Chapter 13

1471 Words
“Bili na po kayo riyan. Masarap at malinamnam ang aking paninda,” pangungumbinsing wika ni Ella, sa mga taong dumaraan sa kaniyang harapan. Na halos walang tigil ang pagpaypay niya, sa nagbabagang uling na magsisilbing lingas sa kaniyang mga inihaw na paninda. Hanggang sa mapatigil sa kaniyang harapan ang may-ari ng inuupahan niyang bahay. “Ang dami mo naman paninda, Ella. Magandang simula iyan para sa ʼyo.” “Marami pong salamat, kung ganoʼn.” “Natutuwa lang ako, dahil sa isang tulad mong dalaga ay naiisip ang mga importanteng bagay.” “Mahirap po kasing mabuhay sa mundo ng walang pera,” wika ni Ella na may ngiti sa kaniyang mga labi. “Tama ka naman, hija. Mahirap ang mabuhay sa mundo nang wala kang pera. Lalo naʼt sa panahon ngayon. Halos lahat nagtaasan ang mga bilihin.” “Ano po ba ang gusto nʼyo? I-libre ko na lang po kayo ng barbeque.” “Huwag na. Sayang din ang kikitain mo, para sa mga paninda mo.” “Kung ganoʼn ay maraming salamat, po.” Tila wala nang katapusan ang dagsa nang ilang bumibili sa kaniyang paninda. Kaya naman tatlong-oras pa lang ang nakalilipas ay naubos na ito kaagad. Napagpasʼyahan na lamang niya na ligpitin ang kaniyang mga gamit. Subalit, napatalon siya sa gulat ng lumapit sa kaniya si Christopher. “Naubos na pala ang mga paninda mo!” panggugulat na sambit ng binata. Sabay hampas nito sa lamesa. “Kabayo ka!” gulat na untag ni Ella. “Ano ka ba naman Christopher, hindi ka man lang magdahan-dahan sa pagtawag mo?” “Haha . . .” Matawa-tawang biro ng binata. “Napakaseryoso mo kasi sa buhay. Wala ka nang ibang ginawa kundi ang maghanap ng pagkakakitaan.” Kaagad naman siyang pinagtaasan ng kilay ni Ella. “Eh, anong gusto mo? Ang tumambay ako katulad ng mga babaeng nakikita mo. Magtigil ka nga!” “Teka. Binibiro lang kita.” Taas kamay ni Christopher. Sa kagustuhan ni Ella na makabawi ang binata sa pag-aasar nito sa kaniya. Mabilis ni Ella na inihagis sa binata ang ilang plastic bag sa harapan nito. “Ipagdala mo ako nito. Kabayaran mo sa pang-aasar mo sa akin.” Sabay talikod ni Ella sa binata. Gayunpaman, kahit ilang araw pa lang niya nakikila si Christopher ay palagay na ang loob ni Ella sa binata. Mabait ito at matulungin sa pamilya. Nakilala niya ito noong bumisita ang may-ari ng bahay sa kaniyang inuupahan. Malapit kasi ang damdamin ni Christoper sa matanda, dahil sa tulong na natanggap nito sa asawa ni Aling Belen, na tumayong pangalawang magulang na nito. “May bayad ang pagtulong ko, Ella!” Malakas na sigaw ni Christoper. Habang tanaw niya sa ʼdi kalayuan ang dalaga. “Asa ka pa!” “Ikaw din. Kapag hindi mo ako binayaran. Wala nang magdadala ng plastik mo araw-araw.” Para kay Ella ay wala siyang naririnig sa sinasabi ni Christoper. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, habang walang tigil ang pagtawag ng binata sa kaniyang pangalan. “Ella! Wait for me.” Ngunit, isang nakapanlolokong ngiti ang iginanti ni Ella. Kasabay nang mabilis na pagtakbo nito palayo sa kaniyang kaibigan. *** HANGGANG ngayon ay nalilito pa rin si Lance, kung sa sang-ayunan ba niya ang sinabi ni Nico? For the past three years, buo na ang naging desisyon niya para kalimutan pa ang babaeng, naging bahagi noon ng puso nʼya. Higit sa lahat ang taong pinagkatiwalaan niya na si Timothy Alvino. “Ano pa bang dahilan, para makipagkita sa babaeng sumira ng buhay ko?” Kasunod nang pag-inom niya ng wine, na tila may galit ang kaniyang ipinahihiwatig. Pabagsak niyang inilapag ang hawak nitong baso sa executive table. Kasabay nang paghila niya sa drawer na naglalaman ng ilang litrato nila ni Criselle. Halos mapunit sa pagkakahawak ni Lance ang mga larawan nilang dalawa. Napansin din niya ang pendant na nagsilbing pangako niya sa dalaga. Isang pendant na walang papalit o hahadlang sa kanilang pagmamahalan. Maingat niya itong kinuha sa small red box. Subalit, bigla na lang nagbago ang kaniyang mga alaala. Pagbabago na napapalitan nang pagkamuhi o, galit sa kaniyang puso. Mabilis niyang inihagis ang pendant na kanina lang ay maingat niyang kinuha sa drawer. “If we meet again, I'll make sure you never break my heart again.” Tumayo siya at isa-isang kinuha ang ilang litrato na nalaglag mula sa pagkakahawak nito kanina. Saka niya walang pag-aalinlangan na itinapon sa isang black trash bin. Kinuha rin niya ang kaniyang telepono. At kaagad nagpadala ng mensahe sa kaniyang kaibigan na si Nico. “Iʼll be there in ten minutes.” Sabay pag-off nito ng telepono. At paglisan sa loob ng kaniyang opisina. Samantala, nang matanggap ni Nico ang message ng kaniyang kaibigan. Tanging ngiti na lamang ang sumilay sa kaniyang mga labi. Pakiramdam niya ay mas makakatulong ito sa kaniyang kaibigan. Upang malaman ang dahilan kung bakit mas piniling mahalin ni Criselle ang kaibigan nilang si Timothy? Dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagkagalit ni Lance sa pinagkatiwalaan niyang kaibigan? “Bro, where are you?” tanong ni Nico. Nang mag-send muli ito ng mensahe para sa kaibigan. Subalit, walang kahit na anong sagot si Lance? At ang cellphone nito ay hindi matawagan. It almost thirty minutes, na nang huli itong mag-send sa kaniya ng messages. But until now, wala pa rin siyang na-re-recieved mula sa kaibigan. Natanaw na rin niya sa ʼdi kalayuan si Criselle, na nakaupo sa pina-reserved nitong dinner, para sa dalawa. Halos nakailang ikot na siya sa kaniyang kinatatayuan. Pero, walang Lance Sebastian ang nagpakita sa kaniya. Napahawak si Nico sa kaniyang noo, dahilan sa malalim niyang pag-iisip. “My god, bro!”pag-aalala niyang wika, na tila hindi mapalagay. Muli siyang nag-dial ng numero, para siguraduhin kung nasaan ang kaibigan. Pero, nang tawagan niya ito ay out of coverage area, lamang ang tanging sumasagot sa kaniyang tawag. “F*ck!” pagmumurang sambit ni Nico. Sa halip na isipin kung saan naroroon ang kaibigan. Minabuti niyang puntahan si Criselle. Alam nang babae na siya ang nagpa-reserved para sa dinner date, dapat ng kaibigan. “Hi, Criselle. Long time no see. How are you?” ngiting bati ni Nico, sa itinuring na rin niyang kaibigan. Napansin ni Nico ang hindi mapakaling mga mata ni Criselle. Tila alam na niya kung sino ang hinahanap nito? “He-hello, Nico. I am always fine. So, where is he?” mautal-utal pang sambit ni Criselle. “I think, papunta na sʼya.” Sabay tingin ni Nico sa kaniyang smart watch. “Nico . . . Alam kong mahirap para kay Lance na makipagkita sʼya sa akin. But, thank you, dahil ginawan mo pa rin nang paraan para magkita muli kami.” “Honestly, I just want to make his happy. Kaya ko ito ginagawa.” Nakita niya ang malungkot na mga mata ni Criselle. Kaya naman marahan niyang hinawakan ang mga kamay nito. “Maybe, soon. Mapapatawad ka ni Lance, kung bakit mo nagawa ang mga bagay na iyon?” “You know, how much I love him? Kaya ko lang pinili si Timothy, dahil sa pangakong tutulungan niya ang aking ama.” “Bigyan mo lang sʼya nang oras. And after that, pʼwede na ulit kayong magsimula.” “Sana lang talaga, Nico. Mapatawad nʼya rin ako.” Bahagyang yumakap nang sandali si Criselle sa kaibigan. Kasabay nang pagpalis ng luha sa kaniyang mga mata. Matapos ang pag-uusap nilang dalawa. Natanaw ni Nico, sa ʼdi kalayuan ang sasakyan na pag-aari ni Lance. Napakunot pa ang noo niya, dahil sa bumabagabag niyang isipan. Saka siya nagpasʼyang nagpaalam kay Criselle. “I am sorry, Criselle. But I need to go home,” wika ni Nico. Habang nagmamadali niyang nilisan ang restaurant. Subalit, sa kaniyang paglabas ay isang matalim na tingin ang iginawad sa kaniya ni Lance. Tila mapunit na ang suot niyang damit, dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Lance. “How dare you?!” nanggagalaiting tanong ni Lance. “Bro, listen to me. Kung ano man ang nakita mo, wala iyon?” “I don't care, kahit ano pa ang gawin ninyong dalawa? Pero, ang mag-desisyon sa buhay ko— iyon ang mali!” “Lance, kailangan ka nʼya. At kailangan mong makinig sa paliwanag nʼya.” “For what?! Para bilugin ang ulo ko. Tama na! Malaki na ang naging kasalanan nʼya sa akin. Hindi ko na maibabalik pa ang dating ako— Nico!” Saka niya binitawan ang pagkakahawak sa damit ng kaniyang kaibigan. “Don't trust her!” galit na wika ni Lance. Kasunod nang pagsakay nito sa kaniyang Blue Ford Raptor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD