Nang mailapag na nila ni Ella lahat ng pagkaing niluto nila sa mesa, sakto namang dating nina Kyce at Rob sa bahay. “Hey, kiddo! Hindi ka ba nangulit sa mommy mo?” Dinig niyang tanong ni Rob sa bata nang makapasok ito roon. “Oh, nandito na pala kayo. Nakahanda na ang hapunan. Sina Jayden at Jiara, makakapunta ba?” Gulat siyang napatingin kay Ella. Hindi nito nabanggit sa kaniya na kasama pala sa dinner sina Jayden. Hindi pa rin kasi sila nagkikita o nag-uusap ng isang ‘yon. At sigurado rin siya na hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa ginawa niyang pag-alis at basta na lang na pag-atras sa sana’y kasal nilang dalawa. It caused a scandal. Mabuti na lang daw at nagawan ng fake story na mayroon talagang girlfriend si Jayden na nabuntis nito kaya kailangang panagutan. Sa madaling sandal

