Napa-irap na lang si Jace, bagaman hindi niya mapigilan ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. "Ang kapal ng mukha mo! Wala pa tayong napag-usapan na papatuluyin kita sa loob." "Pero papatuluyin mo rin naman ako, 'di ba?" paniniguro ni RK habang sinasabayan ang paglakad ni Jace patungo sa entrance ng gusali. "Dahil kung hindi, sa lobby na lang tayo kakain ng dinner. Sigurado ka bang gusto mong pagtinginan tayo ng mga security guard dito habang kinakain kita ng tingin?" Napabuntong-hininga na lang si Jace. Ibang klase talaga ang lalaking 'to, isip niya habang pilit na tinatago ang namumulang pisngi. Wala na siyang nagawa kundi ang maglakad nang mabilis patungo sa elevator, habang si RK naman ay nakasunod sa kanya na may mapaglarong ngiti, kampanteng-kampante na sa gabing ito, mas lalo pa

