"Sige, kain ka lang. Ubusin mo na," malambing na wika ni Jace. Habang sinasabi iyon, hindi namalayan ni Jace na kusang sumuko ang kanyang mga braso. Naupo siya sa tapat ng binata, saka walang malay na nangalumbaba habang tahimik itong tinitigan habang kumakain. Pinagmasdan niya ang bawat galaw ng panga nito, ang pag-angat ng mga kilay tuwing sasarap ang subo, at ang paraan ng pagtama ng ilaw sa matulis nitong mukha. Sa sandaling iyon, nawala ang lahat ng pagod sa katawan niya—ang tanging nangingibabaw ay ang kakaibang init sa kanyang dibdib. Napansin naman ni RK ang pagtitig ng dalaga. Huminto siya sa pagsubo, ibinaba ang kutsara at tinidor, at dahan-dahang tumingin nang diretso sa mga mata ni Jace na may ngiting nag-aangkin. "Bakit ganyan ka makatitig, Doc JM?" tanong ni RK, mababa at

