Chapter 12 - Harmony's order

1628 Words
Chapter 12 INNU ANGELO In just a snap of finger, nakatali naman ako kay Harmony. Tuso rin talaga ang babaeng `to. Walang libreng pabor! Nakarating na kami sa Paradise Villas. Naghihintay na nga samin si Maria. Hindi talaga niya maiwan ang kanyang mga bodygurads. “Ex mo siya `no?” komento na naman ni Harmony. “She seems excited. Isa ba siya sa mga pinaasa mo?” “No! Of course not! Basta mamaya makikita mo.” I parked the car. Ano pa bang hinihintay nito? Hindi pa bumaba. “What?” She looks at me and I think I know what she’s thinking. “Ngayon na agad? Hindi pa na nga nagsisimula ang season.” “Okay. Madali naman akong kausap.” She’s about to open the door. “So, cancel na ang deal. Ipapareha ko sa iba si Jan Michael.” “Hep hep hep!” Dumukwang ako para pigilan siya. “Langya naman! Angbilis mo namang magbago ng isip. Wait nga, Kamahalan.” I sarcastically emphasize that fvckin word. Mabilis akong umibis ng kotse. “Abusado talaga.” Bulong ko sa sarili ko. “I heard that!” Patakbo na akong pumunta sa tapat niyang pinto saka ito pinagbuksan. “Maligayang pagdating, Kamahalan.” Yumuko pa ako gaya ng mga royal guard at nilahad ang kamay.  “Tabi.” Killjoy naman talaga! Winaksi ba naman niya ang kamay ko. Naku! Kung hindi ko lang siya boss talaga e. Hay, Innu! Ganyan talaga ang buhay, kahit pogi ka hindi ka naman singyaman ng mga pinsan mo kaya tiis at tiyaga na muna. Pero atleast pogi. Sinara ko na ang pinto. Sinalubong kami ni Maria. “`Dude! Long time na see!” She said in her natural manly voice. I heard a soft curse from Harmony. Ha ha! She didn’t see that coming, alright! Maria hugs me and taps my back. “So? Who’s this lucky woman, dude?” “Ha ha! Pwede bang boses babae na lang ulit?” biro ko sa kanya. “Mas lalaki pa sa akin ang boses mo. Haha! By the way, she’s Harmony.” Bumaling ako sa katabi ko. “Harmony, this is Maria Grande Simon.” “Oh my, God! Mario Gregorio Simon of Mamuru Men’s Basketball Team?” Ngumiti si Maira and pose like a queen. “The one and the only, Darlin`. God! I think I’m gonna p**e with that name! Ha ha! Huwag mo nang uulitin, Dear. Grogorio is dead. Ha ha! Halina kayo at ito-tour ko kayo sa aking Paraiso.” This is my first to visit this place after its renovation. Isinabay ni Maria ang pagpapa-renovate nito sa kanyang transition. Well, you can’t blame her since she felt the total freedom when she came out to her family. I was there by the way and I was mistaken to be her boyfriend. Ha ha! Narating na namin ang main house. It’s a three-story house that’s very suitable for gatherings, pwedeng dito gagawin ang mga eviction episodes or special events. We checked each room. Mukhang goods na `to for Harmony.   Narating na namin ang malawak na balocy kung saan tanaw ang pool, garden at ang mga limang mini houses. “I think, this would be a perfect place for your show. And if kulang pa ang mga mini houses, we can build one or two. Depende kung ilan ang kailangan. Anyway, this will turn into a commercial villa soon.” pagpapalinawag ni Maria. “This fit exactly what I am imagining.” Nakapameywang pa si Harmony habang nakatanaw sa labas. “We can set a pool party sa pagdating ng mga bachelors and bachelorettes. Malayo rin ang main entrance, pwedeng dramatic ang intro nila. This is perfect!” She’s talking to herself while pointing at the mini houses. Siniko ako ni Maria. She gives me a malicious look and pointed at Harmony. Umiling ako agad `coz I know what she’s heading to. “Boss ko.” Mahina kong sagot. And just like the others, hindi siya naniniwala sa akin. It must be my behavior, that leads to their reaction. I don’t blame them. Colege life has been a roller coaster hell of a flirting ride for me. Hay! Those days. Huwag na nating balikan. Kailangan ko na lang mapakitang matino naman talaga ako at hindi na babaero kaya ng dati. “How much are we talking here?” tanong ni Harmony pagkaharap niya sa akin. “Half the bills ng kuryente while you’re using the place.” casual na sagot ni Maria. “What?” Hindi makapaniwala si Harmony. “`Yon lang? E anglawak nito at angganda pa.” Kahit sino naman! Mabibigla dito kay Maria. Kami ang unang gagamit nitong Villa at hindi basta-basta ang ganda nito. “Yeah. No worries about that. Since mapa-publicize naman itong Villa, magkakaroon pa ng mga opportunities in the future. Let’s just say nag-invest ako virtually.” She clings on my left forearm. “Alangan namang ipapahiya ko itong kaibigan ko.” She even leans her head on me. E mas matangkad siya sa akin. Nakakatawa ang reaksyon ni Harmony. She’s giving me this ‘I knew it!’ look. Loko-loko talaga `tong si Maria. Pinalo ko nga sa kamay. “Loko. Isipin pa niya jowa kita.” “Bagay kayo naman.” Pang-aasar pa ni Harmony. “So, should I leave him here? I can drive naman e.” Loko-loko `tong babaeng `to ha! Iniisip yata talaga niya na jowa ko si Maria. “Hoy, working hours.” Kontra ko agad sa kanya. “At alam sa office na magkasama tayo. Kung may nangyaring masama sa`yo sa akin ang sisi.” “Walang mangyayaring masama sa akin `no. Saka ako ang boss mo kaya kung sinabi kong maiiwan ka dito, maiiwan ka dito. Remember our deal?” Hayan na naman! Ibabala na naman niya ang deal na `yan! Tsk. --- After checking the mini houses umalis na nga siya. Natatawa si Maria dahil hindi na ako nakakontra. Kaya heto nag-iinom na lang kami sa tabi ng pool. “She’s something. Very bossy woman.” Komento pagkatapos ubusin ang alak sa kopeta. “Parang gusto kong magparetoke at gayahin ang tabas ng mukha niya.” “Dude! Please, tama na. Nakailang retoke na. Maganda ka na. Ano pa bang nais mo?” She looks feminine and her voice is very ladylike na. Her brazillian bloodline added to her beauty. Ofcourse, those blue eyes his different kahit noong manly look pa siya. She shrugs her shoulders. “I don’t know. Buy anyways, how’s like after death? Ha ha! just kidding. Mukhang nagulat si Harmony kanina. Epic.” “Kahit sino sa mga nakakakilala sa`yo noon ay magugulat. Imagine, the playboy just transitioned into a woman. Kahit ako na-shock when I saw your picture. But I’m happy for you, Dude. You’re free.” Nagfist-bump kami just like the old days. “And you? Kailan ka magseseryoso sa isang relasyon? Ekis natin si Harmony kasi I know hindi mo siya type.” Nagsalin ulit siya ng alak. “Saka bakit ka nagtitiya sa productions? You’re a Villanueva at angdaming opportunities na mag-oopen sa`yo. Modelling industry has been good for you, `di ba?” Bottoms up! Sarap ng mamahaling alak! “Hooh! All this time, I’m just a shadow to the richer Villanuevas. Pinsan ako ni ganito, pinsan ni ganyan. Gusto kong makilala ako bilang ako. It’s that simple. From the scratch.” “Pride. Ang sabihin mo pride.” She said sarcastically. “Dude, noon pa man proud na ang clan niyo sa mga achievements mo. Ikaw lang itong nagbibigay ng issue sa sarili mo.” “I know. But remember, Villanueva ako pero elligitimate child.” Villanueva is one of the richest families in the country. Isa lang ako sa maraming bastardong anak na isinunod naman sa kanilang apilyedo. Hindi ako pinabayaan, sobra pa nga ang pagsustento e. “Tanggap na tanggap kumbaga. Pero may kulang pa rin sa akin.” “I get it. You’ll get through all of it naman. Ang importante, hindi ka ikinaila. `Di ba? And you’re enjoying the freedom.” --- Umuwi na ako sa akin condo. Just one of the many luxuries I enjoy as a Villanueva. Nagbukas ulit ako ng canned beer at sumalampak sa sofa. I turned the tv and voila! Teaser ng upcoming season ng Singles. Pinakita na ang mga bachelors. Lima sila. Panay mga famous sa iba’t-ibang larangan. It was just a fifteen-minute teaser. My phone rings. It’s Harmony. Hindi ko sinagot. Pero pinaulanan ako ng messages. “Answer it. Damn it!” May sampung beses na ganyan ang text niya. Saka siya ulit tumawag. De sinagot ko na. “Hello. Demanding naman. Hindi ba pwedeng tumatae ako, kaya hindi ko nasagot ang tawag mo.” “Where do you usually date your girls noon?” “What? Bakit?” “I’m making a list for relationship goals. Idadagdag ko lang kung mayroong suggestion na ang team. So? Saan?” “Sa kama! Ha ha ha!” “Whattafvck, Innu! `yong matinong sagot!” “Hahaha! Matino naman `yon ah! I never dated seriously. Kaya madalas, alam mo na. Haha!” I heard a curse from here again. Lahat na siguro ng malutong na murang Pilipino ay nagiging sosyal ka pang siya ng bumibitaw. “Kahit isa wala kang maisa-suggest?” “Wala.” “Parang ikaw dapat ang nasa Singles. Hindi si Jan Michael. God! Wala akong makukuha sa`yong tulong talaga!” Binabaan niya ako ng tawag e. Ano ba kasi ang aasahan niya sa akin. Ha ha! E wala pa akong babaeng pinaglaanan ng maganda at maayos na date. She sent another message. “Search some place na magandang mag-date, Slave. Ha ha ha!” Fvck! Papahirapan pa ako e!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD