NANLALAMBOT na napaupo si Jiara sa sahig ng banyo matapos ang sunod-sunod niyang pagduwal. There’s only one way to confirm what’s on her mind. Kinuha niya ang nakatabing pregnancy test sa drawer at saka iyon ginamit. She had it ready dahil mula nang pumirma siya ng kontratang ibinigay ni Jayden sa kaniya ay hinanda na niya ang sarili niya. And when two red lines appeared on it, mas lalo siyang nanlumo. It will be her first child. Pero nakakalungkot lang na hindi man lang siya nito kikilalanin bilang ina, sakaling maisilang na ito. Iniisip pa lang niyang mapapalayo siya sa anak ay para nang madudurog ang puso niya. Hindi naman niya naranasan iyon sa mga magulang niya dahil kahit mahirap ang buhay nila, napanatili pa rin niyang buo ang kanilang pamilya. Ayaw man niyang sabihin kay Jayden a

