Prologue..
“Halos hingalin ako sa katatakbo dahil sa mga pulubi din na humahabol sa akin. Wala akong nagawa kahit na sugat ang natatamo ko sa aking mga hubad na paa dahil hangang ngayon hindi ko pa din malimutan ang mga naranasan ko nang mamatay ang aking mga magulang dahil sa aksidenteng sa akin isinisisi ang lahat. Minabuti kong umalis at lisanin ang lugar kung saan ako lumaki. Nakaramdam na naman ako nang pagkagutom kaya naman mabilis akong nagtungo sa isang malaking Mall dito sa Manila. Ramdam ko sa sarili ko ang pagod at init dahil sa sikat ng matinding araw. Dumudugo na din ang mga paa ko at habang abala ang mga Security Guard sa kanilang pag-uusap ay marahan ako at patagong pumasok sa nasabing Mall.”
“Wow! Grabe ang laki at ang ganda naman sa loob nito.”
“Kumuha ako ng mga tinapay na aking natatanaw sa bandang tabihan ko at dahil rin sa dami ng tao ay hindi ako napapansin ng mga Security Guard, kaya naman nag-enjoy akong malakad-lakad sa gitna. Nakita ko sa aking mga mata ang pagkainis at pagtakip ng kanilang mga ilong habang matalim nila akong pinakatitigan. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila hanggang sa 'di inaasahan habang palinga-linga ako sa ganda ng loob nito ay hindi ko man lang napansin ang pagbunggo ko sa taong aking nakasalubong.”
“A-ah, aray!” bulaslas na sigaw ni Ella sa kaniyang sarili habang nakatitig lamang sa kaniya ang mabango at makisig na lalaki sa kaniyang harapan at ang nakakaakit na kasuotan na pananamit nito ay hindi mawala sa pagkatitig niya.
“Napabalikwas ako nang hawakan niya ang aking braso dahil sa taglay na mukha nito na kahit sinong babae ay mahuhulog sa angking kag'wapuhan nito. Kasunod nang pagsandal ko sa kaniyang matitigas na dibdib.”
“Are you ok, Miss?” seryosong wika nito kay Ella. Ngunit tila kumunot ng bahagya ang noo nito. Na ikinapansin ng dalaga. “Bakit pinahihintulutan nilang pumasok ang mga tulad mo dito sa loob ng Mall na ito?” bigkas nitong muli sa kaniya.
“Nakita ko ang pag-ismid ng mukha niya dahil sa amoy na nalalanghap niya sa aking sarili ngunit wala akong pakialam kung ano pa man 'yon. Akmang aalis na ako patakbo nang hawakan niya muli ang aking pulsuhan, kaya naman kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makaalis sa mahigpit niyang pagkakahawak.”
“Hoy! P'wede ba bitawan mo nga ako! Hindi kita kilala at hindi mo ba nakikita, pulubi lamang ako at wala akong balak na sumama sa'yo!” madiin at malakas na tinig ang iginawad nito sa lalaki habang maraming taong nakatitig sa kanilang dalawa.
“Excuse me! Sino ba ang may sabi sa'yo na isasama kita? Ipadadampot lang naman kita sa mga Security Guard dito dahil hindi dapat ang katulad mo ang pumapasok sa ganitong klaseng lugar.”
“Hoy! Masamang lalaki, bitawan mo ako kung ayaw mo—” wika ni Ella sa hindi niya matuloy-tuloy na sasabihin.
Ngunit dahil ayaw niyang bitawan ang mga kamay ng dalaga ay minabuti nitong kagatin ang kamay ng lalaki. Hanggang sa maramdaman na lamang nito ang sakit sa pagkagat sa kaniya. Kaagad naman itong napabitaw at kasunod noon ang mabilis nitong pagtakbo sa dulo ng exit na hindi naman ito kalayuan sa kaniyang tapat.
“Naku naman kapag minamalas ka talaga!” wika ni Ella sa kaniyang kaisipan. Kasunod nang walang humpay na pagtakbo ng kaniyang mga paa palabas ng Mall.
Tila ayaw siyang tigilan ng mga security na humahabol sa kaniya. Na halos hindi na niya malingon pa ang mga nakaitim na lalaki sa kaniyang likuran. Mabilis ang pagtakbo niya at halos wala siya pakialam kung may mabangga man siyang tao. Daig pa niya ang nagnakaw sa loob ng Mall. Natanaw niya s a'di kalayuan ang isang basuruhan kaya naman walang pagaalinlangan niya itong tinungo.
“Tingnan lang natin kung makita niyo pa ako!” ani ni Ella at pagkain nito ng tinapay na kaniyang kinuha. Kasunod nang pagtago nito sa isang malaking basuran nang makalabas na siya ng Mall.
“Sa susunod hindi na talaga ako papasok sa loob ng building na 'yan! Masasama ang mga tao,” bulaslas ni Ella sa kaniyang isipan.
Tanging punit-punit na damit ang kaniyang suot. Mahaba na halos above the knee na t-shirt. Wala rin siyang saplot sa paa kaya naman puro gasgas at ilang sugat ang natatamo niya sa kaniyang mga hubad na paa. Makalipas ang ilang oras na pagtatago niya sa isang malaking basurahan ay pinagpasyahan niyang lumabas. Bitbit pa rin ang kapirasong tinapay na kanina pa niya kinakain.
“Sabi na nga ba! Hindi nila ako makikita!” wika nito na may pagtaas pa ang mga kamay habang nakangiti sa taas ng kalangitan. Pinagmasdan niya ito at isang bulong muli sa sarili nito ang kaniyang iginawad. “G'wapo sana ang lalaking 'yon ang problema lang napakaantipatiko. Tsk! Basta ako nangangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakagusto sa isang lalaking bukod sa mayabang, abnormal pa!”
Napa-lingon ang kaniyang mga mata sa tinderong nagtitinda ng palamig. Lalapitan na niya ito patawid ng daan sa tapat ng Mall. Nang biglang isang malakas na busina ng sasakyan ang ikinatigil niya sa harapan nito.
“Ahhh!” tanging sigaw ni Ella at pagsangga ng braso niya sa kaniyang mukha dahil sa malakas na busina nito sa harapan niya. Napaupo siya sa kaba at pagkahina ng kaniyang mga tuhod.
“F*ck!” malakas na mura ng lalaki sa loob ng sasakyan nito.
Nagpasya itong bumaba upang tingnan ang muntikan na niyang masagasaan. Ngunit mas lalo nag-init ang ulo niya nang masilayan nitong muli ang babaeng ikinaiinis niya buhat kanina. Ang mabaho at gulo-gulo nitong buhok na halos hindi na makita ang mukha. Ang maluwang na t-shirt nito na tanging hanggang hita ay makikita. Napalunok ang lalamunan niya sa kaniyang pagkakatitig sa babae. Habang natatanaw niya ang maganda nitong hita. Napatigil siya sa kaniyang pagkakatitig nang bigla itong magsalita sa kaniyang harapan habang hindi makatayo sa nanlalambot nitong mga paa.
“Ikaw na naman! Hindi mo ba talaga ako titigilan sa kakasunod! Ano ba ang gusto mo? Katawan ko ba! Ha!” matapang na wika ni Ella sa lalaki.
“Are you crazy! Sa dumi mong 'yan! Do you think na magugustuhan kita! Oh, baka naman gusto mo na ipadampot kita ngayon!” galit na untag ni Lance sa babae.
“Hoy! Manong driver! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! Kaya tigilan mo ako! Hindi ba dapat ikaw ang mahiya dahil kinakalaban mo ang isang tulad kong walang kakayahang gumanti,” pag-iinis ni Ella sa lalaki na halos mapakagat ang ibabang labi niya sa harap nito.
“Okay, pero ito ang tatandaan mo! Huwag kang makakapasok sa loob ng Mall na 'yan kung ayaw mo na ipadampot muli kita sa mga security na na'ndito. Understand!” bulong ni Lance s adalaga at pagkuha ng wallet nito sa kaniyang bulsa.
“Kunin mo itong pera at bumili ka ng stinelas at bagong damit. Kung maari maligo ka! Marami naman Comport room d'yan sa labas,” pag-abot ni Lance ng pera habang pinagmamasdan niya ang mga galos nito sa paa.
Mabilis nitong kinuha ang pera na iniabot sa kaniya ng hindi niya kilalang lalaki. Napapatifig siya sa mabango at g'wapo nitong mukha habang suot ang brown light sungglases na mas lalong nagbigay nang attraction sa kaniya. Napapakagat ang kaniyang mga labi ngunit muli niyang itinigil ang kaniyang pagpapantasya nang hawakan ang madumi niyang kamay.
“Tumayo ka na, dahil naiinip na ako sa kahihintay sa'yo.”
Tila ba napipi na lang ang kaniyang bibig dahil sa ginawang pag-alalay nito sa kaniya upang makatayo. Dinala siya nito sa isang sidewalk na doon ay maaari siyang makaupo ng maayos. Hawak ang libong pera na ibinigay ng lalaki sa kaniya. Aalis na sana ito sa harapan niya nang bigla siyang magsalita.
“Sorry, and thank you na rin.”
“Be careful, next time,” wika ni Lance. Kasunid nang pagsakay nito sa kaniyang sasakyan.
Halos hindi maalis ang pagkakatitig ni Ella sa papalayong sasakyan. Naramdaman na lamang niya ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata. Muli ay ibinaling niya ang tingin sa hawak niyang pera. Makapal ito na halos kaya nang tustusan ang ilang araw na kailangan niya. Isang plastik naman sa tabihan nito ang kaniyang nakita. Kinuha niya ito at inilagay ang bungkos na pera na hawak niya. Una niyang tinungo ang palengke na kung saan doon siya makakabili ng maayos na damit. May barya pa naman siyang isang daan kaya naman ito ang kaniyang unang kinuha. Sa itsura niya kasi ay hindi malabong pansamantalahan ang kahinaan niya ng mga magtitinda. Tinungo niya ang loob ng damitan na halos mapatakip ng ilong ang mga magtitinda. Minabuti na lang niyang hindi pansinin. Hanggang sa marating niya ang may kamurahan na damit. May tig-singk'wenta na blouse at dress magaganda na dahil ukay-ukay lang naman. Napili niya ang isang dress na umagaw ng atensyon sa kaniya. Kinuha niya ito at nagtungo sa kahera.
“Ate, bilhin ko na ito pamalit ko sa sira kong damit,” wika ni Ella habang iniaabot niya ang dress na hawak nito.
“Naku, sige na huwag mo na bayaran. Bigay ko na lang sa'yo at isa pa ibili mo na lang ng sabon at maligo ka doon sa pampublikong palikuran. Para naman mabango-bango ka,” tanaging ngiti ng babae sa kaniya.
“Talaga libre na! Salamat ng marami hayaan mo babalikan kita kapag maayos na ako.”
“Wala 'yon dahil hindi lang naman ikaw ang pumupunta dito. Minsan lang talaga nagbibigay ako kasi mura lang naman ang mga paninda ko.”
“Ah, sige salamat aalis na ako,” wika ni Ella at pagkuway nito sa babae.
“Sandali kailangan bumili muna ako ng bagong panty at bra. Tapos sabon na pampaligo at shampoo.”
Matapos niyang makabili ay dali-dali siyang nagtungo sa palikuran sa may palengke. Nakabili na rin siya ng maliit na towel na maari niyang pangtuyo s akaniyang basang katawan. Ilang oras rin niyang binuno ang paliligo. Hinilod niya ang bawat maduduming parte nito na ilang araw na niyang tinitiis. Gamit ang maliit na tuwalya na tig-sampung piso lang niya nabili. Sinabon niya nang bulang-bula ang kaniyang buhok. Damang-dama niya ang bawat dampi ng malamig na tubig sa kaniyang katawan. Tila ba sabik na sabik siya sa tubig na kaniyang nadarama. Matapos niyang maligo ay una niyang tinuyo ang kaniyang buhok at kasunod ang kaniyang katawan. Isinuot niya ang bagong panty na kaniyang nabili at bra nito. Maganda ang dress na napili niya isang plain na blue ang kulay at may tali sa bandang likod. May kahabaan lang ito na halos lumampas ng kaunti sa kaniyang tuhod. Kasabay rin nang pagsuot niya sa isang pares na flat sandals na kulay brown. Kinuha niya ang maliit na salamin at mumurahing lipstick na kaniyang nabili. Naglagay siya sa kaniyang labi at pisngi upang ito ay mamula. Marahan niyang sinuklay ang kaniyang buhok na may kahabaan rin. Ilang sandali lang ay lumabas na siya mula s aloob ng palikuran. Bitbit ang isang supot ng plastik na naglalaman ng ilang libong pera.
“Dapat pala maghanap ako ng bago kong matutulugan na kahit mura lang,” tanging wika niya sa sarili. Ngunit nakaramdam naman siya nang pagkagutom sa kaniyang tiyan. “Kailangan ko talagang kumain muna bago ako maghanap ng matutuluyan ko.”
Isang itlog ang kaniyang napiling iulam. Humiling na rin siya ng sabaw para sa mainit-init niyang kanin. “Kahit simpleng pagkain lang masarap pa rin ito sa pakiramdam dahil naiibsan nito ang gutom sa aking tiyan,” wika niya at paglisan sa karendiryang kaniyang kinainan.
Natanaw niya sa 'di kalayuan ang isang tarpulin. Naghahanap ito ng bed spacer sa likod lang ng palengke. Binasa niya ito upang malaman kung magkano ba ang halaga na kaniyang babayaran. Nagulat siya dahil mura lang ito at sariling k'warto pa. Kaagad niya itong pinuntahan upang makapagbayad sa nasabing presyo.
Magkakasunod na katok sa pinto ang kaniyang iginawad sa may-ari. Wala na nga siyang pakialam kung gaano ito kalakas. Mablis na bumukas ang pintuan sa kaniyang harapan at bumungad ang matandang babae sa kaniya.
“Anong maipaglilingkod ko sa'yo, Miss?”
“Kayo po ba ang may-ari ng bed spacer po doon,”tanging tanong ni Ella habang nakaturo sa 'di kalayuan lang sa kaniya.
“Tama ka, sa akin nga iyon. May balak ka bang umupa? May pagka-mura lang' yon dahil maliit lang naman at para sa isang tao lamang.” wika ng matandang babae.
“Gano'n po ba! Gusto ko po sana na kuhanin. Kailangan ko kasi ngayon ng matutuluyan.”
“Walang problema, Miss. Basta mag-advance ka lang ng isang buwan na kabayaran tapos sa next month na lang kita muling sisingilin,” wika ng babae.
Isang libo na ang ibinigay ni Ella para dalawang buwan ang advance niya sa kaniyang tutuluyan. Limang daan lang kasi ang buwanang pag-upa nito kaya labis na labis ang kaniyang tuwa. Kinuha niya ang susi at kaagad nagtungo sa kaniyang silid. Kahit man bed space ay bukod ito sa iba. Hindi ito bahay na katulad ng iba, isa itong k'warto na hiwa-hiwalay ang bawat pinto na iyong masisilayan. Na halos katulad lang ng isang apartment na may sariling gate ang bawat isa. Kaibahan lang maliit ito na talagang isang tao lamang ang maaaring tumira. Napahiga siya sa malambot na kama habang dinadama ng kaniyang katawan. Napapapikit nag mga mata niya dahil sa pagod na kaniyang ginawa. Ngunit may kung anong bagay ang sumsagi muli sa kaniyang isipan.
“Kahit na abnornal ka! Antipatiko! Mayabang! At kung ano-ano pa. Maraming salamat dahil sa isang araw lang na pagkikita natin. Nabago mo na ang lahat sa akin. Hindi man tayo muli magkita pero tatandaan ko na tinulungan mo ang isang tulad ko,” tanging bigkas ng kaniyang bibig kasabay nang paghikab nito at pagkaantok na kaniyang naramdaman.