After hours of work, I changed into my faded pants and a white t-shirt. I put all my other stuff in my bag and headed out of my workplace. I am taking some time to relax again after days of work. I canceled my other meeting due to my dad’s excitement. He just heard the news kanina at pinuntahan agada ko dito sa opisina.
-Flashback—
Audition na ng mga babae na sasali sa Singles as updated by Innu. He keeps on sending updates kung gaano kagaganda ang mga nag-o-audition. Mas excited pa siya.
Hindi pa nagkasya ay tumawag pa.
“Yeah? What is it?”
“Dude! Anggaganda ng mga nag-o-audition.”
“Limang qualities lang po maam. Mabait, may respeto sa kapwa, mapagmahal sa ina at kapatid na babae, marunong magtiwala sa magiging partner niya at higit sa lahat honest po.”
Rinig ko sa kabilang linya. Innu keeps on praising those women pero nakuha ang pansin ko ang kung sino man ang nag-u-audition sa mga oras na `to.
“Naniniwala ka ba sa love at first sight?”
“No. Nadedevelop ang love hindi parang instant noodles na kung lalagyan mo ng mainit na tubig ay pwede nang kainin.”
Good answer.
“Oh dude! Be ready ha? Tatawagan na lang kita kapag malapit na ang press conference. That would be a week from now.”
“Okay. Bye.”
“Is it true that you are joining this reality show?”
Ang tatay ko`yan na hindi napapagod sa kaka-set ng date para sa akin. Kakapasok na nga lang ng opisina ko `yan agad ang ibubungad.
Tinanguan ko lang si Papa habang nire-review ko ang mga papeles. “Just for fun.”
“Now that’s new, Hijo. Atleast hindi na kami mahihirapan ng Mama mo sa paghahanap ng makakatagal sa ugali mo.”
“I am not obliging you, right? Besides, whoever that woman would be, she'll never be a part of our family. Just for that tv show."
Naupo siya. Nag-de-kwatro pa siya. “Huwag kang magsalita ng tapos, Anak. So, have you met her?”
Umiling ako. “Nasabihan lang ako ng ilang bagay tungkol sa show. Na-mention lang ang ibang bachelors. Pero sa girls, sila na ang bahala kung sino ang partner ko. Mas low profile mas maigi.”
“Tama. Low profile like Liam,” sabi pa niya na nakataas pa ang dalawang kamay na animo ay nangangarap. “Well, I think this is really good news. Call your brother and sister. Magpapadinner ako sa bahay.”
--end of flashback--
“Here’s your order, Sir.” Nilapag ng waiter ang kape at cheese cake sa mesa ko. "Do you have additional orders, Sir?"
Umiling naman ako. “That would be it. Thank you.”
I really don’t know my feet took me here in front of MBC building. Kanina lang gusto kong pumunta sa mismong studio dahil hindi pa daw tapos pero naisip ko baka isipin niyang excited ako.
I am taking my free time chatting with old friends. They seem so contented with their own family now. Naalala ko ang mga `to na madalas naming bugbugin nina Jmark at Zean noon. Mukhang nagtino din sila at ngayon ay may mga sarili ng pamilya.
Hindi ako madalas magcomment sa mga pinopost nilang pictures but I do click Like. Auto-liker nga lang daw ako sabi ng mga `to.
“Mind if I sit here, Mr. Reyes?”
Iniangat ko ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Si Harmony Pascual, ang kamakailan lang ay sinet-up ni papa na ka-date ko.
“Ok lang?” she asks again. Dala-dala niya ang tray ng order niya.
“Sige.”
Binalik ko ulit ang pansin ko sa pagba-browse. We have nothing to talk about anyway.
“Why are you alone?” Basag niya sa katahimikan.
“Bakit?”
Umiling siya. “I just thought boring kumain kapag walang imik ang kasama mo.”
Binulsa ko ang cellphone ko. “You have a problem with that? Nakiupo ka lang naman? Am I supposed to entertain you?”
She hissed and drank her coffee. "The next Singles' bachelor is too arrogant, huh?"
Napaangat ang tingin ko sa kanya. “How’d you know?”
“Our family owns the biggest share of MBC network; I also work there, and my dear father put me in charge of that show when he found out that you are one of the bachelors this season.”
“I see.” Sumimsim din ako ng kape bago siya muling kinausap. “So, what are you doing here? Ngayon ang auditions, aren’t you supposed to be there?”
Sumandal siya at inabala ang sarili sa phone niya. “None of your business too Mr. Bachelor.”
Iniusog ko ang upuan ko palapit sa mesa at bahagyan lumapit din sa kanya. “Tell me, you’re escaping your Dad too?”
“Ahuh! Absolutely. He’s thinking of letting me join the show itself. The hell with him. Masyado akong pinu-push mag-boyfriend.”
“Let me guess, pinagbabantaan ka na rin niyang itatakwil?”
She smiled like telling me it’s so accurate. “Luckily, I saved enough. Kahit itakwil niya ako, okay lang. But I think he wouldn’t do that. I’m his only child.”
“You’re indeed lucky.” Her phone rings. Kumunot ang noo niya after cancelling the call. “You okay?”
She nods and sighs. “Sometimes, I wish I was born in an ordinary family. What if I marry a common man? `Yong hindi kilala. What do you think?”
“Suddenly, we’re having this conversation, huh?” Sumimsim ulit ako ng kape. “You can always marry someone you like. Just let him know the odds of matching you. Haha! Ang disadvantage ng surname mo.”
“Damn it. Tama ka.” Humalukipkip siya. “We have the money and resources but limited freedom. Hay! Buti ka pa. I heard, very openminded ng Daddy mo.”
“Huh? Sobrang openminded magpapa-party pa siya dahil kasama ako sa Singles. Would you believe that?”
Natawa na rin siya. "Cool. That's fun. I'm guessing one day he'll talk to us and ask for an episode with your family."
“Hindi malabong mangyari.” Iiling-iling kong sagot. “Just don’t make it to corny. If ever. My parents are so into dramas. Baka seryosohin nila ang episode. I don’t want to get married on national TV.”
---
“Dad, it’s not like I’m getting married. Bakit very festive ng dinner? It’s just a TV program.” Reklamo ko nang makita ko ang dining table. “Ano `to? Pasko?”
Natatawa si JMark na halos kasabay ko lang dumating. Dumampot siya ng mansanas. Pinunas niya ito sa kanyang tshirt bago kumagat. “Bro, masaya lang si Daddy. He’ll not schedule blind dates for you for a couple of months. Right, Dad?”
“Absolutely. Ang panganay ko ay mapapanood ko sa tv na hindi business related. I’m one proud dad.” Lumapit sa akin si Daddy. Inakbayan niya ako. “Hijo, ipakilala mo sa amin agad ng Mom mo ang makakapareha mo. Kikilatisin namin.”
“I think that’s a bad idea.” Kontra ko agad sa kanya. With how he thinks? Ipapahamak ko ang sarili ko kung pinakilala ko ang makakapareha ko.
Dumating na rin sina JM and Liam with the twins. Jana Marie is our youngest and Liam is her partner. Agad silang nilapitan ni Daddy.
“Angpogi naman at angganda ng mga apo ko.” Niyakap siya ng mga bata. “Jana Marie, parang pumayat ang mag-iina ha? Ini-stress mo ba itong si Liam?”
“Huh? Anong ini-stress? Happy wife, happy life kaya kami. `Di ba, MQ?”
“Dad, late siyang umuuwi. She’s too busy with work.” Pagsusumbong ni Liam. “The kids miss her.”
Lagot ka ngayon JM! Ha ha! Since si Liam ang first manungang nina Daddy at they really went through a lot kaya mahal na mahal ng parents namin ang mag-iina niya.
Inakbayan ako ni Jmark. “Bro, marunong na ring magdrama si Liam `no? Ako ang nagturo diyan. Ha ha!”
“Baliw ka talaga. Gustong-gusto mong natutuliro si JM, ano?”
“Ahuh. She’s too busy with work naman talaga. Our sister is workaholic, nagiging tulad mo na siya. Nakakatakot! Ha ha!”
Tinanggal ko nga ang pagkakaakbay niya sa akin. Nilapitan na rin niya ang mag-asawa. Kinarga niya si Louie. Pupuntahan yata nila sa Mom sa kusina.
“Kuya, nice to see you.” Lumapit sa akin si JM. Niyakap niya ako at tinapik-tapik sa likod. “Daddy is so excited. Beware, Kuya. He’s full of surprises.” Bulong nito sa akin.
Bumitaw siya sa yakap saka bumaling kay Daddy. “So, Dad, anong meron? Bakit may family dinner?”
“We’re celebrating your Kuya’s new tv show.”
JM looks at me as if wala pa siyang alam tungkol dito. “Oh? Anong show?”
“Singles!” proud na sagot ni Dad. “Ako ay nagagalak na malaman kung sino ang kapareha niya. Maganda kaya siya? Ano sa tingin mo, Hija?” Kay Liam bumaling si Daddy. “Dapat ay singganda mo. Aba! Dapat matapang din.”
“Dad! Sa show ko lang siya magiging partner, okay? Not in real life. Come on!”
“Kahit sa programa lang, Hijo. I want to meet her. Aba! Somehow, magiging parte na rin siya ng buhay mo.”
“Dad, mas excited ka kay Kuya.” Biro ni JM sa kanya. “Ako ang kinakabahan. Hayaan mol ang ang show ha? huwag kang bibida doon, Dad, please.”
“I’ll think about it. How’s our resthouse in Patar? It's a good location `no?" Here he goes again with his malicious smiles! “Harmony is part of the productions, right? I’ll talk to her some other time.”
Damn! Seems like he has planned the whole season in his mind! Or probably nakausap na nga talaga niya ang dad ni Harmony!
“I’ll give her dad a call sandali. Tell your mom, saglit lang.” Mukhang nakaisip na naman siya ng scheme. Tuwang-tuwang umalis e.
“Kuya, it must be difficult to be in your situation `no? Ibubugaw ka n ani Dad. Ha ha!” tinapik-tapik ako ni JM sa braso. “Goodluck, Kuya. Sobrang goodluck.”