Chapter 14 - Before taping starts

2013 Words
Chapter 14 JAN MICHAEL I can’t believe it! Sinalubong ako ni Mommy with the saved video of the teaser. Parang inabangan talaga niya ako e. Kakababa ko pa lang ng kotse anglapad na ng ngiti niya. One proud mommy here! “Angpogi mo dito. Buti na lang sa akin ka nagmana ng ngiti, Hijo.” She said after kong nagmano sa kanya. “`Mmy, para naman akong bata niya. Saka marami na akong ads and stuffs, ngayon lang kita nakitang ganyan ka-happy.” “Well, this is new. Kailan pala ito magsisimula?” “Two weeks from now. Sa Batangas ang location. And Dad already fixed my schedule. Ganoon niya ako gustong itaboy.” Pagkukunwari kong nagtatampo. Sukat ba namang nilapagan niya ako ng schedule na once or twice a week lang ako pupunta sa office and through calls ko lang imomonitor ang work. “Gusto lang ng Dad mo na hindi ka mahirapang magbyahe. Think of it as your vacation.” “Yeah, right. Vacation pero kayo ang mag-eenjoy sigurado.” “Know what? I changed my mind, Hijo. Papanoorin ko lahat ng episodes.” Pinisil pa niya ang pisngi ko. “Angpogi talaga ang panganay ko! Siguradong mai-inlab sa`yo lahat ng makakasama niyong dalaga sa show.” “Pasok na nga tayo `Mmy. Binobola mo na naman ako.” Pinihit ko siya paharap sa pinto saka inakbayan. “Si JMark ba nandito na?” “Yes. Umorder na lang siya ng foods. Parang may good news yata siya. Ngayon lang ulit manglilibre e.” Not really. Siguradong gusto lang akong asarin ng kapatid ko dahil nag-succeed sila ni Innu na isali ako sa show. Nandito rin pala si Zean, one of our friends. He is younger than us and he’s already married. “Nagpaalam ka ba sa asawa mo? Anong sinakyan mo papunta dito? Wala ang kotse mo sa labas.” Usisa ko agad sa kanya. Yeah. I’m always that panganay na kaibigan who worries so much. “Sinundo ako ni Kuya Jmark. At ihahatid niya rin ako. Haha! May asawa na nga at lahat hatid sundo pa rin.” May tono tono ito ng pagrereklamo. “Mabuti na ang sinusundo kaysa pagdudahan ka pang nambabae ng asawa mo `no.” sagot ni Jmark. “Hijo, baka mas pagdudahan pa siya dahil ikaw ang sumundo.” Biro tuloy ni Mommy. “Aba! Buti pa itong si Zean. May pamilya na. Kayong dalawa? Kailan? Nakukulangan ako sa kambal ha? Kailan niyo ako bibigyan ng mga apo?” Natawa si Zean sa pagra-rant ni Mommy. “Tita, puso niyo.” Inakbayan niya si Mommy. “Alam niyo naman pihikan itong dalawa e. Dapat mas maganda pa sa inyo. Mas mabait. Mas sa lahat.” Alam na alam kung paano bolahin si Mommy. “Naku kayong dalawa.” Nagpameywang pa si Mommy. “Kahit mga anak sa labas kung mayroon kayo e. Tanggap namin ng Daddy niyo. Ikaw, Jmark? Impossibleng wala.” Hahaha! I really can’t believe Mommy tonight! Sabik na talagang madagdagan ang mga apo niya. “`Yon naman pala e. Papasukin niyo na ang mga anak niyo sa labas.” Tatawa-tawang biro ni Zean. I don’t have one. As far as I can remember. Ewan ko lang dito kay Jmark who’s fond of sleeping with women. Kumunot ang kanyang noo at nagkunwaring nag-iisip. “`Mmy, wala pang nagpapakilalang anak ko.Hahaha! At sa naalalala ko naman, Wala talaga. Hayaan mo next month. Ha ha! Baka meron na!” --- After our dinner naglabas ng alak si Jmark. Pinagpaalam pa niya kay Xhana na mag-iinuman kami. Kahit mas matanda kami sa mag-asawa ay takot pa rin itong si Jmark kapag toyoin `yon si Xhana. “Cool talaga ni Tita `no?” Zean said. “Wala ba talaga kayong mga anak sa labas? Ha ha! Lalo ka na, Kuya Jmark. You know what I mean. Angdami mong girls noon. Kabi-kabila ang dini-date mo.” Umiling ako. “Sakit sa ulo `yan. Saka na kapag may asawa na ko.” Nagkibit-balikat naman si Jmark. “Naghihintay nga ako e. I’m not hesitant to give him or her my surname basta anak ko siya ha? You know? Hindi naman ako impokrito para i-deny na nagkaroon ako ng mga affairs with different women.” “How about marriage? Wala kang girlfriend ngayon?” Follow up pang tanong ni Zean. “Mauna muna si Kuya.” Baling sa akin ng kapatid ko. “Kapag okay na siya. Then maybe I can get married. Kahit kaninong babae naman na kayang tiyagain ang ugali ko. Okay na ako.” “Nakasalalay pala sa`yo ang future ni Kuya Jmark e.” Pang-aasar sa akin ni Zean. “Pero malay natin `no? Matagpuan mo sa Singles ang One true love mo.” “You guys are always pushing me to have a girlfriend or wife. Tanungin niyo naman ako kung gusto ko.” “Obviously, ayaw mo.” sagot ni Zean. “Come on, Kuya. That was so long ago. All of us had move on. Why don’t you give yourself a chance naman?” “Uminom na lang tayo kaysa non-sense pa ang pag-usapan natin.” Naglagay ulit ako ng alak sa aking baso. Our conversation goes to Zean’s family life. Hindi talaga siya makwentong tao pero pagdating sa mga pamilya niya, kitang-kita ang tuwa sa mga mata niya. “Maaga akong nag-asawa. You know that, but I don’t regret it. Sayang nga at noong wedding namin ay hindi pa ako ganoon ka-pogi.” Natawa si Jmark. “Sino ba ang pogi noon? We all glow up naman. Kaya siguro hindi pa tayo nag-aasawa, Kuya. Siguro darating na `yong babae para sa atin ngayong nag-glow up na tayo! Ha ha!” Kahit hindi na. I’m good. I’ll probably search for a surrogate mother if Mom and Dad want more grandchildren. “Kapag kayo nagka-asawa at nabuntis siya? You’ll get through those paglilihi thing! Grabe! Hahanapan ka ng prutas na off-season. And you’ll get crazy kasi titikman lang niya ng konting-konti.” Minuestra pa niya sa kamay niya. “Ganito katiting. Tapos sasabihin niya busog na siya. That’s effin crazy, Man!” “You’re happy, right?” I seriously asked him. “Sobra, Kuya. I didn’t expect it to be this way. Kaya kayong dalawa, makinig kayo sa akin. Ha ha! You deserve to be happy like your sister. Look at her, happily married.” “I’ll really think about it.” Sagot ni Jmark. “But a child lang talaga is really appreciated na. Sana may nag-survive sa mga cells ko! Ha ha! Kidding!” “Kuya, kilala mo na ba ang mga bachelorettes sa Singles?” tanong ni Zean. “Teaser niyo lang kasi ang pinapakita.” Umiling ako. “Not a little hint. Parang sa mismong house na namin sila makikilala.” “That’s nice. For sure tatanungin kayo ng mga first impression niyo. Magpakaplastik ka rin minsan, Kuya. Say a little nice things naman kahit hindi ka natutuwa.” “Fine. I’ll be a little nicer. Papanoorin daw ni Mommy ang lahat ng episodes. And I believe manghihingi rin `yon ng raw videos.” “That’s for sure. Kinontak na nga niya si Innu.” Sagot ng kapatid ko. “Mas excited pa sa excited si Mommy. Tapos na kasi `yong paborito niyang teleserye. Kaya goodluck, Kuya. Make our mommy proud.” --- Inihatid na ni Jmark si Zean. I’ll just stay up for a bit. Ubusin ko lang itong natitirang alak. Just a quarter na lang ng bottle naman. “Bakit ka nagsosolo naman dito?” That’s Dad. “Uubusin mo ba lahat `yan?” “Yup. Sayang naman e. Bakit gising pa kayo?” “Katatapos ko lang i-review ang mga reports ng resorts for this month. We’re doing good as usual. Kayang-kaya na namin `to ni Jmark.” “So, you’re telling me kahit wala ako ay kaya niyo. Am I right, Dad?” He laughs cleverly. “Just enjoy the show, Hijo. You’ve work so hard for our Reyes Group of Companies. Give yourself a break.” Nilagyan ko ng alak ang isa pang unused glass. “Tulungan mo na lang ako dito, Dad.” He sat beside me. “Don’t think like pini-pressure ka namin ng Mommy mo. We just like to see the old Jan Michael, again. Masyado mo na kasing pinapatay ang oras mo sa trabaho, sa pagga-guide sa mga kapatid at pinsan mo. You’re forgetting that you’re no longer getting any younger, Son.” “And this leads to? I need to search for a wife? Am I right?” Obviously, yes. He flashes his smile. “Kung wala kang nagustuhan sa mga sinet-up ko sa`yong dates, umaasa akong mayroon kang matitipuhan sa Singles. Malakas ang kutob ko, Hijo.” “You’re not pressuring me pa sa lagay na `yan ha?” Hay! I won’t fall for anyone in that show. I’m sure bibigyan lang kami ng mga scripts na dapat naming gawin. --- Just what I had expected. Binigyan na kami ng schedule kung anong oras ang call time sa location. It’s in Batangas, sa Paradise Villas. Bukas maaga ang alis ko. But the filming starts now! I hate this idea na kailangan pang magkaroon ng send off party at ifi-film pa. May tatlong production ang nandito sa bahay. Fvck! This is really embarrassing! Katatapos lang lang nilang initerview-hin sina Mommt at Daddy. Isusuno naman nila ako. “Kuya, magsuklay ka naman.” Puna sa akin ni Jmark. “Look! `Yan buhok mo may tikwas pa.” My nephew, Louie, came next to me. Nais magpabuhat so I did. He leans on my left shoulder and taps my back. “You gonna miss me, Kid?” He nods for several times. “Miss. Miss. Miss.” Tinawag na ako ng crew. Naupo ako sa gitna ng parents namin. Mga family pictures pa ang background. We used to do this naman, but I really find this awkward. “Magbigay po kayo ng message kay Mr. Jan Michael after the cue.” Damn! My daddy really knows how to put on a show. He pats my shoulder and gives me a serious. “Kung ano man ang magiging resulta ng programa. Susuportahan ka namin ng Mommy mo. And don’t forget to be nice and kind. Iwas-iwasan ang pagsusungit, ha?” Ilalaglaga pa talaga ako sa national tv! “Kayo naman mo, Ma`am. Any message for him po?” “Excited na akong mapanood ka. Just enjoy each day. Okay?” Tumango lang ako na kunwari ay gustong-gusto ko ngang sumali sa show na `yon. Kitang-kita ko rin kung gaanong pigil na pigil sa pagtawa sina Jmark at Jana Marie At long last! Natapos rin ang filming! Jana Marie approaches me. “You look too tense. Walang confidence sa interview. Ano ba `yan.” “You happy? Napagtripan niyo na naman ako ni Jmark.” “We’re happy makakapag-relax ka. No work muna. Ha ha! Just pure search for love. Naks!” Siniko-siko pa niya ako. “Dadalawin ka na namin doon. Siyempre, I’ll make sure na pasado rin sa amin ang makakapartner mo.” “Don’t be ridiculous. Okay? This is just a show. Don’t get your hopes to high.” Lumapit na rin si Jmark. Inakbayan pa ako. “Atleast, may hope. Kami na ang bahala sa company. Mag-enjoy ka sa Paradise Villa, Kuya. I-date mo lahat ng girls! Ha ha! Para ma-testing ang compatibility.” Suggested Jana Marie. “Mapa-proud ako sa`yo kapag idi-date mo lahat ng girls doon. Ha ha! Reyes yata `yan!” “And kiss them all.” Panggagatong pa ni Jmark. “You know? Kung saan may spark, siya ang piliin mo! Ha ha!” “Tigilan niyo akong dalawa.” Ginulo ko nga ang buhok ng dalawang makukulit na `to. “Kayo pa ang excited para sa akin.” “Buong Reyes clan ang excited para sa`yo, Kuya. Bilang panganay sa lahat ng magpipinsan. It’s your time to shine! Ha ha ha!” cheered Jmark. “Magkakajowa na si Manong Jan Michael! Ha ha!”            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD