Chapter 15
KATELYN
Tumatambay kami ni Rose sa Java Mix. Super sarap ng classic flavor nila. Babalik-balikan kumbaga.
“Girl, nanalo ka ba sa lotto? Himala itong nanglilibre ka ha.”
“Anong palagay mo sa akin? Kuripot? Gusto ko lang mag-relax. E wala ako mahila. Bayaan mo. Next time hindi na kita aayain.”
“Uy, joke lang naman. Alam mo naman basta ikaw, kahit anong oras. Kahit nasa gitna ako ng lampungan, pupuntahan kita.”
Nailing na lang ako pambobola niya. Hay! Napagkwentuhan na namin lahat ng kababalaghan sa work niya pero bored pa rin ako.
“Girl, wala kang ka-late night talk `no? Walang kalandian. Walang nagpapakilig sa`yo.”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Simple lang, Tih. Noong kayo pa ni Jomar, very happy ng aura mo. Kahit nasa bahay ka lang okay lang. Ngayon, panay ang labas e. Moving on, Tih. `Yon ang ibig kong sabihin.”
“Baliw. Moved on na ako. Bored lang ako sa apartment. Parang malapit ko ngang kausapin `yong mga butiki doon e. Konting-konti na lang.”
“Ah! Alam ko na! Naggagala ka kasi nagagawa mo nang umalis-alis nang hindi nagpapaalam kahit kanino. Tama o Tama?” nagtaas-baba pa siya ng kilay. “Naalala ko nga pala `pag inaaya kita noon lagi magpapaalam muna ako kay Jomar. Sasabihin ko muna kay Jomar. Ha ha.”
“Which is? Tama naman `diba? Kasi boyfriend ko siya.”
“Pero hindi siya nagpapaalam sa`yo.” Pang-aasar nito. “Kaya nga nalusutan ka ni A-ti-ti-way e. Ha ha!”
“Anong A-ti-ti-way?”
“Naku! A-ti-ti-way. Attorney! Ano ba `yan! Broken ka lang, `Tih, naboblaks ka na?”
“Gaga! Puro ka kalokohan ano? Saka yaan mo na `yon. Hindi uunlad ang manloloko.”
Bueset `to. Atty pala `yong a-ti-ti-way na sinasabi niya. Come to think of it, may tama naman siya. Hindi ako umaalis ng bahay na hindi alam ni Jomar. Bawat desisyon ko noon sinasangguni ko pa sa kanya. To the point na hindi na kami nakakapag-bonding ni Rose dahil hindi ako pinapayagan. Baka daw may lalaki. Shuta! Kilig na kilig pa ako `yon pala front lang niya `yong pagiging possessive niya dahil lumalantong na siya sa iba.
May kakaiba akong nararamdaman ngayon. Parang may mga matang nakamasid sa amin. Hindi ko alam kung trust issues ba `to or what.
“Wala ka bang napapansin?”
“Saan?” Usisa niya agad. “May nasasagap ka bang chika? May antenna ka na ngayon, Tih? Dakilang Mosang ka na ba na medyo sosyal lang?””
“Wala. Hayaan mo na nga.”
Pero iba talaga ang nararamdaman ko. O baka naman may bodyguard na naman si Miss Mika na nakasunod sa akin? Angfeeling ko `no? Malay ko ba kung sinisigurado niyang buhay pa ang laruan niya. Tsk!
Inaya ko si Rose na bumili ng libro. Gusto ko ng mga recipe book. Baka kasi paglutin kami sa Singles. Dapat may alam akong ibang putahe bukod sa Patatim. Ee umay! Ma-bash pa ako ng mga manonood.
Lumapit sa amin ang isa sa mga crew. She handed me a big red envelop.
“Para saan `to?”
“Pinapabigay lang po.” Bumalik na siya sa station niya.
Okay. Fine. Itong si Rose, kinikilig agad. Parang mas gusto niyang siya na ang magbukas e.
“Lakas ng appeal, Tih. Kahit saan may admirer.”
Pero parang alam ko na ang laman nito. Napalinga-linga ako. For sure mayroong hidded camera elsewhere. Kainis! I should have worn a nice make up! Mukha akong naubusan ng dugo sa mukha ko ngayon!
Binuksan ko na nga ang envelop. Logo ng Singles ang nasa card. Nabingi ako sa pagtili ni Rose. Eksahera kahit kailan!
Just then, three people came in. Two are filming and the other is a celebrity, she’s Zoey.
“Hello, Miss Katelyn!” Masigla niyang bati sa akin. “We’re here to bring you the good news!”
Shocked, but I’m not surprised! Alam ko namang mapipili since, it’s a part of the deal. Shocking lang `tong may pa-surprise pa. Hindi na lang sinend sa email. Acting tayo.
“Talaga? Gosh! I didn’t expect this!” Teary-eyed ko pa kunwari. For sure, mabenta `yan sa airing.
---
Umuwi kami sa apartment ko. Tawa nang tawa si Rose nang natapos akong mag-rant. Sure na hindi ako presentable kanina.
“Tih, kaya nga surprised e. Alangang sabihan ka nilang magpaganda ka kasi isu-surprise ka.”
“Baka halatang-hatala `yong nanunuyo kong labi. Nakakahiya. Naglipstick pa sana ako.”
“Don’t worry, Tih. Malapit nang mabasa `yan! Ha ha! Yummy pa naman ng mga bachelors! Ha ha ha!”
Lintik naman `yong pagmuestra pa niya ng kiss! Sarap kunyatan! Parang isda na hinango sa tubig e.
“Angsagwa mo tingnan. Ano sa tingin mo? Hahalikan ko ang mga lalaki doon?”
“Why not! Ha ha! kumbaga, try ng menu kung alin ang mas fit sa panlasa mo. Shocking! Galingan mo sa paghalik, Tih. Broadcasted nationwide. Huwag makalat humalik! Haha!”
That’s the last thing na gagawin ko sa show. Ang makipaghalikan! Kahit pilitin pa ako ng productions o sabihing hinihingi ng programa. O kahit sabihing sa ikatataas ng rating. No way, High way!
Tinawagan ko si Nanay habang nagluluto si Rose. Tuwang-tuwa siya nang binalita kong nakuha ako sa Singles.
“Hija, Salamat dito sa tv ha. Mapapanood kita nang mas malinaw.”
Nagsabi si Miss Mika na nagpadala siya ng ilang appliances kay Nanay. Pinaayos rin niya ang amin bahay. Huwag daw akong mag-alala dahil kasama sa bayad niya sa akin `yon.
“Pagagawan kita ng tarpaulin, `Nak. Ilalagay ko dito sa tapat ng bahay. Mura lang naman `yon e.”
“Naku! `Yan ang huwag na huwag niyong gagawin `Nay! Pakiusap lang.”
Buti sana kung achievement `tong sinalihan ko. E parang inaanounce ko lang sa buong mundo na desperada akong magkajowa kaya sumali ako sa Singles.
“E proud lang naman akong nakikita ka sa TV `Nak.”
“`Nay, saka na kapag nanalo na ako. Ha ha! Mamaya kantyawan kayo ng mga kapitbahay pag natalo ako. Sayang `yong tarpauline.”
Sana ay makinig siya sa palusot ko naman! Ha ha!
“Kumusta diyan? Pumupunta pa rin ba si Tiyang para singilin kayo?”
“Aba e himalang hindi na nga. Siguro e nanawa na. Kabado nga ako dahil baka bigla akong singilin e wala akong maiaabot.”
“Huwag kang mag-alala `Nay. Kapag nakuha ko `yong share ko sa pinagbentahan ng bahay. Solve ang problema natin. Makaklipat na rin tayo sa mas magandang bahay. Paparentahan na lang natin `yang tirahan natin diyan.”
`Yon talaga ang plano ko. Since malapit sa universities ang aming bahay sa ngayon ay paparentahan na lang kapag nakalipat kami sa mas magandang bahay. Para ang gagawin na lang ni Nanay buwang-buwan ay maningil sa mga boarders. Donya ang matanda pagdating ng araw! Deserve!
“`Nak, huwag kang magsusungit sa makakapareha mo ha? Ipagluto mo sila doon ng masarap na bulalo.”
“Bumili nga ako ng recipe book. Nakakahiya naman pag ulit-ulit lang ang iluluto ko. Sayang kung malapit lang ang Baguio puro gulay ang iluluto ko e.”
“Magpakipot ka rin konti, `Nak ha? Hindi porke magwapo ang lalaki ay mabuting tao na ito.”
“Opo. Si Nanay akala mo naman, totoong mapapangasawa ko ang makakapareha ko doon. Sa show lang `yong `Nay. Kalma.”
“E hindi naman natin alam ang mga pwedeng mangyari. Magpakatotoo ka doon `Nak.”
Nag-oo ako kay Nanay pero hindi ko siyempre `yon matutupad. Kung magpapakatotoo ako mawawala ang pera ko! Ha ha! Makipagplastikan lang ako doon kay Jan Michael, solb ang money problems ko sa isang iglap.
---
Sinundo na ako ng van na may logo ng Singles. It’s being filmed again.
“How do you feel right now, Miss Katelyn?” tanong ng isang crew.
“Kinakabahan. Mixed emotions. Angbilis ng t***k ng puso ko. Can’t wait to see the bachelors.”
Nasusuka ako sa mga pinagsasabi ko. Ha ha! Grrr! Nanood kasi ako ng mga past episodes. Ganito `yong vibes e! Dapat excited `yong mga bachelors o kaya bachelorettes. `Yong tipong jowang-jowa ang dating! Parang gusto kong batukan ang sarili ko. Cheapepay mo naman Katelyn!
Nakakahiya `yong part na nakatulog ako sa byahe! Shocks! Pero safe naman kasi nagsuot ako ng facemask para maitago ang bibig ko habang tulog. Mas Mabuti nang safe sa nakakahiyang tagpo ano. Baka isama sa bloopers.
Ginising na nga ako nang malapit na kami. Parang matagal `yong tulog ko. Panis matindi ang laway ko e. Hindi ko nga maibuka ang bibig ko. Shocking! Mabilis kong hinanap ang breath spray. Matapos kong mag-spray sa bibig ko ay nag-retouch naman ako. Naglagay ako ng konting lipstick para magmukha akong buhay naman. Prepared ako ngayon kaysa n`ong ambush interview sa Java Mix.
Pagkatigil ng kotse ay nagsimula na naman ang filming. Ito na nga Katelyn! Bawat kilos mo ay siguradong huli sa camera.
Angganda nitong Paradise Villa. Iyong malaking pook agad ang kumuha ng pansin ko. Can’t wait na magtampisaw diyan. Isasama ko sa checklist ko. Night swming, alone time! Ha ha!
Sinenyasan na akong pumasok sa maindoor. May mga nauna nang bachelorettes. Last yata ako. Apat na sila e.
“Hi.” Bati ko sa kanila. Sinalubong nila ako ng beso at hug. “I’m Katelyn.”
Angpi-pretty nila at parang hindi namang totoong single! Ha ha. Ibig kong sabihin, bakit ang mga ganito kagagandang nilalang ay walang jowa.
The director talks to us. Binigyan kami ng konting briefing sa mga mangyayari sa araw na ito. Pinapanood sa amin ang mga clips tungkol sa aming lima sa malaking tv.
Brooklyn, the supermodel chef. Mas matangkad siya sa akin, shorthair pero bagay niya. Sana lahat!
Audrey, she’s a teacher. She sits prim and proper. I wonder, bakit kaya siya sumali dito. I’ll make sure magkakaroon ako ng chika time with her.
Piper, on the other is an athlete s***h entrepreneur. She played for the Philippine volleyball team. Mayroon siyang restaurant and gusto lang daw niyang sumali for experience. Bored siguro siya sa buhay.
Champagne is a businesswoman. Sabi ko na at pamilyar siya e. Nakikita ko na rin siya sa ilang magazines. She decided to join the program for self-growth daw.
Haha! Angdami kong say sa mga video nila mantalang gusto ko nang takpan ang TV nang pina-flash ang mukha ko. Wow! Medyo maganda talaga ako sa uniforms namin.
“Once na dumating na ang mga bachelors, you are expected to show a little excitement. Not to dull but not too excited.” Pagpapaliwanag ulit ni Direct. “Do you get me? The safest thing to do is to smile.”
Ngingiti na lang talaga ako mamaya. Pumasok na rin sa eksena si Zoey, ang main host. Yada-yada-yada sa interview ulit.
“Anong ine-expect niyo sa new season ng Singles? I know you had watched the teaser.”
Nag-eexpect daw sila ng mga perfect dates and crazy challenges. Bumaling sa akin si Zoey. “How about you, Miss Katelyn. Any expectation sa show?”
Umiling ako. “Wala. Ayoko madisappoint. Just kidding. Ha ha! Kung ano ang ihahain ng show sa amin buong puso kong tatanggapin.”
Sinenyasahan kami na pumunta na sa labas. Nandito na ang mga bachelors. Humilera kami para salubungin sila. May aerial shots rin. Nae-excite tuloy akong makita ang kabuuang episode nito. `Yong fully edited na. Mas na-amazed pa ako sa dalawang drone na lumilipad kaysa sa mga magkakasunod na kotseng dumating e.
Kung paano ang pagkakasunod-sunod sa teaser ay ganoon rin ang pagbaba nila sa mga kotse nila. Tinitingnan ko ang reaksyon ng ibang girls. Huh? Excited yan? Humahaba ang mga leeg e.
Gising Katelyn! Magmumukha kang tanga sa tv kung hindi ka man lang magre-react. Smile lang! That’s the least I can do.
Mas pogi sila sa personal, hindi maitatago `yan. Mandatory rin siguro na dapat lagi silang nakangiti. Well, maliban na lang sa pinakaekis sa kanila, si Jan Michael Reyes!
Habang ang apat ay nakipagbeso sa amin, siya naman ay nakipag-handshake lang. Pabor naman sa akin `yon. Ewan ko lang dito sa apat na parang lampas tao ang pagkadismaya.
Pumasok na kami sa bahay. Inukopa namin ang dalawang mahahabang sofa. Zoey does her job. She interviews the bachelors and gives some briefing too.
“So, guys, enjoy lang niyo ang mga araw na magkakasama kayo,” said Zoey. “Nasa ibang houses lang naman ang crew if may need kayo but for the other needs naman everything is provided sa bahay na ito. just wait for the challenges and couple tasks na ipapagawa.”
“Are we allowed to leave this house? Or dito lang kami Pirmi?” Lakas loob kong tanong.
“Allowed naman. But you are required to film wherever you are going or may kasama rin kayong staff. To make this show more interesting.”
“Can we have a party tonight? You know? First night?” suggested Champagne. “Getting to know the Singles?”
“Yep! Actually `yan ang first activity niyo. It’s up to you guys kung paano niyo ito gagawin. So, I leave it all to you. This house. Everything here, kayo na ang bahala. Have a nice stay Singles!”