"Ang hirap talagang intindihin ng mga mayayaman. Puro sila basag ulo! Alam kasi nilang kahit anong gawin nila, pagtatakpan iyon ng mayayaman at maimpluwensya nilang mga magulang," himutok ni Shin. Pakiramdam kasi ng binata, para siyang nasa loob ng telenovela na napapanood lang niya sa telebisyon. Walang sense ang mga nangyayari kung lohika ang pagbabasehan niya. "Tama ka. Pero sino ba naman tayo para husgahan sila? Scholars lang tayo rito. At kung wala ang mayayaman na nag-sponsor sa atin, imposibleng makapag-aral tayo rito. Alam mo bang hindi na kailangan magpakita ng grades kapag sinabi mong graduate ka rito? Kahit saang kumpanya ka mag-apply, tatanggapin ka agad nila. Ganoon katindi ang taas ng tingin nila sa school na ito," buwelta ni Natzume. Sa eskuwelahang ito, yaman at impluwensi

