Chapter 12

1250 Words
GANOʼN na lamang ang pagkabigla ni Lance nang halikan siya ng dalaga. Kasunod nang paghawak niya sa magandang hugis ng baywang ni Ella. “What's wrong with her,” may pagtataka niyang wika sa kaniyang isipan. Kunot noo siyang napatingin sa dalaga. Habang magkalapat ang kanilang mga labi sa isa't isa. Ngunit tila ang dampi ng halik nito ay hindi man lang niya kayang ilayo. Napapaso siya sa sensasyon na idinudulot nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay sandaling huminto ang oras. Kasabay nang isang musikang bigla na lamang niyang narinig. “Ikaw mula noon . . . Ikaw mula ngayon . . .” Hindi niya alam kung bakit sa huling liriko nito ay tila bumilis ang t***k ng dibdib niya? Mabilis niya itong inilayo sa kaniya, na ikinabigla naman ng dalaga. Hanggang sa nagtama ang kanilang mga matang may ibig pakahulugan sa isa't isa. Nakita niya ang pagkagat ng gilid ng labi nito. Na mas lalong ikinakunot ng noo niya. “What the hell are you doing?!” inis na tanong ni Lance. Habang hindi niya maalis ang pagtitig nito sa mga mata ni Ella. “S-sorry, hindi ko sinasadya. M-muntikan na k-kasi akong—” Napahinto si Ella sa pagsasalita. Nang mahigpit hawakan ng binata, ang pulsuhan ng kaniyang kaliwang kamay. “Oh, really. Kaya pala nagawa mo akong halikan sa gitna ng maraming tao.” Matalim na tingin ni Lance sa dalaga. “N-nagkakamali ka sa iniisip mo.” Halos mapansin ni Ella ang dami nang taong nakamasid sa kanilang dalawa. Naiisip niya ay para ba silang nasa isang drama, na gumaganap sa isang serye? Mabilis niyang iniwaksi ang pagkakahawak nito sa kaniyang pulsuhan. “Kung ano man ang naiisip mo, nagkakamali ka?!” sigaw ng dalaga na ikinapula ng pisngi nito. “Wala naman akong sinabi. And besides, Hindi ko nga inaasahan na magkikita muli tayo.” Nakangiti nitong sambit sa dalaga. “Ah, ganoʼn ba?” wika ni Ella. Kasabay nang pagbabago nito ng expression. “Me too, hindi ko inaasahan na makita ka. Ang malas nga nang araw ko ngayon, kung alam mo lang.” Matapos sabihin ang mga katagang iyon. Dali-dali siyang nagtungo sa dalawang babaeng nag-uusap. “Paʼno ba ʼyan? Nagawa ko na ang pinagagawa nʼyo sa akin. Eh, ʼdi makukuha ko na ang prize, na nararapat sa akin?” “Are you really sure, na boyfriends mo ang lalaking ʼyon?” “Oo, naman hindi niyo ba nakita ang expression, ng mukha nʼya? Nabigla nga siya sa ginawa ko. Sige na ibigay niyo na sa akin ang premyo ko.” “Ka-badtrip, naman natalo pa kami sa pustahan, tsk.” Hindi makapaniwala si Ella sa kaniyang ginawa. Pinagsawalang bahala na lamang niya ang mga titig ng ibang taong nanonood sa court. Nawala na rin sa kaniyang paningin ang lalaking kanina lang ay nasa gitna ng basketball court nito. Tanging babaeng nagsasalita na lamang at ilang naglalaro, ang kaniyang nakikita. “Naku, sana lang ay hindi na maglandas ang kapalaran naming dalawa. At mabuti na lang umalis na ang lalaking ʼyon. Baka isipin pa noʼn— pinagkaperahan ko sʼya.” Natapos man ang Liga ng Barangay, ay hindi na nagpakita pa si Ella. Bagkus ay dumeretso na lamang siya sa palengke para bumili ng ilang stocks sa bahay nito. Naisipan din niya ang bumili ng ilang karne sa gagawin niyang bagong business. Lalo na't mabili at a long the highway lang ang kaniyang inuupahang bahay. “Manong, magkano ang kilo ng karne nʼyo?” “Ano baʼng klaseng karne ang bibilhin mo? Dalawang klase kasi ito. Isang baboy at baka. Alin dito sa dalawa?” wika ng matanda sa kaniya. “Ah, gano'n po ba? Heto, na lang pong baboy. Iyong laman po, tapos samahan nʼyo na rin ng laman loob. Siguro mga kalahating kilo ng bulaklak at bituka. Tapos tainga at kalahating kilong taba.” Halos matawa ang matanda sa sunod-sunod na pagturo ni Ella sa kaniyang mga bibilhin. “Sa palagay ko ay magtitinda ka ng inihaw. Tama ba ako?” Tanging ngiti na lamang ng dalaga ang kaniyang iginanti. “Ito po ang bayad ko, Manong.” Pag-abot niya ng bayad sa matanda. Dumeretso naman siya sa tindahan ng manok. “Ate, pabili naman ako ng bituka at dugo. Tapos samahan mo na rin ng paa ng manok. “S-sige, ilang kilo ba ang kailangan mo?” “Mga tig-kalahati lamang, baka kasi ay hindi maubos.” Matapos niyang mabili ang mga kailangan niya. Nagtungo naman siya sa tindahan ng uling. Bumili na rin siya ng tindagan at ilang gagamitin niyang sakap sa paggawa ng inihaw. Halos tagaktak na ang pawis sa kaniyang leeg. Ramdam kasi niya ang init at bigat ng mga bitbitin niyang paninda. “Ang hirap talaga ng buhay. Pero mas mahirap naman ang buhay ko noong nasa lansangan pa ako.” Naalala niya ang lalaking tumulong sa kaniya. Kahit man ayaw na niya itong makita pa, ay may kung anong kirot naman siyang nararamdaman? Gusto niyang magpasalamat sa binata. Subalit sa kapangahasan niyang ginawa ay malabo na iyon mangyari pa. At ang tanging hiling niya ay sana hindi na maglandas pa ang kanilang tadhana. Kahit na sa isip niya ay may utang na loob siya sa lalaki. Napatigil siya sa lalaking nagtitinda ng palamig. Iba't ibang flavor kasi ang kaniyang nasisilayan. Pinili niya ang buko with milk na may halong nata. “Ito ang bayad ko, kuya,” wika ni Ella nang iabot ang barya. Dumaan muna siya sa grocery store. Namili siya ng kaunting pandagdag sa kaniyang paninda. Doon na lamang niya isasabit sa kaniyang bintana. “Ang sikip naman sa store, na ʼto. N-na s-saan ba ang mga mantika rito?” Nagulat siya nang isang lalaki ang bumati sa kaniya. “Hello, miss. Anong hinahanap mo?” “Ikaw ba ang nag-ha-handle rito? Naghahanap kasi ako ng mantika. P-pero parang wala naman.” “Miss, nasa kabilang side po ang mga mantika. Kung gusto mo, umikot ka na lang sa kabila.” “S-salamat, kung ganoʼn.” Hindi pa man siya nakalalayo ay narinig na niya ang bulungan ng ibang kalalakihan. “Pare,ang ganda niya at ang sexy pa. Ligawan mo kaya.” “Kaya pa naman ako sagutin ʼyan. Isa pa, baka may nobyo na rin sʼya,” aniya ng isang lalaki. “Si-sige, ako ang magtatanong nang sa ganoʼn ay malaman natin kung may nobyo na ba sʼya?” Nahihiya pang lumapit ang binata. Habang unti-unti siyang lumalapit sa dalaga. “Miss, p-pwede ba magtanong?” wika ng lalaking may ngiti sa mga labi nito. Napalingon naman si Ella sa binata. At agad niya itong sinagot. “Ano ba ang itatanong mo?” Sabay taas ng kaliwang kilay ng dalaga. Halos mamula sa kahihiyan ang lalaki. Pakiramdam niya ay may pagkamataray ang dalaga. Subalit, kaagad naman napangiti ito sa kaniya. “Akala ko ba may itatanong ka?” “ Ka-kasi pinasasabi noong kasama ko kung may nobyo ka na raw ba?” “Ha? Sino?” mabilis na tugon ni Ella. “Wala akong panahon sa kahit sinong lalaki, kaya pasensʼya na. Stop hiring ang puso ko.” Sabay pagtalikod ni Ella. At mabilis nitong pag-alis. “Ang mga lalaki talaga. Walang kasiyahan sa buhay,” aniya ni Ella, habang dala ang ilang pinamili nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD