Chapter 13
KATELYN
Isang very nakakapagod na shift ang natapos rin! Sa wakas! Ang peaceful ng mga nakalipas na araw ko. Halos dalawang linggo rin na hindi nagme-message si Miss Mika. Hay Salamat! Siguro ay nagbago na ang isip niya.
Nakasakay na ako sa taxi. Nahilot ko pa ang paa ko. Nananakit na sa aking suot sa sapatod. Nai-imagine ko na ang dalawang araw na paghinga at panonood lang ng movie ang gagawin ko. Very masayang buhay!
Wait! Hindi ito papunta sa apartment ko ah! s**t!
“Manong! Hindi po ito ang daan.” Kinalabit ko si Koya. “Manong…”
Shocks! Mas makinis pa sa pores ko ang face ni manong.
“Young Lady would like to talk to you.”
Inabutan niya ako ng isang black keycard. Tsk! Pinakaba pa ako! Kung sana tinext na lang ako na kikidnapin niya ako de hindi tumaas nang sobra ang adrenaline rush ko! Naisip ko pa tuloy na modus itong pagligaw-ligaw sa akin ni Manong.
Pumasok kami sa Hail Village. Ito ang lugar kung saan naninirahan ang mga mayayaman na pamilya inside and outside the Philippines. Anglalaki at anggaganda ng mga bahay! Shocks!
N`ong okay okay pa kami ni Jumar, iniisip ko kapag malaki ang bahay ay druglord na ang nakatira o kaya corrupt na politician. Ha ha! Angsama ko mag-isip talaga minsan.
Tumigil kami sa tapat na isang two-story house, may sopostikadang design ng glass wall at dimlight na green sa gate. Kusang bumukas ang gate. Wow! Sensor yern? Ha ha!
Pinagbuksan ako ni Manong ng pinto. Pero nang makita ko nang harap-harapan ang mukha niya niya ay dapat palang oppa ang itawag ko sa kanya. Diyos ko! Requirement yata sa mga tauhan ni Miss Mika na pogi at makinis ang face.
“Follow me, Miss Katelyn.”
Inihatid niya ako hanggang sa main door. He pointed at the scanner. “Your key card, please.”
Oh s**t! Oo nga pala! Itinapat ko dito ang keyguard. Nagkulay green ito saka bumukas ang pinto. Hinintay kong papasok rin siya. Pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. So, ako lang ang papasok kung ganun?
Fine! Katelyn, pasok! Huh? Nanonod si Miss Mika sa malaking tv. Ito iyong episodes ng Singles nung nakaraan.
“Hi. Miss Katelyn.” In-off niya ang tv saka ako hinarap. “Dinner muna tayo. Gutom na ako e. Early dinner na lang.”
Mag-a-alas-sain na rin ng gabi. Dumulong kami sa dining area. Sa ganda ng bahay at sa rangya ng interior design, ang nakahain sa hapag kainan ay kanin at lumpiyang shanghai.
“Have a seat. If ever nagwa-wonder ka kung bakit ako lang ang nandito, I’m just making sure na konti lang ang nakakaalam na nagkikita tayo. Baka mas loyal ang mga kasambahay kay Kuya Jan Michael e. I’m just making sure.”
Naupo na lang rin ako. “Akala ko hindi na tuloy ang deal. Masaya na sana ako e.”
Natawa siya pero ramdam kong sarcastic. “Nag-lie-low lang ako. May inasikaso rin. Kumain ka muna, Miss Katelyn. I know you’re tired sa duty.”
“Busog ako. Pwede na ba nating pag-usapan kung bakit mo ako pinapunta dito ngayon? Hindi mo naman siguro ako ipapasundo kung kailangan mo lang ng kasabay sa pagkain ng shanghai.” Sinadya kong sungitan siya para ma-gets niya ang inis ko. Dapat ay nakahilata na ako ngayon at inienjoy ang higaan ko.
“Of course, hindi.” Agad niyang sagot. “I have my girlfriend. Bakit kita ipapasundo para lang dito. `Di ba?”
E de wow! Siya na ang may lovelife! Siya na ang out and proud! Siya na ang happy.
Tumusok siya ng isang shanghai. “Come on. Kumain ka muna.”
“Busog pa nga. Ano nga ang pag-uusapan natin?”
“Fine.” Akala ko ay mag-uusap na kami pero anak ng teteng! Naglagay siya ng kanina sa plato niya at kumuha pa ng tatlo pang piraso ng shanghai. “Wait for me, then. Kakain lang ako.”
Grabe! Kakain talaga? Parang sinasadya pa niyang takamin ako! Nakakainis dahil angbango pa ng shanghai! Natatakam tuloy ako. Pero ang pride, Katelyn! Huwag ibaba ang pride! Shanghai lang `yan!
Pero sa pinakamalas na tagpo pa talaga tutunog ang tiyan ko sa gutom. Traydor! Nilakasan pa! Natawa tuloy si Miss Mika.
“Kumain ka na. Your tummy just betrayed you, Miss.”
Kumuha na ako ng kanin at dalawang shanghai.
“Do you know that most of our family members love shanghai? Including kuya Jan Michael. Do you know how to make one?”
Tumango ako. “Pero hindi pang-mayaman ang luto ko.”
“It doesn’t matter. May category ba ang shanghai? All I know is dapat you made it wholeheartedly. That’s the main ingredient. Like this. Niluto ito ni Ate Liam for her wife. Wait. Are you homophobic or something? Just making sure for the nth time.”
Umiling ako. “Bakit?”
“Nothing. You’ll get involve with a family who’s open to all kinds of relationships. Just making sure para iwas isyu din. I-o-orient na rin kita. Our family is so complicated.”
“I know. It’s known nationwide. Ms. JM and Ms. Liam, You and Ms. Ara. But I don’t care. Kailangan ko lang ng pera para sa lupa namin. Wala akong planong makigulo sa pamilya ninyo. Just to be clear. We just mean business lang.”
“Okay. Good. Atleast, you’re not homophobic.” Uminom siya ng tubig. “By the way, `yong share mo sa pinagbentahan niyo ng bahay ay nakadeposit na sa account mo.”
Shocks! Good news `yon!
“But, naka-freeze.” Heto na naman siya sa nakakainis niyang expression. “Makukuha mo lang after ng season. Don’t worry. I’ll send enough money for your nanay. That would count as your salary. And since you’ll kind of get involve with our family, pababantayan ko siya as mga bodyguards.”
“Ha? Bakit? Para saan?”
“Para hindi siya ma-ambush interview ng kung sino-sino if ever magkasama na kayo ni kuya sa mga tapings. You know? I’m just being a kind and advance mag-isip na employer.”
Whatever! Hindi ko naunawaan ang sinasabi niya.
“Ayaw na ayaw ni kuya ang matalo sa kahit anong kompetisyon. Just be ready baka ma-pressure ka pag naging extra competitive na siya.”
“Pati `yan poproblemahin ko rin ba?”
“Well, kailangan mo ring ma-orient kahit papano. Masungit si kuya. He’ll probably stare at you from head to toe but he doesn’t mean anything with that.”
“Bakit mo sinasabi `to? Hindi ba dapat sa show ko na makilala `yang pinsan mo?”
“Hmm, you’re right. But since hindi mo naman talaga gustong sumali sa show and you’re just doing this for our deal, mas mabuting malaman mo na ngayon. Baka bigla ka pang ma-fall kay Kuya kapag sa show mo pa malaman.”
I laugh exaggeratedly to irritate her. “Joker ka rin `no? Duh! Nasa kanya ang pinakaayaw kong characteristic ng mapangasawa. Duh!”
“Ang what is it?”
“Sa akin na lang `yon.”
Siyempre `yong pagiging sobrang yaman niya! At kung ganito itong pinsan niya ay siguradong ganoon din ang ugali ng Jan Michael na `yon! Baka inamag na ang utak dahil sa pera.
Isang malaking ekis!
“Okay. If you say so. Pero huwag kang magsasalita nang tapos. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng ilang buwan.”
“Hindi ako nagsasalita ng tapos. Sinasabi ko lang na wala sa hinagap ko ang mag-boyfriend ng sobrang yaman. Gets? Doon na lang ako sa katamtaman lang ang pamumuhay para less worries.”
“Hindi ka sure diyan. Bakit ayaw mo sa mayaman? Mabibili mo lahat ng gusto mo. Like luxury items and some stuffs.”
“E sa ayaw ko e. Bakit ba? Gusto-gustohan `yan.”
“Know what? Masyado mo kaming minamaliit. There is still good in us, you know?”
“So, nasaan ang good? Good ba `yong iipitin mo ako sa isang deal para lang makuha ang gusto mo? Trip na trip niyo lang paglaruan ang buhay naming mga mahihirap e.”
“Hmmm, let’s just say. You haven’t seen the good in us. But nevermeind, you have your own opinion. You do you, I do mine.” She even smiled. “Oh, by the way, I should call you Ate, then. Since sooner you’ll be paired with Kuya Jan Michael.”
“Tsk. Ate mo, mukha mo.”
“How about we’ll have another deal.”
Heto na naman siya! Hindi ko nagugustuhan ang mga tingin niyang makahulugan.
“Dodoblehin ko ang share mo sa pinagbentahan niyo ng bahay, if kayo ni Kuya ang mananalo.”
“Malabo `yan. Baka unang eviction pa lang legwak na kami.”
Humalukipkip naman siya. “That’s the thing. Hindi mo pwedeng hayang matalo kayo. Do everything you can para ma-reach niyo ang 30 days challenge.”
“Teka ha? Bakit very persistent ka? Anong makukuha mo sa pagma-manipulate mo sa akin?”
“Nothing.” Nagkibit-balikat pa siya. “Sabi ko nga, wala na akong paglagyan ng pera so heto.”
Nagtaas-baba pa siya ng kilay. Nakakairita!
---
Hay! Sa wakas! Kaysarap humiga at mag-unat ng likod! Katatapos lang naming mag-usap ni nanay. Nagpasalamat sa padala ko daw. Hay! Tiis lang, Katelyn. Para sa lupa ito! Fighting! Pero makatulog na nga muna.
Ano-ano kaya ang mga mangyayari kapag nasa Singles na ako? Paano kapag lahat ng gagawin ko kukuhaan ng camera? Dapat ba mabait ako lagi? Baka i-bash ako.
Shet naman! Sa ganitong oras pa talaga ako mag-ooverthink? Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Bakit ganito ang utak? Kung kailan patulog ka na saka ka bibigyan ng maraming isipin?
Bumangon na lang ako since ayaw naman ako patulugin ng utak ko. Buti sana kung may ka-late night talk ako e. `Yong tipong 11:00 na ng gabi e kinikilig pa rin ako. Hay!
Nagtimpla ako ng kape. Pagbibigyan ko `tong utak ko. Paglamayan namin ang gabi! Nagpatugtog rin ako, pero mahina lang. Nakakahiya sa mga nagre-rent sa kabilang apartment.
Manonood na lang ulit ako ng clips ng Singles. Iniisip ko iyong pagdoble ni Miss Mika ng pera ko. Shocks! Kahit bumili na ako ng malaking bahay at lupa para sa amin ni Nanay.
Ano ba naman `tong mga to. Hindi sila magjowa pero nagkikiss sila. Grrr! No way na hahalikan ko ang hindi ko jowa. Angdami pang comments. Very sweet daw. Very nakakakilig daw. Ano bang mga tao `to? Hindi nakakakilig ang humalik sa hindi mo mahal no.
Niclick ko `yong related video. Hayan! Sabi ko nga. Para lang sa show `yong flirt-flirt na `yon e. Sabi dito nag-break iyong dalawang naghaharutan sa unang video after two months. Walang poreber sa mga reality shows mga urur!
I-exite ko nasa pero mayroon ads.
“Singles: Couple Edition”
“Who are the bachelors?” sabi ng prompt. Boses ng babaeng seductive ang nagsalita. “Take your pick!”
Five na lalaki ang mabilis na flinash. Lahat sila ay naka-amerikana. In fairness, bakit bachelors pa sila? E popogi naman nila.
Sa bagay, ako nga maganda pero single pa rin. Ha ha! Support thyself!
Sa basketball court ang intro ng unang bacheror. Nagdi-dribol-dribol pa. Tapos close up ang shot. Benjamin Ortega, isang sa mga basketball stars ng bansa. Okay. Pogi rin. Dapat present ka sa lahat ng games niya. Supportive girlfriend check!
Sumunod ang parang Vlog ang intro. Elijah Canlas, well known Baguio native architect. Napapanood ko ang mga vlogs niya. Cute naman siya. Parang may sense naman kausap. Nice to, makakatipid sa paggagawa ng bahay. Check din!
Exhibit ang sumunod na intro naman. Anggaganda. Parang buhay ang mga paintings! Theodore Samuels, Painter. Parang `pag ito ang naging boyfriend mo mapapasama ka sa mga obra niya. Nice naman! Sweet rin!
Grayson Martin, dating artista `to e! Nangibang-bansa ito nung nagka-isyu. So malamang gimik lang niya ang pagsali sa Singles. Baka ka-love team ulit ang hanap niya. Ha ha! Ekis!
Ang sumunod na intro ay naglalakad naman. Binti nga lang ang kinukuhaan ng shot e. Tapos pumasok sa elevator. Pataas ang kuha. Inayos pa niya ang neck tie niya. Ngumiti pa e. Nag-flash ang “Jan Michael Reyes” sa screen. Ekis! Apilyedo pa lang ekis na!