FINDING JM

1094 Words
Ito ang paulit-ulit na mantra na isinisiksik ni Jace sa kanyang sarili sa tuwing gigising siya sa umaga at sisilip sa salamin. Para sa kanya, ang nangyari sa penthouse suite ay isa lamang wild one-night stand—isang aksidente ng nakaraang gabi na dapat nang ibaon sa limot pagpatak ng umaga. Wala siyang balak alamin kung sino si "RK"; walang balak alamin ang mundo nito, at lalong walang balak na magbakasakaling magkrus muli ang kanilang mga landas. Ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay bilang si Dr. Jacel Martina Mendoza: seryoso sa mga pasyente, abala sa mga medical mission, at pursigidong umiiwas sa anumang usapan tungkol sa pag-ibig o sa pinipilit na kasunduan ng kanilang pamilya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata sa ideya ng estrangherong nag-iwan ng marka sa kanyang p*gkababae. Sa kanyang isip, kung burado sa alaala, parang hindi rin ito kailanman nangyari. Habang si Jace ay tahimik na naglalakad palayo sa nakaraan at pinipilit na ibinaon sa limot ang lahat, si RK naman ay buong-pusong naglalakad pabalik sa eksaktong punto kung saan ito nagsimula. Hindi nila alam, sa mga sandaling iyon, na unti-unti nang nagtatagpo ang kanilang mga landas—sa paraang hindi man lang nila inaasahan. Kinagabihan, ang Apex ay muling nababalot ng nakakabinging tugtog ng bass at makukulay na ilaw na sumasayaw sa ere. Sa gitna ng maingay na kaguluhan, nakaupo si RK sa parehong VIP table kung saan sila nag-apiran nina Elijah at Brix noong nakaraang gabi. Hindi siya nakikipag-inuman; ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatitig sa pangunahing pintuan, sinusundan ng tingin ang bawat babaeng pumapasok, umaasang makikita ang pamilyar na kariktan. "Oh, pre," bungad ni Elijah habang lumalapit, bitbit ang isang baso ng mamahaling whiskey. "Solo flight ka yata ngayon." Inabot ni Elijah ang baso kay RK, ngunit hindi man lang ito tinapunan ng tingin ng huli. "I'm waiting for someone," tipid, malamig, ngunit desididong sagot ni RK. Natawa nang malakas si Elijah, halatang gulat na gulat sa narinig. "Ha? Someone? May date ka? Noong nakaraang gabi lang, 'yung misteryosang babae ang hinahabol mo, tapos ngayon may iba ka na agad? Ang bilis mo naman yata, bro!" Lumingon si RK kay Elijah. Ang mga mata nito ay puno ng determinasyong hindi pa kailanman nakita ng kaibigan noon. "No, Elijah. Hindi ako naghihintay ng ibang date. Ang hinihintay ko… si JM." Natigilan si Elijah. Napawi ang mga tawa sa kanyang labi. "Si JM? 'Yung babaeng nakahalikan mo noong gabi? Pre, hindi mo man lang nakuha ang buong pangalan o number niya, tapos umaasa kang babalik siya rito?" "Hindi ko alam kung babalik siya," amin ni RK, habang ang boses ay may bahid ng pangamba ngunit hindi nawawalan ng alab. "Pero nandito ako. Baka sakaling bumalik siya. Baka sakaling bigyan niya ako ng isa pang pagkakataon na malaman kung sino talaga siya." Umiling-iling si Elijah habang pinapanood ang kaibigan na tila tuluyang na-trap sa isang sitwasyong hindi nito inakalang mararanasan. "You're crazy, Richard Kier. Pero kung 'yan ang magpapatahimik sa puso mo, go ahead. Libre ang alak mo ngayong gabi, basta huwag mo lang gagamitin ang pangalan ko para mang-akit ng ibang babae, ah!" Ngumisi si RK nang bahagya—isang ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata dahil ang buong sistema ay abala sa pag-aabang. "Salamat, Elijah. Just let me be." Muling ibinalik ni RK ang kanyang paningin sa dagsa ng mga tao. Sa bawat babaeng papasok, bumibilis ang t'bok ng kanyang dibdib, umaasang sa paglingon ng mga ito ay ang mukha ni JM ang kanyang masisilayan. Hindi niya alam kung gaano pa siya katagal maghihintay, o kung magpapakita pa ba ito, ngunit sa gabing ito, ang Apex ay nagsilbing palaruan ng kanyang tapat na pag-asa. Sumapit ang alas-dose ng hatinggabi. Ang tugtog sa bar ay lalong lumakas, at ang paligid ay unti-unti nang napuno ng mas masiglang hiyawan at tawanan mula sa mga nagdiriwang. Ngunit para kay Richard Kier Villanueva, ang buong establisimyento ay tila unti-unting tumahimik at nawalan ng kulay. Paulit-ulit niyang tiningnan ang kanyang mamahaling relo. Mag-aalas-dose na. Ang mga matang kanina pa nakatutok sa pintuan ay nagsimula nang manghimagod. Walang anino ng babaeng nakasuot ng white silk top at boots na pumasok. Walang mukhang tumugma sa nag-iisang pangalang paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan—si JM. Kasabay ng pag-abot ng oras sa gitna ng gabi ay ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. Napabuntong-hininga siya nang malalim; ang kaninang mataas na pag-asa ay unti-unting pinalitan ng mabigat na pagkadismaya. Lumapit muli sa kanyang mesa si Elijah, bitbit ang buong bote ng whiskey habang bakas sa mukha ang pag-aalala para sa kaibigan. Naupo ito sa tabi ni RK at sinundan ng tingin ang kawalan sa buong bar. “O, ano, bro? Alas-dose na. Mukhang talo ka sa pustahan nating wala namang pusta,” mahina at may pag-aalinlangang wika ni Elijah. “Sabi ko sa'yo, one-time thing lang 'yun. Mga taong napadaan lang, nag-enjoy sa gabi, tapos umuwi na sa kani-kanilang mundo. Malamang, mahimbing nang natutulog ang 'JM' mo ngayon.” Hindi sumagot si RK. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa baso ng alak. Ang mga mata ay tuluyan nang nakatitig sa malamig na likido sa loob nito. Isang kirot ang lumitaw sa kanyang dibdib—isang kakaibang pakiramdam ng panghihinayang na hinding-hindi niya naramdaman sa mga babaeng kusang lumalapit sa kanya noon. Bakit ko ba inaasahang babalik siya? Tanong ni RK sa kanyang sarili, habang ang boses ng kanyang isip ay unti-unting pinanghihinaan ng loob. Hindi ko nga alam kung taga-saan siya, kung ano ang ginagawa niya, o kung saan ko siya hahanapin maliban sa bar na ito. “Hayaan mo na, pre,” marahang tinapik ni Elijah ang balikat ni RK, bakas ang sinseridad sa kanyang mga mata. “Kung para sa'yo, babalik 'yun. Pero kung hindi, eh 'di hanapin mo sa ibang araw. Huwag mong sirain ang gabi rito sa bar ko dahil lang sa isang babaeng nagngangalang 'JM' o baby girl mo na iniwan kang nakatingin sa ere.” Tumango si RK nang mabagal. Ang kanyang mga balikat ay nakabagsak sa bigat ng pagod at pagkabigo. Wala na siyang lakas o natitirang emosyon para makipagtalo. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa malambot na sofa, ibinaba ang baso ng whiskey, at kinuha ang kanyang itim na jacket. “Uuwi na ako, Elijah,” seryosong wika ni RK. Ang boses ay basag at may malalim na bahid ng pagod. “Salamat sa libreng alak.” “Sige, bro. Mag-ingat ka sa pag-drive. Huwag mong masyadong isipin,” bilin ni Elijah habang pinapanood ang kaibigan na tumalikod at tahimik na naglakad palayo sa makulay na mundo ng Apex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD