HINDI na namalayan ni Julia ang mabilis na paglipas ng mga araw, linggo, at buwan dahil isinubsob niya ang sarili sa trabaho para hindi maisip ang matinding pangungulila niya sa anak. Halos hindi pa rin sila nagkikibuan ni Rob kagaya nang nangyari nang makalabas siya ng ospital. Alas-dose na ng umaga pero biling-baliktad pa rin sa higaan si Julia. It’s not her first time na matulog nang walang katabi mula nang makalabas siya ng ospital dahil sa guest room na talaga tumutuloy si Rob. Halos lahat na rin ng gamit nito’y ipinalipat na roon. Nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. Tama pa ba ang ginagawa niya? They’re living under the same roof pero ang turingan nilang dalawa’y sinlamig ng yelo. And it’s all because of her. Napansin na rin kasi niyang medyo nagiging distant na sa kani

