"Si Richard na naman ba, Dad?" agad na putol ni Jace. Halata ang pagod at bahagyang inis. "Super busy ako ngayon sa ospital, Dad. Wala akong time sa mga ganyan. May medical mission pa kami ngayong weekend, kaya huwag niyo na po sanang simulan."
Sa kabilang linya, natawa nang bahagya ang kanyang ama—isang mahinahong tawa ng isang magulang na tila sanay na sanay na sa pagiging defensive at workaholic ng kanyang nag-iisang anak.
"Ito naman, naglalambing lang si Daddy," malambing na sagot ni Aldred Mendoza. "Huwag namang puro work, anak. Minsan, lumabas ka naman, maglibang, at makipag-date ka rin para ma-relax ang utak mo."
Nang marinig ang salitang makipag-date, napapikit nang mariin si Jace at napaawang ang labi.
Makipag-date?
Gusto niyang magpa-facepalm sa sarili. Sinunod naman niya ang payo ng ama na lumabas at maglibang kagabi—kaso nga lang, medyo sumobra yata ang naging "date" niya. Nauwi ito sa isang mainit, marahas, at walang-pigil na one-night stand sa isang estrangherong kilala lamang sa alyas na "RK," kung saan tuluyan ding naglaho ang kanyang pagkabirhen nang walang kahit anong proteksyon.
"Dad..." tawag ni Jace, pilit pinatatag ang boses habang ginagamit ang isang medical chart para paypayan ang sarili na biglang pinagpawisan ng malamig. "Busy nga po ako. Sige na, may rounds pa ako sa mga pasyente ko. I-update ko na lang po kayo mamaya."
"Martina," seryoso ngunit pakiusap na wika ng kanyang daddy sa kabilang linya. "Pagbigyan mo na si Daddy kahit isang beses lang. Isang lunch o dinner lang with Richard. Mabuting tao naman 'yung anak ng Tito Dizon mo. Na-meet ko na ang anak niya. Try mo namang i-consider. Who knows, baka siya na ang future husband mo."
"Dad, 26 pa lang ako, hindi ako ready sa husband-husband na ganyan," depensa ni Jace, medyo tumataas na ang boses.
"Oo nga, 26 ka na, pero kailangan mo rin ng makakasama," sagot ni Aldred. "Like now, ikaw lang mag-isa riyan sa Pilipinas; ayaw mo namang sumama na lang sa amin ni Tita Marcel mo sa ibang bansa."
"Okay lang ako rito, Dad. Saka hindi ako nagmamadaling magka-boyfriend at asawa... Sige na po, mag-rounds na po ako. Bye, love you."
Mabilis niyang pinatay ang tawag bago pa makapagsalita muli ang kanyang ama, saka ibinagsak ang mukha at ulo sa ibabaw ng mesa habang mahinang pinuputakti ng mura ang sarili.
Habang si Jace ay kasalukuyang nag-iinit ang ulo sa kanyang opisina sa ospital, si RK naman ay sakay ng kanyang mamahaling sasakyan, pabalik sa kanyang sariling penthouse. Tahimik ang paligid sa loob ng kotse habang nakatutok siya sa pagmamaneho, hanggang sa basagin ito ng pag-ring ng kanyang phone na nakakonekta sa Bluetooth speaker ng sasakyan.
Nang makita niya ang pangalan sa screen, napabuntong-hininga muna siya bago niya sinagot ang tawag. Dad Dizon.
"Richard, son," bungad ng baritonong boses ng kanyang ama sa kabilang linya.
"Dad," maikling tugon ni RK habang seryosong nakatingin sa daan.
"Are you free this weekend?" tanong agad ni Don Dizon Villanueva nang walang paliguy-ligoy. "Maybe puwede na nating i-schedule ang date nyo ni Martina, ang anak ng Tito Aldred mo."
Napaismid si RK at napabuntong-hininga nang malalim. Pakiramdam niya ay paulit-ulit na lamang ang sirang plaka ng kanyang ama tuwing magkakausap sila.
"No, Dad. Busy ako," mabilis na tanggi ni RK. "May inaasikaso akong expansion natin sa Cebu, tapos uuwi pa ako sa Pampanga sa weekend. Nangako ako kay Mommy na magvo-volunteer ako sa medical mission nila."
Sa kabilang linya, medyo tumaas ang boses ng kanyang ama; halata ang pagkadismaya. "Richard, ang tagal-tagal nang naghihintay ng Tito Aldred mo! Kailangan mo ring pagbigyan ang pamilya minsan."
Hindi na napigilan ni RK ang mapailing sa inis. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela habang sumasagot.
"Dad, ilang beses ko bang sasabihin?" seryoso at mariing wika ni RK, bakas ang awtoridad sa kanyang boses. "Wala akong panahon sa arrangement na 'yan. Ako na ang bahala kung sino ang gusto ko. Huwag niyo na akong pilitin."
Pagkababa ng tawag, tuluyan nang pinatay ni RK ang telepono at inihagis ito sa kabilang upuan ng sasakyan. Ngunit kahit tahimik na ang paligid sa loob ng kotse, ang kanyang isip naman ay tila isang magulong palengke.
Habang tinatahak niya ang daan pabalik sa kanyang sariling unit sa BGC, hindi niya magawang ituon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang alaala ang mukha ng babaeng nakasama niya kagabi—ang mga matang puno ng pagnanasa, ang malambot na labing tumawag sa kanyang pangalan, ang nanginginig nitong katawan sa ilalim ng kanyang mga haplos, at ang kakaibang kiliti na iniwan ng pagiging "virgin" nito.
JM… sino ka ba talaga? Tanong ni RK sa kanyang sarili habang mariing hinawakan ang manibela.
Kahit anong pilit niyang isantabi ang nangyari at isiping isa lamang itong masayang one-night stand para mawala ang stress, hindi niya maalis sa sistema niya ang kakaibang pangungulila. Pakiramdam niya ay may bahagi ng kanyang kaluluwa ang naiwan sa penthouse na iyon kasama ang babaeng nag-iwan ng alyas.
Pagdating sa kanyang unit, sa halip na dumiretso sa pagpapahinga o magtrabaho tulad ng nakaugalian, naupo muna siya sa gilid ng kama kung saan sila nagpainit kagabi. Tahimik niyang tiningnan ang bakanteng espasyo sa tabi niya—ang parehong unan na sinandalan nito, ang aming pabango na nananatili pa rin sa hangin.
Isang pilyong ngiti ang sumilip sa mga labi ni RK, ngunit sinabayan ito ng isang mahigpit na pangako sa sarili.
"Makikita rin kita, JM," bulong niya sa kawalan. "At sa susunod na magkita tayo… hindi na basta-basta matatapos sa isang gabi."
Kung si RK ay hindi mapakali at pilit na hinahanap ang babaeng nagpatigil ng kanyang mundo, si Jace naman ay nasa kabilang dulo ng tadhana—ang kabaligtaran ng lahat ng pag-aabang.
Lumipas ang mga sumusunod na araw nang may iisang layunin sa isip ng dalaga: ang burahin sa kanyang sistema ang bawat detalye ng gabing iyon. Para kay Jace, ang pagpunta niya sa bar noon ay simpleng coping mechanism lamang—isang paraan para takasan ang matinding stress sa ospital, ang paulit-ulit at nakaka-stress na tawag ng kanyang ama tungkol sa arranged date or marriage na iyon kay Richard Villanueva, at ang panandaliang pagnanais na makahanap ng pansamantalang libangan o makakwentuhan.
Ngunit sa halip na makahanap ng simpleng distraction, nauwi ito sa isang delikadong pagkakamali na hinding-hindi na niya gustong balikan pa.
Wala na. Tapos na.