Chapter 9 - Katelyn's POV: Meeting the ex, again

2361 Words
Pareho kaming tulala ni Rose. May mga nakahandang gamot na pang-hang over sa maliit na mesa. May paalmusal pa. Mushroom soap at bacon. “Nagpa-deliver ka ba?” tanong ko sa kanya. Umiling siya. “Tangina. Ano bang nangyari kagabi?” Hindi ko rin alam pero sure ako na matindi ang pagkalasing ko dahil malabo ang mga kaganapan sa aking utak. Tinuktok ko ang sintido ko. Anyamet ten! Ano bang nangyari Katelyn?! “Alam mo? maalala rin natin `yon. Kumain muna tayo. Kung kanino man galing ang blessing na `to, Salamat!” nag-sign of the cross. “Grabe, Tih. Naka-self heating something-something pa ang soup. Are we in a soap opera thing? Baka may nakasayang akong bilyonaryo kagabi. Tapos nahumaling sa taglay kong kagandahan, Tih! Tapos, oh s**t! Baka bukas makalawa ikakasal na kami! Eiihh!” “Sige. Ilusyon pa. Mabubusog ka diyan.” Naglagay na ako ng soup sa mangkok. Ang tangin natatandaan ko ay umiinom ako sa may mini bar at kakwentuhan ko si Innu. Iyong isang staff sa Single. Hindi kaya siya ang nagpadala nito? Teka! Siya rin kaya ang naghatid sa amin? Hindi ko maalala paano kami nakauwi e. “Hindi man lang ako nakapagpicture kagabi. T4kte naman. Masyado akong happy wala akong remembrance tuloy.” reklamo pa ni Rose habang kumakain. “Pag-iipunan ko ulit tapos balik tayo doon, Tih.” “Huwag na. Sa ibang bar na lang. Anglakas ng tama ng mga alak doon. Nalimot ko na halos kalahati ng mga nangyari kagabi. s**t lang.” Sana, Lord, wala akong ginawang masama. Amen. Amen! Panay ang ring ng selpon ko. Unknown number ang nagpa-flash sa screen! Whattahell! “Tih, sagutin mo. Baka siya `yong nagpadala nito. Oh em gee! Love story in the making to, Tih! Pramis!” Lumapit pa siya para makirinig sa pag-uusap e. Inilapit niya ang ulo niya sa may tainga ko. “Hello…” “Hello, good morning maam. This is Alysssa from Gold Credit.” “Potaca.” Nawalang ng gana si Rose saka bumalik sa kinauupan niya. “Akala ko pa naman…” At ang tumawag nga ay ang customer service ng Gold Credit para i-remind ako sa aking utang! Wala naman akong palya sa pagbabayad pero heto siya. Dapat mayroon sila patakaran na kapag good payer hindi na tatawagan e. Minsan pipilitin ka pang umutang ulit. Ano iyon? Isusubsob ka pa sa pusalian? Yes and No na lang ang sagot ko sa kanya. Magbabait Kately, trabaho nila `yan. Bago ko pa man ilapag ang selpon ay may nagtext. Anak ng tipaklong. Anong nakain ng hinayupak na ito at nagtext?! Si Jomar. Ang magaling kong haliparot na ex! Number lang ang nag-appear sa inbox pero memorize ko ang number ng hayop kaya alam kong siya ito. “Kate, pwede ba tayong mag-usap?” Tinuktok ko ang selpon ko sa inis. Sana nga maramdaman niya `yong bawat kaltok e! “Hoy, problema mo diyan?” “E, gagu `tong ex ko e. Pwede daw bang mag-usap. Mukha niya.” “Girl, baka siya ang may padala nito!” “Impossible. Kuripot ang tukmol na `yon. Tamo nga isang text lang ang sinend. Hindi man lang nagdouble o triple send. Uso naman ang unli.” Dinilete ko na nga ang message niya. Pero heto siya tumatawag. Sus naman! Sinagot ko na nga lang. Ni-loudspeaker ko para hindi na mahirapang makitsismis `tong si Rose na lumapit na naman sa akin. “Oh, bakit ka napatawag?” “Pwede ba tayong mag-usap? Nandito ako sa Manila ngayon.” “Anak ng tipaklong naman, Jomar. Ano pa bang pag-uusapan natin? Break na tayo `di ba?” “Kailangan ko ng pera Kate. Gusto ko sanang ibenta `yong nabili nating bahay.” Shoot! Muntik ko nang makalimutan ang bahay na `yon! Tapos na nga pala naming bayaran iyon. Nakapangalan sa aming dalawa pa man din. Sa sobrang bilis ko yatang mag-move on, limot ko ang pundar naming na sana ay para sa future namin. “Sige. Ibenta mo na. Sabihan mo ako kung may kailangan akong pirmahan.” “Dala ko nga ang pipirmahan mo.” “T4ngin4 naman, Jomar! Kakahiwalay lang natin ah. Ano `to? Matagal mo na akong balak hiwalayan at napagplanohan mo na rin ang gagawin sa mga naipundar natin?” Naiiyak ako sa halo-halong emosyon. May galit sa kanya, inis sa ginawa niya at awa sa sarili ko. Pakening teyp na lalaki `to! Pinigil kong maging garalgal ang boses ko. Baka tumaas lalo ang bilib niya sa sarili niya. “Sige. Itext mo na lang kung saan at anong oras.” Hindi ko na hinintay kung ano ang sasabihin niya. Nakakasira ng araw ha? Bueset na lalaking `yon! “Tih, bakit nga ba kayo nag-break ni Jomar? Hindi ba’t panay ang flex niya sa`yo noon? Since high school magjowa na kayo `di ba?”” “Baka naumay sa pinakbet. Gusto ng ibang putahe.” Inis ko pa rin sagot. “Kapal pa ng mukhang i-break ako sa text? Umuwi pa akong Baguio para mag-usap kami e. Tapos malaman-laman ko may kinakalantari na palang iba.” “Aba’y kupal naman! Ano? Sasamahan ba kita mamaya?” “Hindi na. Kaya ko na `yon.” Mahal ko pa ang gago pero mas mahal ko ang sarili ko. Makikita ng lalaking `yon talaga. Sobrang gwapo ang ipapalit ko sa kanya. Walang-wala ang cliff chin nya, at sa ganda ng kilay niya, pati ang maskels niya. Itaga niya sa mga bato sa Kennon Road! --- Sabi niya alas-tres kami magkikita dito sa JMR North. Walanghiya talaga `yon. Nakatatlong orders na ako nitong barbecue wala pa rin siya. Tinadtad ko na nga ng text e. Tsk! Maglalakad-lakad na nga lang muna ako. Nang bumaba naman ang kinain ko. Window shopping na muna dahil poorita mirasol pa ang wallet ko. Magtitingin at magtetesting ng mga pabango dito sa mga stalls sa open area. Pinahid ko sa wrist ko ang isang tester. Bango! “Magkano `to, Miss?” “180 po. Ma`am. P250 pesos naman po kapag iyong couple set ang bibilhin ninyo.” “Ah sige, balikan ko na alng.” Binalik ko na nga lang! Couple set ka diyan ate. Ekis ka sa akin! Tsk! Magtingin na lang ng ibang mabibili. `Yong hindi pang-couple! Bakit kasi nauso ang discount na pangkupal e. Nakuha ng pansin ko ang ilang lalaking naka-amerika. Mabilis silang naglalakad. Ako naman si curious, tumigil ako sa paglalakad para maki-sesmes! Anim na lalaki ang pawang alerto na naglalakad. Kasunod nila ang isang pamilyar na babae. Si Miss Mika! Naka-corporate attire siya at busy sa pakikipag-usap sa babaeng tulad ng mga lalaki ay panay ang masid din niya sa palagid. Para itong nagbibigay ng instructions. Nagkatinginan kami ni Miss Mika pero agad kong iniiwas ang tingin ko dahil naalala ko ang kasunduan namin. Dapat walang makakaalam na magkakilala kami. Takot ko pa namang baliin ang usapan namin. Wala akong multa sa breach of contract. Ilang minuto lang ang lumipas tumunog ang phone ko. Baka ang hayop kong ex na `to. Pagbukas ko ay hindi naka-rehistro ang number. Hindi rin pamilyar sa akin. “What are you doing here, Miss Katelyn?”-YLM Pareho doon sa note ng dress. Si Miss Mika? Young Lady Mika siguro ang ibig sabihin nito. Young hindi naman na siya young. Tsk! Aba! Nag-text na naman. “You have a date? Baka makasagabal sa kontrata `yan, Miss Katelyn.” Tsk! Contract, contract, contract. “Wala. Makikipagkita ako sa ex kong hayop. Na ibebenta ang ipinundar namin nang hindi ko alam. Pirma ko na lang ang kailangan niya. Happy, Young Lady? Detalyado `yan.” Binulsa ko na ulit ang selpon ko. Pero hindi pa umiinit sa bulsa ay tumunog na naman. Tinatawagan ako ni Miss Mika. Tsk! Ang mga mayayaman talaga mabilis mainip! “Hello. Nasabi ko na `di ba? Bakit may pagtawag pa?” “Anong napag-usapan niyo sa hatian ng pagbebentahan?” “Ano? Pakialam mo ba?” “Well, hindi ka na iba sa akin. So, I need to know if maayos ang hatian sa kikitain.” Anglakas ng apog magsabi ng hindi na iba sa kanya, e kinakasangkapan lang naman niya ako para sa trip niyang programa. Tuktukan ko ito nang Malala e! Tsk! “I’ll send an attorney to help you.” “Huwag na. Kaya ko na.” “I doubt. Kung nagawa kang lokohin ng ex mo, siguradong pati sa pera iisahan ka niya.” “Teka! Paanong—” “I don’t deal with people na wala akong ginagawang background check, Miss Katelyn. So, I know some things about you and your ex. Stay where you are. Attorney Sandy is on her way.” Binabaan ako ng tawag! Diyos ko naman! Napaka-arogante namang nilalang! Nag-text ulit siya. “Tell him to meet you in Louxariant Restaurant. Sa second floor lang `yon. Don’t act weak. He’s an asshole in the first place. Attorney will give you a card. Birthday mo ang password. Doon ko na rin idedeposit ang partial payment ko sa contract. And I already transfer pambayad mo sa Louxariant later. Have a little revenge, please!” May babaeng nag-approach sa akin. Siya `yong kausap ni Miss Mika kanina! Nilahad niya ang kamay niya sa akin. “Good afternoon, Miss Kately. I’m Attorney Sandy Latin. Pinabibigay ni Young Lady ito.” Inabot niya sa akin ang envelope. Ito siguro `yong ATM card. “I believe sinabi na ni Young Lady kung para saan `yan. Shall we proceed to Louxariant, Miss Katelyn?” Ano pa nga ba? De sunod tayo sa kanya. Habang naglalakad ino-orient niya ako na huwag akong magsasalita mamaya. Siya lang daw ang makikipag-deal dahil `yong ang trabaho niya. Tinext ko na nga si Jomar na hihintayin ko siya sa Louxariant. Sampung beses ko pang sinend pa ramdam niya ang inip ko! Tatlong mesa ang layo namin sa pinto para makita kami agad. Nag-reply na rin siya sa wakas. “Sorry late reply. Sinundo ko pa si Irish e. Nandito na kami sa mall.” Anak ng puchapenk! “Bueset talaga `tong lalaking `to.” Hindi ko maiwasang murahin ang gago e. “Pasensya na.” hingi ko agad ng tawad kay Attorney. “Hindi naman ako makukulong kung nagmura ako `no? Bueset kasi talaga. Oh, basahin niyo nga.” “Don’t let your emotion get the best of you later, Miss Katelyn.” Huminga nga ako nang malalim. Saktong dumating na rin sila. Act like hindi ka affected Katelyn! Holding hands pa talaga? Mapasma sana kayong mga Hudas kayo! Kinakalabit ako ni Attorney. Nang tumayo siya ay tumayo na rin ako. “Good afternoon, Mr. Aglipayo.” Bati ni Attorney sa kanya. “I’m Attorney Sandy.” “Ano `to Kate? May attorney pa?” Nakipagkamay naman siya pero nanunuya ang tingin niya sa akin. “I think it’s just fair because you’re with your Attorney and your girlfriend, right. Mr. Aglipayo?” Pucha?! So, abogado itong pinalit niya sa akin?! Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Jomar. Act tough, self! Parang tama nga si Miss Mika na balak akong unggoyin ng hayop na `to ha. “So, let’s proceed?” Naupo na kami. Umorder na rin kami. Pinili ko `yong mga mahal. Nang ma-testing ko rin si Miss Mika. Alangan pagdamutan ko pa ang sarili ko! Haha! Kapag kumulang ang dineposit niya e sisingilin ko siya kaagad. Itong si Irish nga ang nag-present kung paano ang hatian ng pagbebentahan. Hindi mapakali si Jomar. Ganito siya kapag may masamang gawa e. “Why 60/40?” tanong ni Attorney Sandy. “Why did you come up with this?” “Dahil si Jomar ang naglalakad ng mga papeles, siya ang nagbabayad.” Sagot ni Irish. “Hmm, can you show me kung ilan ang shares nila sa bayad? We can’t settle this today. I need bank records kung ilan ang pinapadala ni Miss Katelyn sa`yo at kung ilan ang binabayad mo para sa bahay.” “Ibebenta na nga bakit kailangan pang may bank records? Pipirma ka na lang, Katelyn. Wala ka nang iisipin.” Pagkukumbinsi sa akin ni Jomar. Pero susundin ko ang payo ni Attorney. Hindi ako magsasalita. “Is it too hard to provide, Attorney Irish? Your client here seems too eager to sell the property. Aren’t we going to settle this legally? You should know, your credibility is at stake here.” Walang nagawa si Jomar dahil pumayag itong jowa niyang hitad na i-check muna ni Attorney Sandy ang mga bank records and mga payments sa bahay. May tumawag sa selpon ni Attorney Sandy. Nag-excuse siya para makausap niya to. Lumabas pa siya ng resto. “Bakit mo pa gustong gawing komplikado ang lahat, Kate? Isang pirma lang de tapos na sana. Pareho na tayong tahimik.” Ito na nman si Jomar. Swetik personality na naman. Hindi ko alam kung kanino niya ito nagaya e. Hindi naman siya ganito noon. “Ang payo ni Attorney, hindi ako magsasalita. Siya na lang kausapin mo.” Nagpokus na ako sa pagkain. Iba ang lasa kapag mahal ang presyo! Ha ha! Nai-enjoy ko pa ang aligagang pagmumukha ni Jomar. Iyong jowa naman niya parang nainis rin. E de congrats self! Mission accomplished! Ha ha! Sarap hiwain nitong beefsteak lalo pag bueset ang mga taong kinabu-buesetan mo. Ha ha! “How did you meet Attorney Sandy?” tanong nitong si Hitad. “Hindi siya basta-basta tumatanggap ng pipitsuging kaso.” “Huh? E sinuswerte ako e. Bakit ba?” “Kumakabit ka na ba sa mayayamang ngayon?” Panunuya nitong ex kong hayop. “Sabi nila nakakapag-isip tayo ng masama sa iba kasi gawain din natin `yon.” Makahulugan kong sagot sa kanya. “Attorney, mag-ingat ka dito. Baka isang araw iwan ka para sa mas higit sa`yo.” Namula ang gago e. Mukhang nawalan naman ng gana itong si Attorney. Desserve!!! Ha ha. “No wonder. Pinagpalit ka niya dahil ganyan ka magsalita.” Aba! Lumalaban si attorney! “Excuse me? Hindi niya ako pinalitan. Isinabay ka niya sa akin. Kumbaga attorney, reserve tire ka.” Umismid pa ako. “Pero don’t worry. Masaya akong iniwan niya ako. Nabawasan ako ng extra baggage. Ikaw naman papasan. Goodluck.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD