bc

Crowned Heirs Series: Ashiya Daidojie (Filipino)

book_age12+
2.9K
FOLLOW
6.7K
READ
arranged marriage
aloof
confident
dare to love and hate
drama
bxg
icy
childhood crush
enimies to lovers
friendship
like
intro-logo
Blurb

Si Ashiya Daidojie ang nag-iisang tagapagmana ng Daidojie Group. Maganda -- singkit ang mga mata, matangos ang ilong at natural na mamula-mula ang kaniyang manipis na mga labi. Mahaba ang kaniyang buhok na may bahagyang pagkakakulot sa dulo. Mayaman -- tagapagmana ng pinakamalaking travel agency sa mundo at may-ari ng airline, shipping at railway company sa Pilipinas. Pero ang tanong... masaya ba siya?

Kuwento ng isang dalaga na nasa kaniya na ang lahat maliban sa masayang pamilya at tahimik na buhay. Ngayon na muli siyang bumalik sa Pilipinas, paano siya makikisama kung likas sa kaniya ang pagiging mataray at mainitin ang ulo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Miss, sabi po ni Madam Miyuki, pumunta raw po muna kayo sa opisina niya bago magsimula ang opening ceremony," paalala ni Natzume, ang itinalagang personal assistant ni Ashiya. Isang simpleng tango lang ang isinagot niya. Unang araw pa lang ng klase pero ramdam na niya ang pagkabagot. Inaantok siya. Ilang saglit pa, pumasok na ang limousine na sinasakyan nila sa Daidojie Academy. Ang eskuwelahan na pinapamahalaan ng kaniyang Mommy noong nabubuhay pa ito. "Miss, tayo na po." Naunang lumabas si Natzume sa sasakyan. Nagtangka itong pagbuksan ng pinto ang amo pero nakababa na si Ashiya. Bitbit nito ang bag nilang dalawa. Huminto sila sa isang gusali na may dalawang palapag. Nandoon ang opisina ng head mistress, dean at mga guro ng Business Administration department. Kulay puti ang pader nito at malalaki ang mga salamin. May iilang halaman na nakalagay sa malalaking paso upang mabigyan ng buhay ang lugar. “This way po, Miss," turo ni Natzume. Naglakad ang dalawa papasok sa loob. Puti rin ang pintura dito at may mga bulletin board na nilagyan ng salamin. Nauna si Ashiya sa alalay niya sa paglalakad sa corridor. Alam naman niya kung nasaan ang opisina ng kaniyang Tita Miyuki. May nakasalubong si Ashiya na grupo ng mga estudyante. Mukhang may pinapanood ang mga ito sa cellphone. Kahit alam niyang makakabungguan niya ang mga ito, hindi siya umiwas. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa natabig niya ang mga ito. "Ano ba? Miss, are you blind? Ang laki-laki ng daan tapos binubunggo mo pa kami. Ano bang gusto mo?" Sinigawan at pinandilatan siya ng mata ng babaeng kulot ang buhok at may pulang highlights. Pinulot niya ang iphone11 na nalaglag nito. Tinitigan niya ang babae, akala nito ay ibibigay niya ang cellphone dito kaya lumapit ito sa kanya para kuhanin iyon. Isang munting kalokohan ang pumasok sa kaniyang isipan, itinapon niya ang cellphone sa pader. Nabasag ang lcd screen at nagkalat ang mga parte nito sa sahig. "Oh my God! What's your freaking problem? Bayaran mo ang phone ko!" Gigil na gigil ang babae na sumugod kay Ashiya. Sasampalin sana siya nito pero nahawakan niya kaagad ang kamay nito at pinilipit ito. Napangiwi ang babae sa sakit. "Ouch! Who the devil are you? Ngayon lang kita nakita sa eskuwelahang ito kaya alam kong bago ka. 'Wag kang masyadong mayabang!" Binitiwan niya ito. Ibinigay ni Natzume sa kaniya ang checkbook at nagsulat siya ng pambayad sa na babae. Kalahating milyon ang inilagay niya, pinirmahan niya pagkatapos. "Ano iyan?" tanong ng babae na inayos ang sarili at nagusot na uniporme. Isinampal ni Ashiya sa mukha ng babae ang pinirmahan niyang tseke. "O, ayan! Siguro naman, sapat na iyan para makabili ka ng bagong cellphone." Inirapan niya ito at walang lingon-likod na umalis. Napatingin sa kanila ang ibang estudyante na naroon. Biglang nahawi ang mga tao upang paraanin siya. Si Ashiya Daidojie, dise-otso anyos na dalaga. Siya ang nag-iisang anak ng mayamang businessman na si Renji Daidojie. Kararating niya lamang sa Pilipinas galing ng Japan. Hanggang beywang ang kaniyang itim na buhok na bahagyang kulot ang dulo kagaya ng sa isang manika, nilalaro ito ng hangin na tila sumasayaw habang siya ay naglalakad. Singkit ang kaniyang mga mata, matangos ang ilong at katamtaman ang kapal ng mga labi. Maputi ang kaniyang balat, maputla kung tutuusin na tipikal sa isang Haponesa. Itim ang kaniyang suot na blazer at puti ang panloob na long sleeves. Knee-length ang kaniyang itim na palda na may itim na lace sa dulo -- uniporme ng kanilang eskuwelahan. Pilit niyang pinakalma ang kaniyang sarili, nasa harap na siya ng pintuan ng opisina ng Head Mistress. Hinintay niya lang si Natzume at ito ang kumatok. Hindi siya sanay na sinisigawan siya ng ibang tao. Umiiksi ang kaniyang pasensiya. A rotten spoiled wench, that is what she is. Sumilip si Natzume sa loob ng opisina. "Madam Miyuki, nandito na po kami ni Miss Ashiya." Niluwagan nito ang bukas ng pinto kaya pumasok na siya. "Good morning, Tita." Lumapit siya at nakipagbeso. "Good morning din Ashiya. Habang tumatagal, lalo kang gumaganda. Please have a sit." Itinuro ni Miyuki ang upuan sa tapat ng lamesa nito kaya umupo na siya. Nakaupo rin si Natzume sa sofa na nasa gilid ng kuwarto. Nasa mid-forties na ang ginang ngunit wala itong mga linya sa mukha na senyales ng katandaan. Manipis ang make up nito at nakasuot ng bestida na kulay krema na inaadornohan ng bulaklak sa kanang dibdib na yari sa swarovzki crystal. "Ano po bang meron Tita?" diretsa niyang tanong. "Nasabi kasi ng Daddy mo na papasok ka na ng regular na klase, ibig sabihin, magkakaroon ka na ng ibang mga kaklase." Nakatitig sa kaniya si Miyuki. "Yes, Tita. Ako po ang humingi nito kay Daddy. Lahat ng estudyante rito ay puro mayayaman. Kahit ang mga anak ng shakers and movers ng alta sosyedad ay dito nag-aaral. Oras na para makilala ko sila at makilala nila ako." Tatango-tango lang si Miyuki habang nakikinig sa kanya. "Tama ka riyan, hija. By the way, nakita mo ba si Ryuuji?" "Hindi pa po. Andiyan lang iyon sa tabi-tabi." Biglang tumunog ang bell kaya tumayo na si Ashiya. "Tara, hija. Sabay na tayong pumunta sa student hall," aya ni Miyuki. Pagdating nila Ashiya, Miyuki at Natzume sa student hall; marami nang tao. Nakihalo sina Ashiya at Natzume sa iba pang mga estudyante, si Miyuki naman ay dumiretso sa entablado. Walang pila ang mga estudyante kaya magulo. "OMG! 'Di ba siya iyong sumira ng phone at nanampal ng tseke sa isang second year student kanina," sabi ng isang tsismosa. “Yeah! That's her. Freshman pa lang pero pasikat na," sabat ng kasama nito. "Weird! Iisang mundo lang ang ginagalawan nating lahat. Bakit hindi natin siya kilala?" nagbubulungan ang mga babae pero naririnig pa rin ni Ashiya dahil malakas ang boses ng mga ito. "Natzume, let's go." Naiirita na siya sa mga babaeng iyon kaya gusto niya nang umalis. Sumunod naman sa kaniya si Natzume. Maya-maya, nagsimula nang magsalita si Miyuki tungkol sa bagong taon sa eskuwelahan at kung ano-ano pa. Hindi na pinakinggan ni Ashiya ang talumpati, iginala niya na lang ang kaniyang mga mata. Hindi niya makita si Ryuuji. Nasaan ba ito? Pagkatapos ng talumpati, pumunta na sila ni Natzume sa kanilang silid-aralan. Parehas sila ng kurso at section dahil iyon ang kundisyon ng kaniyang Daddy sa pagpayag na pumasok na siya sa normal na eskuwelahan. Pagkatapos ng nangyaring insidente anim na taon na ang nakakaraan, itinago na siya ni Renji sa mundo. Pumasok na si Ashiya sa loob. Biglang tumahimik ang mga estudyante nang makita siya ng mga ito, nagbulungan naman ang lahat pagkatapos. Tumigil lang ang mga ito nang pumasok na ang propesor nila. "Good morning students. I am Mrs. Santos, your english professor. This is our first day of class, all of you will stand here in front and tell something about yourself." "Boring... " Dumukdok na lang siya sa lamesa niya. Wala siyang interes sa mga ito. Isa-isang nagpakilala ang mga estudyante. Bukod sa pangalan, sinasabi rin ng mga ito ang negosyo ng kanilang mga magulang. Noong tumayo si Natzume at pumunta sa harapan, pinanood niya itong magsalita. Humarap si Natzume sa mga kaklase na halatang kinakabahan. Hanggang balikat ang tuwid na buhok nito at palagi nitong inaayos ang salamin nito sa mata na palaging nadudulas sa hindi katangusan nitong nose bridge. "Good morning. I am Natzume Kuronuma." Uupo na sana ito pero nagtanong pa si Mrs.Santos. "Ano ang negosyo ng mga magulang mo?" Tumungo ang dalaga at tila nahihiyang nagsalita. "Anak po ako ng butler ng Daidojie family." Nagtawanan ang lahat, pati na ang propesor ay tumawa rin. Ashiya felt disgusted about the whole fiasco. Hindi niya mapapalagpas ang ganitong pang-iinsulto kaya tumayo siya. “I'm Ashiya Daidojie, the heiress of Daidojie family. Nandito si Natzume para sa akin. Kung sino man sa inyo ang muling tatawa o manghahamak sa kaniya, you can have your school records and get out of this school!" Tumigil ang lahat sa pagtawa at parang maaamong tupa na nakatungo. Tinitigan niya ang propesor nila. "I am awfully disgusted with your behavior Mrs.Santos. But then, I will give you one more chance. Kapag naulit pa ito, sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagtrabaho kahit kailan!" The professor was horrified and trembled before her eyes. She hissed, and get out of their classroom. She's trying her best to contain her anger. She doesn't want to hurt anyone, or ruin someone's life. Well, of course, unless she's on a bad mood.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook