Chapter 10
JAN MICHAEL
Kakauwi ko lang galing. It’s a tiring day dahil after ng pictorial and meeting with “Singles” production team ay dumuretso pa ako sa office and had a short conference with my employees. Naabutan ko pa si Mama na nanonood ng paborito niyang teleserye sa living room.
“Nag-OT na naman ba ang mga empleyado natin?”
“Hi `Mommy.” Nagbeso kami saka ako naupo sa maliit na sofa. “Nope. Ako lang ang nag-OT. Do I get extra compensation for that?”
“We’ll talk about it. Huwag kang maingay `coz I’m watching pa.”
That’s our mommy, The Marie Reyes. She’s so focused with her favorite Mexican Series.
“Ibilhan kita ng full episodes niyan, Ma. Gusto mo?”
“Shh.” Tinaas pa niya ang kanang kamay niya just to stop me from talking. “Mas exciting `tong aabangan daily.”
“Paano `yan, kasabay niyan `yong Singles.”
It’s not like gusto kong panoorin niya ako. I just want to know her reaction. Commercial break. She gives me an annoying look.
“May replay naman siguro ng Singles. And I’m not going to watch the first few episodes. Magsusungit ka lamang doon at mahihirapan ang editing team. I’m sure of that.”
“Ma, wala ka bang bilib sa akin? I can fake my emotions. You know.”
“I doubt.” She bluntly answered. “You’re too transparent. Alam na alam ko kung kailan ka maiinis kahit pre-recorded pa `yan. Just don’t be to harsh to your partner.”
Tapos na ang commercials kaya hindi ko na nadepensahan ang sarili ko dahil she shuts me up.
“Innu is part of the productions, right? Let me talk to him. I want the best woman for my son sa show.”
“`Mmy, don’t you dare. Please. It’s just a show.”
Suddenly, I’m frustrated because it seems like they’re seriously looking for a “manugang”. Hindi man lang niya inaalis ang pansin niya sa palabas. She’s really a multitasker woman.
“I don’t know how the show works. But for you to win, be loyal to your partner. Kahit sabihing off cam pa `yan. Huwag kang maglumandi sa ibang babae.”
“Ngayon naman gusto mong manalo ako. Ha ha! Napaka-competitive naman.” Biro ko pa sa kanya. “Stage mother activated ba, Ma?”
“Well, I am. So, you better make good decisions.”
Then I though of another silly question. “Hypothetically speaking. What if that partner is an ordinary woman? You know? Like she’s not known in business world. Ganoon malamang ang ipa-partner sa akin for ratings.”
“You know the answer, Hijo. Kahit sino pa `yan basta marunong rumespeto sa aming parents mo, sa mga kapatid mo at sa ibang tao.”
“Hindi mo o-offeran ng sampung milyong piso layuan lang niya ako?” Pang-aasar ko pa sa kanya. Makuha lang ang atensyon niya at hindi siya makapagconcentrate sa panonood.
She glared at me. “Mamaya tayo mag-usap pagkatapos nitong pinapanood ko.”
Ha ha ha! Talo talaga ako pagdating sa paborito niyang palabas. “I’ll make us some sandwich. By the way, where is your ex-boyfriend?” Tukoy ko kay Dad.
“He’s with JMark. Nag-aya ang kapatid mo e. Mamimili daw sila sa ukay.”
“Bakit hindi ka sa sumama?”
Tinuro niya ang tv. Ipagpapalit pa yata ni Mommy ang pamilya niya sa paborito niyang teleserye.
Nagtungo ako sa kitchen para gumawa ng sandwich. Naabutan ko rin ang aming tatlong kasambahay na nanonood ng tv.
“Bakit dito kayo nanonood? Malaki ang tv sa room niyo ah. Mas magandang manood doon.”
“Baka may kailangan si Madam. Kaya dito lang kami.” Sagot ni Ate Annie. “Young Master, narinig naming nagkukwentuhan sina Madam at Sir. Sasali daw po kayo sa Singles? Naku! Paniguradong kayo ang pinakapogi doon!”
“Totoo `yan.” Dagdag pa ni Ate Snow. “Siya yata ang pinakapogi.”
“I think, I also heard telling Jmark na pinakapogi siya,” biro ko dito. “Hmmm?”
“Naku! Pareho kayong pogi ni Young Master Jmark.”
“Kayong dalawa talaga.” Saway ni Manang Lourdes. “Dapat ay sabihan niyo ang mga kaibigan niyos sa village. Dapat si Young Master Jan Michael ang mananalo.”
“Oo naman, `Nay Lourds. Pati `yong ex kong sekyu. Sasabihan ko.” Ate Snow proudly say with conviction. “Mababaog `yon kapag hindi niya binoto si Kuya.”
“Mas excited pa kayo kaysa sa akin. Oh, anong gusto niyong palaman? Igagawan ko kayo ng sandwich din.” Binuksan ko ang ref at nagtingin ng pwede pang ihain. “Mag-fruits na lang kaya kayo? Let’s see. Strawberries. You like it with milk ba?”
“Tulungan na kita, Hijo.” Alok ni Manang Lourdes.
Nilapag ko ang isang tub ng strawberry sa mesa bago ko siya iginiya sa upuan. “Relax. Anong oras na oh. Pahinga niyo na. Ako na dito. Manood na lang kayo diyan.”
Nililis ko ang sleeves ng polo ko saka sinimulang linisin ang strawberry. Hinati ko sa dalawang ang mga ito. Kumuha na rin ako ng condensed milk. This should be served chill but nonetheless masarap pa rin ito for sure.
“Aba naman! Kayswerte naman natin. Bago pagsilbihan ni Young Master ang kanyang makakapareha e tayo muna,” Ate Snow proudly said. “Naku, kikilatisin rin namin iyang makakaparehan mo. Bago dumaan kay Madam at Sir, e sa amin muna.”
“Hindi ko naman siya magiging girlfriend. Hayaan niyo na. Overprotective naman kayo masyado sa akin.” Biro ko sa mga ito.
“Dahil kailangan. Dahil matagal-tagal kayong magkakasama. Malakas ang imahinasyon namin, Young Master. Baka magka-inlove-ban kayo. Kaya dapat makilala muna siya ng buong angkan ng Reyes at lahat ng mga kasambahay! Ha ha! Parang si Young Lady Liam. Mahal siya ng lahat.”
“You guys had watched too much drama. Here, midnight snacks muna kayo.” Nilapag ko sa messa ang dalawang bowl ng strawberry with milk.
Just then, Mommy came crying. Not her getting too attached with the teleserye!
“Nakunan si Felicia.” Paglalahad niya habang humihikbi. “That Macario guy should die. Angsama niya sa anak niya. Hindi naman niya kasalanan if she fell inlove with a rich man.” Sunod-suno ang pag-message alert ng phone niya. “Pagtimpla mo ako ng kape Lourdes. Nai-stress ako.”
At naupo na nga siya. She got busy scrolling ang typing on her phone. Siguro ay may chikahan sila ng mga amiga niya tungkot sa teleserye. Text pa mommy. Hindi man lang niya i-silent ang phone niya.
“`Mmy, it’s just a show. Why stress yourself?”
“`Coz it happens in real life, Son! Kaya ako nalulungkot. My amigas are also stressed. I think, kailangan naming magkita-kita bukas.”
Nagkatinginan kami ni Manang Lourdes. Pasimple itong ngumiti.
“`Mmy, gusto mo lang yatang magshopping dahil nalamangan ka ni Dad ngayon.”
Hindi man lang ako pinansin. “Lourdes, maglista ka nga ng mga bagay na gusto niyong bilhin at bibilhin ko bukas. Tigatlong kayo. Tanungin mo na rin ang ating gardener at mga driver.”
“Madam, nakakahiya naman.” Sabi ni Ate Snow pero iyong tonong nagbibiro. Nangingiti ako sa sap ag-over acting niya e. “Pero kung nagpipilit kayo, Madam. Okay na ako sa tatlong t-shirt `yong. Medium ako, Madam wala akong curves e.”
She exaggeratedly posed like a supermodel.
“Sakit tiyan pose, Madam.” She holds her tummy and acts like in pain talaga. “Pwede na po mowdel?”
“Magpa-derma ka sa day off mo, Snow. Marami ka nang blackheads.”
OH God! My mom is such sa savage when it comes to skincare.
“You should look beautiful. Anong sasabihin ng mga pamilya niyo kung pumangit kayo dito? Baka isipin nila masyado kayong stressed.”
“I’ll asked Liam, `Mmy. Ipapa-schedule ko sila. With full body massage din.”
Nang tumunog ang phone niya ay bumalik na ulit dito ang kanyang atensyon. Sinamahan namin siya hanggang antukin na siya sa kaka-text.She makes some kwento pa about how Dad dated her. Kung gaano kagaling mambola si Daddy daw.
Ilang beses ko na itong naririnig mula sa kanya and her kilig never changed.
I’m thinking, will I ever feel the same kilig as she had with Dad? Malabo na `yon siguro.