! Ma-reply nga `tong babaeng `to. Teka! `Yong lalaki!
“You did well sa auditions, Miss Katelyn. Congratulations! BTW, don’t worry. I just need to protect you. Nasa `yo ang pusta ko. Ha ha!”