Pagbaba ni Jeriah sa security room, tila huminto ang hangin sa paligid. Ang seryosong tingin ni Adris ay sapat na para malaman ni Jeriah na nasa kanila na ang alas. Sa gitna ng silid, sa ilalim ng isang malamlam na ilaw, nakagapos sa isang bakal na silya ang paparazzi. Nanginginig ang buong katawan nito at pilit na umiiwas ng tingin, pero ang galit ni Jeriah ay hindi mapigilan. ​Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang binata. Sa tindi ng panggigigil at sa bawat isiping balak sirain ng lalaking ito ang babaeng mahal niya, isang pagkalakas-lakas na sapak ang agad na dumapo sa mukha ng lalaki. Tumalsik ang dugo nito sa sahig, kasabay ng tunog ng nabaling buto sa ilong. ​"Magsalita ka! Sino ang nag-utos sa'yo?!" sigaw ni Jeriah. Ang kaniyang boses ay umallingawngaw sa apat na sulok ng maliit na sil

