HALOS pasasalamat ang naging dasal ni Ella. Kung hindi dahil sa lalaking iyon ay hindi siya makakapagsimula ng bagong buhay. Isang maliit na kʼwarto ang kaniyang kinuha. Masaya siya dahil sa wakas ay matatapos na rin ang kaniyang paghihirap sa lansangan.
“Sa wakas nakahiga rin ako sa malambot na kamang ito,” wika ni Ella. Habang itinataas pa ang kaniyang mga kamay. Tila ba ang puting kisame na kaniyang nakikita ay sumisimbolo sa liwanag ng bago niyang buhay.
Isang malalim na paghikab ang kaniyang pinakawalan. Pakiramdam niya ay dumadaloy ang antok sa kaniyang mga mata. Mabilis niyang natakpan ang kaniyang bibig. Saka siya marahan na pumikit.
“Panaginip ba ʼto? Ilang ulit na pagtapik niya sa kaniyang pisngi. Kinurot-kurot pa niya ito na para siyang isang bata. “Hindi nga ako nanaginip. Tunay nga ang nararamdaman ko.”
Minabuti ni Ella ang magtungo sa banyo. Marahan pa niyang pinihit ang pinto. Hanggang sa makita niya ang simpleng ganda nito.
“S-sandali, ano ba ʼto?” tanong ni Ella sa sarili. Habang tinititigan ang katapat ng fauset nito sa itaas.
“M-may tubig bang lumalabas dito?” Haplos niya sa shower na tila hindi niya alam kung paano gamitin. “Kainis naman, oh. Bakit ba nagkaroon pa nito? P-paano ako ngayon maliligo? Kahit nga timba o, tabo wala man lang,” inis niyang sabi sa kaniyang sarili.
Sa halip na pagtuunan niyang pansin ang shower. Minabuti na lang niyang lumabas, para bumili nang ilang gamit sa kaniyang inuupahan. Dali-dali niyang isinuot ang kaniyang tsinelas. At kinuha ang plastic bag na maaari niyang paglagyan.
“Maganda ito para hindi na ako bibili pa sa palengke.” Pagtaas nito sa plastic bag, na kaniyang hawak.
Sa kaniyang paglabas ay isang matandang babae ang kaniyang nasilayan. Kumakaway pa ang kanang kamay nito sa kaniya. At nakangising nakatitig sa kabuuan ng kaniyang katawan. Mabilis niyang ini-lock ang pinto, para gumanting bati rin sa matanda.
“H-hello,” mahinang wika ni Ella sa matanda.
Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“Siya ang magbibigay ligaya at pagbabago sa buhay mo. Kaya naman mahalin mo sʼya at pakaingatan.”
Napataas ang gilid ng labi ni Ella. “Nanay, wala po akong kasintahan at higit sa lahat wala po akong balak na makipagrelasyon sa kahit kanino man.”
“Hija, papunta ka pa lang . . . pabalik na ako.” Sabay paglapat ng kamay ng matanda sa dibdib ni Ella.
“Hindi po ako interesado sa kahit sinong lalaki. Isa pa mas iisipin ko pa ang pang-araw-araw na buhay. Kaysa sa mga lalaking tanging sakit lamang ng ulo ang ibibigay sa akin.”
“Basta isa lang ang masasabi ko. Malapit lang sʼya sa ʼyo at natitiyak kong pagtatagpuin muli kayo ng tadhana.”
Napakamot ng ulo ang dalaga. Kasunod nang pagsang-ayon nito sa matanda.
“Nanay, kung sino man sʼya? Natitiyak kong hindi siya magtatagal sa isang tulad ko.”
Napatawa ang matanda. Sabay haplos nito sa mukha ni Ella. “ Huwag mong pangunahan ang panahon. Natitiyak kong sʼya ang unang gagawa nang hakbang para magkita kayo.”
“Ano pa man ang hula nʼyo? Siguradong imposibleng mangyari ʼyon,” wika ng dalaga. Habang abalang inaayos nito ang dala niyang plastic bag.
“Paniwalaan mo, hija. Sapagkat ngayong araw may bagay kang hindi mo inaasahan.”
“Sige na po, aalis na po ako. At marami pa po akong dapat bilhin sa palengke.”
“Mag-iingat ka . . .” ngiting sabi ng matanda.
Narating ni Ella ang kantuhan mula sa inuupahan niyang bahay. Ilang jeepney, na rin ang dumaan. Subalit kahit isa ay hindi siya makasakay. Palaging puno o, kaya saktuhan lang ang nasa loob. Katulad din ng trysikel na wala nang mapagsiksikan.
“Kanina pa ako rito. Bakit wala man lang ako masakyan? Nagugutom na tuloy ako sa kahihintay.” Sabay dampi ni Ella sa sumasakit niyang tiyan.
Ilang sandali pa ay isang dyip, ang tumigil sa kaniyang tapat. Kaagad siyang sumakay at naupo sa malapit na pintuan ng dyip. Sabay abot ng bayad niya ng halagang sampung piso.
“Bayad nga po,” wika ni Ella sa isang babae.
Nang maabot ng driver, ang bayad ng dalaga. Nagtanong pa ito kung saan ang tungo nito.
“Miss, saan ang punta nʼyo?”
“Sa palengke lang ako, Manong. Pakibaba na lang po ako roon.”
Makalipas ang ilang minuto narating niya ang palengke ng Divisoria sa Maynila. Kahit saan siya pumaling nang tingin ay ibaʼt ibang mga damit sapatos o, uri ng kagamitan ang kaniyang nakikita.
Mabuti na lang at plastic bag lang ang kaniyang dala. Lalo naʼt sa ganitong lugar madalas ang nakawan. Una niyang pinuntahan ang tindahan ng mga baso. Iba-iba ang mga kulay nito at tekstura ng pagkakagawa nito. Napili niya ang tasang maaari niyang gamitin tuwing umaga. May pagka-asul ang kulay nito na may disenyo sa bawat gilid nito. Kumuha rin siya ng babasagin na may kasamang lagayan. Bumili rin siya ng pinggan at ilang kutsara na kaniyang gagamitin.
“Ang mura naman po ng mga tinda nʼyo,” wika ni Ella sa tindera.
“Oo, miss. Mura lang talaga rito sa akin. Sa katunayan nga nagbaba pa ako ng presyo, para mas mabili ang paninda ko.”
“Kaya pala mura at maraming nabili sa inyo.”
Tila matuwa ang nararamdaman ng babae para sa dalaga. Ang dami kasi nitong nabili sa kaniyang paninda. Kaya naman isang libre kaldero ang ibinigay sa kaniya.
“Heto, sa iyo na lang. Ang dami mo kasing nabili sa aking paninda. Kaya libre na lang ang kaldero na ito.”
Nakangiting tinanggap ni Ella ang libreng gamit na ibinigay sa kaniya.
“S-salamat ng marami. At dahil sa inyo naka-less ako sa mga nabili kong gamit.”
Umalis na si Ella at nagtungo naman sa kalapit nitong tindahan. Napukaw ang tingin niya sa mga kurtinang may iba't ibang disenyo.
“Bagay na bagay ito sa bintana ng inuupahan ko.”
Napansin naman siya ng tindera kaya binati siya nito. “Miss, bagay na bagay talaga iyan. Bagong kuha lang namin sa aming supplier. Isa pa iyan ang unang labas ngayon. Kaya sige na, bumili ka na.”
“Magkano ba ang kurtina nʼyo?” tanong ni Ella.
“Mura lang at naka-sale kami ngayon. Tatlo . . . isang daan lang, miss.”
“Talaga ba! Bilhin ko na ang tatlo. Basta kulay asul ang gusto ko.”
“Ikaw ang bahala.” Inilagay muna ng babae ang nabiling kurtina ni Ella sa maliit nitong plastik at saka iniabot sa dalaga. “Balik ka ulit, miss.”
Nagpaalam na ang dalaga matapos siyang makabili sa babae. Nagpaikot-ikot pa siya sa lugar ng divisoria. May mga nagsabit na kung ano-anong palamuti.
“Nalalapit na ang pasko. Kaya siguro marami-rami na ang nagbenbenta ng mga parol.”
Napadpad naman siya sa mga tindahan ng mga damit. May mga underwear at kung anong kasuotan na maaari niyang bilhin.
Napili niya ang trouser na pants na may ka-partner na blouse, kulay kayumangi ito na halos bumagay sa skin tone, ng kaniyang balat. Madalas kasi niya itong makita sa mga kababaihan.
“Wow! Ate . . .” sambit ng babae na tila gandang-ganda sa kaniya. “Bagay na bagay sa ʼyo ang damit na suot mo. Iyan ang nauusong kasuotan ngayon. Tama lang sa sukat ng katawan mo.”
Umikot pa nang ilang beses si Ella. “Sige ito na lang ang bibilhin ko. At isa pa pwede baʼng hindi ko na hubarin ito?” ngiting wika ni Ella.
“Okay, lang binayaran mo naman ʼyan, eh.”
Nang mabili ni Ella ang lahat ng kaniyang mga kailangan. Naisipan niyang magpunta sa simbahan. Pasasalamat na rin sa simpleng pagbabago ng kaniyang buhay. Dagsa man ang dami ng mga tao. May halong ngiti pa rin ang makikita sa kaniyang mga labi. Una niyang pinuntahan ay ang pagtitirik ng kandila. Gaya nang nakagawian ng iba. Ganoʼn din ang kaniyang ginawa. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Habang taimtim na nanalangin sa harap nito. Sa palagay niya ay hindi na mabilang kung ilan ang kaniyang mga hiniling at pasasalamat. Basta ang mahalaga ay nakaligtas siya sa bangungot na kaniyang pinagdaanan.
“Amen,” huling katagang lumabas sa kaniyang bibig.
Imumulat na sana nito ang kaniyang mga mata. Nang isang baritonong boses ang narinig niya mula sa kaniyang likod. May kalapitan ito sa kaniyang tainga. Kaya naman bawat salitang lumalabas sa lalaki ay kaniyang naririnig. Gusto na sana ni Ella na umalis sa kaniyang kinatatayuan. Subalit dahil sa dami ng tao sa kaniyang likuran ay tila lalong nasisiksik siya ng mga ito. Ramdam niya ang paglapat ng kaniyang likod sa malapad na dibdib ng lalaki. Hindi niya alam kung sino ito. Pero batid niya ang bilis nang pintig ng puso nito. Na sumasabay rin sa kaba na kaniyang nararamdaman.
“Paano na ito?” bulong ni Ella sa kaniyang sarili. Wala siyang choice, kundi bumaling ng harap sa lalaking nasa kaniyang likuran.
“E-excuse me,” sambit ng dalaga.
Sa hindi inaasahan nailapat nito ang kaniyang kaliwang kamay sa dibdib ng binata. Tila ba walang pagkilos itong nakatindig lamang sa kanʼya. Hanggang sa maramdaman ni Ella ang marahang paghawak nito sa kaniyang baywang.
“Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ʼto. May paghawak pa sʼya sa baywang ko,” bulaslas ni Ella sa kaniyang isipan.
Walang pag-aalinlangan niya itong naitulak. Kasabay nang pagtataka nang ilang mga tao sa kaniyang ginawa. Napansin niya ang pagsimangot ng mga ito. At ang matalim na ipinukol sa kaniya ng binata.
“What the hell are you doing?” kunot noong sambit ng lalaki.
“Hoy! Kunwari ka pa sa ginawa mo. Eh, halos yakapin mo na ako!”
“Iʼm sorry, hindi ko sinasadya. Marami kasing tao at pansin kong nahihirapan ka,” pagpapaliwang nito sa dalaga.
Pansin niya ang bulungan ng mga taong hindi maalis ang tingin sa kanilang dalawa.
“Bakit dito pa sila nag-aaway? Nakakahiya . . .” wika ng matanda sa kasama nitong babae.
“Nasa simbahan pa naman sila,” sagot ng babae.
Walang pakialam si Ella, kaya isang malakas na sigaw ang iginanti nito sa binata.
“Manyakis!”
“Hey! Can you please—” Hindi maituloy nitong sasabihin nang magsalita ang dalaga.
“Huwag mo ko ma-please o, ma-english. Isa kang manyakis!”
Napataas ang gilid ng labi nito. Saka gumanti ng salita. “Kapag hindi ka tumigil hahalikan talaga kita.”
“S-subukan mo! Kung ayaw mong maghalo ang balat sa tinalupan mo!”
“What do you mean?” galit nitong sambit. Kasunod nang paghawak nito sa pulsuhan ng dalaga.
Magsasalita na sana si Ella, nang isang security guard ang pumigil sa sagutan nilang dalawa.
“Pasensʼya na po. Mag-asawa po ba kayong dalawa?”
Sabay na napasagot ang dalawa. “Hindi!” wika ng dalawang nag-aaway.
“Ah, ibig sabihin magkasintahan kayong dalawa.”
“Ano ka ba?! Mas lalong hindi ko iyan kasintahan. Tingnan mo nga, oh! Kahit sinong babae mapagkakamalan iyan na manyakis.”
“Stop and listen to me, miss.”
“Oh, tingnan mo ang galing nʼya mag-english.” Pangduduro ng daliri ni Ella sa binata.
“Kasalanan ko ba, kung hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko.”
Tila mainis na ang security guard, sa kanilang dalawa. “Pakiusap, sa labas na kayo mag-away at hindi rito sa loob ng simabahan.”
“Oo, ako na ang aalis, tsk.”
Napansin ni Ella ang pamilyar na mukha ng lalaki. Tila ba ito ang lalaking na sa hinagap-hagap ay ayaw na niyang makita pa kahit kailan.
“Hmp . . . Sa palagay ko hindi niya ako nakilala. Sabagay ang dumi ko naman kasi noon. Hayst, mabuti nga iyon sa kanʼya. Hindi ko akalain na ganoʼn ang ugali nʼya.”
Ang mga titig ni Lance sa kaniya ay hindi maalis-alis. Pakiramdam nito ay matagal na niyang kilala ang babae. Hindi niya maalala kung saan? Ngunit ang pintig ng kaniyang puso ay ʼdi niya mapigilan. Napagpasyahan na lang niya ang sumakay sa kaniyang Ford Raptor na sasakyan. Habang nasisilayan niya ang galit na galit na mukha ng dalaga. Tanging ngiti na lamang ang kaniyang pinakawalan.