“Alexa? Ano’ng hindi niya nasasabi sa ‘kin? Please tell me. Mababaliw ako nito kaiisip, e.” Kitang-kita niya sa mukha ni Alexa sa screen ang pag-aalangan nito. Pero dahil sa kuryosidad niya’y hindi niya ito tinigilan. “Please, Alexa. Sabihin mo naman sa akin, oh.” Alanganing ngumiti sa kaniya ang kaibigan. “Akala ko kasi nasabi na niya sa ‘yo. Pero promise me, ha. Kapag sinabi ko ‘to sa ‘yo, ‘wag mong ipapaalam sa kaniya.” “Just say it, Lex. Please…” Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita. “Naalala mo ba noong may client akong ini-refer sa ‘yo?” Napakunot ang noo niya. “Si Mr. R.A.B—oh my! L-Lex... siya ba?” Bumilis ang tahip ng dibdib niya. Kung hindi siya nagkakamali, maaaring si Rob nga talaga ‘yon. Initials nga iyon ni Rob at posibleng kaya nito ginamit ng initials nito’y

