Chapter 8 - Jan Michael's POV: A big joke

1567 Words
Innu is laughing his as5 out when this woman p**e at me! Damn! Bagong ligo pa naman ako tapos ito ang sasalubong sa akin? Grabeng nakakasira ng gabi! “Hoy!” Dinuro niya ako. Seriously?! She has the guts to do that! “Sinong lasengga? FYI! Hindi ako lasengga! P0ta ka.” Whathefuck! Lasengga na nga, anglakas pa magmura. Natutuwa pa nga yata sina Innu at Jmark sa napapanood nila e. Anghigpit pa ng kapit niya sa braso ko. Kung hindi lang siya masusubsob e kanina ko pa tinaggal ang pagkakawahak niya sa akin. God! Sumuka pa ulit! “Aren’t you going to help me?!” May inis ko nang sigaw sa kay Innu. “Ano ba naman `tong ka-date mo!” Shit! Sinikmuraan pa ako! “Pota! Wala akong ka-date! Single ako. Okays?!” “My God! Tih! Anong nangyari sa`yo?!” A woman approaches us. Nakita niya ang suka nitong babae sa damit ko. “Oh,s**t! Sorry sorry.” She’s worriedly searching her pockets. “Can you just take your friend? Bakat na ang kuko niya sa braso ko e.” Napamura ulit itong babae. Magkaibigang palamura. Nice! Match lang. Nahihiya niyang inakay ang babae. I went to the comfort room to clean myself. Damn it. Hindi matanggal ang amoy sat shirt ko. Kahit anong gawin kong pagpunas. Pinuntahan ko na sina Innu sa usual place naming dito sa Mint Bar. This has been our comfort space. Most of our friends go here. “Why are they still here?” I can’t believe it! Iyong dalawang babae ay kasama nina Innu. Tulog si Miss Lasengga. “Alangang pabayaan namin sila Kuya.” May brother acts like he’s gentlemen huh. “Saka tayo ang huling kasama nila. Paano kung may nangyari? Nagkakagirian pa man din ang ilang grupo sa ibaba.” This place is a bit dangerous. It’s not advisable if you can’t defend yourself. Madalas kasi dito nagkakaroon ng engkwentro ang mga rival schools in this city. I don’t know if I’ll be proud of it but at some points of our lives, we also have our own contributions to those kinds of pity troubles. And the staff knew and hid every little secret here. “Come on, Innu. Good Samaritan?” “Atleast, once in my life makagawa ako ng Mabuti.” He answered and picks up a bottle of beer. “Just a drink. It wouldn’t hurt.” Nailing na lang ako. Dinampot ko na rin ang isang bote ng alak at sumandal sa railing. Ah! It’s been a while. Lumagok ako ng alak. “Kuya, init ng ulo mo sa chikabebe. Kalma lang. Vomit lang naman e.” “Lang?” I look at her with disbelief. “Subukan mo kayang bihis na bihis ka tapos susukahan ka lang ng unknown person. Will it be okay to you?” “Well, she’s pretty kaya okay lang sa akin. Cheers.” Stupid thinking. Basta pagdating sa babae parang ulol `tong si Jmark. “She’s not even pretty.” Binalik ko ang pansin ko sa mga nagsasayawan. “Hey! Hey! I wanna dance with somebody!” I spun to see who’s singing. Oh, it’s her. The drunk woman. She’s swaying her body while holding a bottle of beer. “Innu! KJ mo! Sayaw tayo dali!” Humalukipkip ako to observe how Innu would react. That’s new. Hindi niya man lang pinatulan. Inalalayan niyang maupo ulit ang babae. “She’s funny.” Komento ni Jmark. “Kuya, anong panahon kaya pinanganak `yan? Ha ha! I wanna dance with somebody pa daw. Too old for her features.” “I don’t care. Maybe she’s old. Nagpa-plastic surgery lang. Ha ha! Don’t mind them. Baka type siya ni Innu.” “I doubt it.” Sagot nitong kapatid ko. “Baba muna ako, Kuya. I’ll have some fun. May request ka? Palitan ko ang DJ muna. Ha ha!” Umiling ako. “Enjoy.” “Sure thing, Bro!” Masigla siyang bumaba at nagtungo sa may booth. He has this love for music na dito lang niya pinapakita. He’s playing and mixing music that the goers are loving. I can’t believe it. This woman is dancing but like an old woman in province. Those dance that I had witness during fiesta celebration. God! She’s ridiculous. Tawang-tawa si Innu pero ang kasama niya ay nahihiya na. Sinong hindi mahihiwa sa pagkawag-kawag ng mga paa niya at pagswing-swing pa ng kamay. May papikit-pikit pa siya ng mga mata. Buti na lang at nandito kami sa VIP. Not a lot of people witness her stupidity. Lumagok ako ulit ng alak. Hay! Why do I get this feeling that it’s gonna be a long night? --- “Ano? Bakit natin sila ihahatid?!” Napalakas ang boses ko dito kay Innu. Sukat ba namang nag-suggest na ihatid namin itong dalawang babae. At kotse ko pa ang gagamitin! “Konsensya naman, Dude. Tayo ang huling kasama nila. Maraming nakakita sa atin. Paano kung may nangyari sa kanila?” pagkumbinsi sa akin ni Innue. “Bakit hindi sila nagtira ng pang-uwi nila?” Kontra ko naman. Lasing na rin `yong kasama niya e. Ano ba namang mga babae ito. “Think, Innu. What if modus `yan? What if they’ll accuse us of r**e or abuse or something?” “Mukha naman silang mababait.” “Looks are deceiving.” “Happy birthday to you! Happy birthday—” Nahilot ko ang sentido ko sa pagkanta-kanta nitong babaeng sumuka sa akin. Kinukumpas-kumpas pa niya ang mga kamay niya. “Happy birthday!!! Hep hep!” “Horray!” Walanghiya `tong si Innu. Naki-ride pa e. May pagtaas pa siya ng mga kamay. “Ha ha! Dude, maawa ka naman sa mga `to. Bilang gentleman ng mga Reyes?” Saktong dumating na rin si Jmark. Umiinom pa rin siya. “Hep hep!” sigaw na naman ni Lasengga. Nanlaki ang mga mata ni JMark pero natawa na lang nang sumagot ulit si Innu. “Gago ka rin. Ha ha! Happy ka diyan, Innu? Ha ha!” “So? Dude. Ihatid na natin sila.” Pleads Innu. “Nakakaawa oh.” “I suggest, let’s call a cab. Then convoy.” Sabi nitong si Jmark. “Hindi ako judgmental but it’s for our safety na rin. We’re strangers basically.” Binigyan ko si Innu ng makahulugang tingin. “Two against one. Call a cab. Hihintayin ko kayo sa kotse.” Lumabas na ako ng bar. Si Jmark ang tutulong kay Innu. For sure may mga crew naman doon na mag-aassist sa kanila. I got into my car and drive papunta sa harapan ng bar. I’m tapping the steering wheel while waiting for them. Bumusina ako when I saw Jmark. Akay-akay nila ang dalawang babae. Jmark took a picture of the cab’s plate number before he hops in my car. Sa backseat siya pumwesto. Kasunod na rin niya si Innu. Sa frontseat naman siya pumwesto. I started the engine and we follow the cab. “Paano na `yong hephep horray, Dude? Ha ha!” Jmark keeps annoying Innu. Abala naman itong isa sa phone niya. “Shut up. Hay! Grabe namang malasing `yon.” “Which makes me think. Nagbago ka na ba? For all I know kapag may nakikilala kang babae sa bar hindi ganito ang nangyayari.” I glance at him for a second. “Nagbago ka na? ha ha!” “Hindi `no. Umiral lang ang konsensya ko kanina.” I’m still not convince though. He’s Innu, a guy who adores women. Parang nakakapanibago lang na hindi niya isinama elsewhere iyong dalawa. “May malubha ka bang sakit?” biro ko dito. “It’s so not you, Dude.” “Fvck you. Angsama ng tingin mo sa akin. Sometimes, I show conscience naman! Oh! Ayusin mo pagda-drive mo. Baka mawala `yong sinusundan natin.” “I’ll call our lady bodyguards.” Suggested Jmark. “I think sila na lang bahala sa kanila. I don’t want to meet their family if ever.” And he did. Mas mabuti nang hindi kami masangkot sa kahit anong gusot. Sometime, sa sobrang kabaitan e nakakapahamak na rin. Lalo we’re from prominent families. It would be a big controversy if someone sees us with random women. And to keep those ladies from controversies na rin. We arrived at an apartment. Two female bodyguards are waiting in front of the gate. Hindi na kami bumababa. We just watch them assist the women. Just a few minutes, lumabas na rin ng gate ang mga bodyguards. The went straight to their car and drive their way out. “Saan ka naming ida-drop by?” tanong ko kay Innu. “Sa inyo ako matutulog. Sabay na lang tayong pumunta sa meeting bukas.” “Anong meeting?” I confusedly ask. “Walang sinabi ang secretary ko.” “Meeting with the other bachelors and pictorial niyo na rin.” He answered while scrolling on his phone. “Dude, dapat standount ka bukas. Ha ha! Make your parents proud!” “When will I meet my hipag to be, Dude?” Sumabad pa `tong si Jmark. “I’d love to see kung compatible sila sa mukha. Ha ha! Magdadala ako ng feng sui expert. Libre ko na.” “Baliw. I-ready niyo na lang ang mga pusta niyo. Siguradong ako ang mananalo.” Pinaharurot ko na ang kotse. This Singles thing is a big joke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD