RIDE HOME

1102 Words

Ngunit hindi nakinig si Mia. “Oo nga, girl, RK! Siksikan kami, tas may box pa na natira na kailangan nating ibalik sa hospital. Mapapagod lang tayo sa biyahe kung magsiksikan tayo sa sasakyan namin,” pagsang-ayon ni Mia, sabay kindat kay Jace. “Sige na, RK! Si Jace na lang ang isabay mo; kami na ni Joseph ang magdadala ng mga gamit. Salamat, ha! Napakabait mo talaga, pogi!” Dahil sa desisyon ng mga kaibigan, wala nang nagawa si Jace kundi ang mapapikit nang mariin. Ramdam niya ang tagumpay sa bawat tingin ni RK—isang tagumpay na siguradong magiging mahabang biyahe para sa kanya. "Great! Para makapag-usap din kami ni Doc JM," wika ni R. Ang kanyang boses ay puno ng pahiwatig na hindi nakaligtas sa pandinig ni Jace. Binalingan niya ang dalaga at nagpakawala ng isang mapang-asar na ngiti. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD