"ABNORMAL na lalaking ʼyon! Anoʼng palagay nʼya sa akin? Isang babaeng basta-basta na lang, tsk." Nakahalumbaba niyang wika sa may bintana. “Kapag nakita ko talaga muli ang lalaking ʼyon. Naku! Magsisisi sʼya talaga sa akin. Titirisin at pipigain ko sʼya . . . hanggang siya ay mamatay!"
Subalit nagulantang siya nang dumating ang may-ari ng inuupahan niyang bahay.
“Ella, sinong kausap mo? M-may kaaway ka ba?” pag-aalala nitong wika.
“N-naku . . . w-wala po,” mautal-utal na sambit ng dalaga.
“Eh, sinoʼng naririnig kong kausap mo?”
“Kinakausap ko lang po ang sarili ko. Lalo naʼt mag-iisip na naman ako nang bagong hanapbuhay bukas,” pagdadahilan naman ng dalaga.
“Ang sipag mo talagang bata ka . . . Kaya nga pala ako nagpunta rito ay para ipaalam sa ʼyo na may darating na liga sa ating baranggay. Gusto ko sanang maging muse, ka sa mga maglalaro.”
“Naku! Aling Belen. Wala akong alam sa mga liga ng mga manlalaro. Saka ayoko rin na maraming lalaking nakatingin sa akin.”
“Nakapanghihinayang naman kung hindi ka sasali. Ang ganda mo pa naman. Sabi kasi ng ibang kabataan, eh. Sayang kung hindi ikaw ang magiging muse nila.”
May pagtataka sa isipan ni Ella. Unang-una ay wala naman ibang tao na maaaring makakilala sa kanʼya.
“At bakit naman po ako ang napili? Eh, never, naman po akong sumali sa kahit na anong paligsahan.”
Napabuntong hininga na lang si Aling Belen. “Marami kasing kabataan ang nakapansin sa ʼyong kagandahan. Tila ba nabibighani sila sa ganda mo.”
“Aling Belen, lalaki po ako at hindi babae,” pagkukunwari ni Ella.
“Ella, huwag ka na magkunwari pa. Hindi mo ako madadala sa iyong pagdadahilan. Sige na, sumali ka na at minsan lang naman iyon,” pangungumbinsi ni Aling Belen.
“Pag-iisipan ko Aling Belen. Ang dami ko kasing dapat unahin. Balak ko kasing magtinda ng inihaw, para naman umikot ang natitira kong nakatagong pera.”
“Aba! Ayos ʼyon kung ganoʼn. Pero pag-isipan mo pa rin kasi minsan lang naman ito.”
I never expect, na ganoʼn na lamang ang pakikitungo sa akin ni Aling Belen. Napakabait niyang tao. Minsan iniisip ko ano kaya kung nabubuhay pa ang magulang ko?
Minabuti ko na lang ang tumayo. Sumasakit na rin kasi ang mga balakang ko sa pagkakaupo. Kinuha ko ang thermos, na pinaglagyan ko ng mainit na tubig. Saka ako nagtimpla ng kape. May natira pa naman akong tinapay na toasted bread. Kaya ito na lang muna ang aking kakainin.
Napansin ko ang isang libro na nakapatong sa kabilang lamesa. Naisip ko na naiwan ito ni Aling Belen sa pagmamadali nitong umalis.
“Ano baʼng libro ʼto?” Binasa muna niya saka nito binuklat. “Me before you by Jojo Moyes”
Sa unang pahina pa lang ay tila nagustuhan na ni Ella ang bawat nakapayag sa loob. “Tatapusin ko itong nobela sa mga susunod na araw. Sa ngayon itatago muna kita. At tiyak na hahanapin ito ni Aling Belen.”
Dali-dali ni Ella na isinuksok ito sa ilang nakatagong damit nito sa cabinet. Batid niya na kahit hindi pa natatapos ang nobela na kaniyang binabasa ay magiging maganda ang ending nito.
“Me before you . . .” bulong niyang sambit sa sarili. Napahawak pa ang kaniyang kamay sa baywang nito. Sabay pagsandal sa lamesang kanina lang ay nakaharap sa kanʼya.
“Hindi ako makapaniwala na may mga taong sumusulat ng ganoong love story. Isa pa ang lalawak talaga ng mga imagination, nila. Pero ako wala talagang swerte sa love life. Eh, sino ba naman ang magkakagusto sa akin? Eh, ʼdi ba wala!” Pagsenyas pa ng dalawa nitong mga kamay. “Kaya isa lang ang masasabi ko. No love life, hanggang hindi ka nauutas.”
Matapos niyang sambitin ang mga katagang nagmula sa kaniyang mga labi. Dinampot niya ang sling bag at mabilis na lumabas ng bahay. Kailangan kasi niyang magpunta ng palengke. Dahil sa negosyo na gusto niyang simulan. Subalit para kay Ella ay hindi siya kayang iwasan ng kamalasan.
“Hoy! Hindi ka ba marunong magmaneho?!”
Halos basang-basa ang damit ni Ella dahil sa tilamsik ng tubig sa kalsada.
“Paano na lang ako mamalengke nito? Nakakainis! Kung sino man ang lalaking iyon malasin sana sʼya ngayon.”
Minabuti na lang ni Ella ang bumalik sa kaniyang bahay. Nawalan na rin siya nang ganang pumunta sa palengke. Lalo naʼt basang-basa ang kaniyang damit. At ilang putik na dumikit sa kaniyang kasuotan.
***
I ALMOST speeded the car I was driving. Furthermore, I never thought Nico would do that to me after I lost our game.
“The game is over,” he said. Natatawa pa nitong biro kay Lance sa kabilang linya ng telepono.
Hindi talaga siya mananalo pagdating sa pabilisan ng sasakyan kay Nico. Lalo naʼt may halong pandaraya ang ginagawa nito sa kaniya.
“You haven't really changed, Nico. You will truly do everything just to win the game.”
“Samahan mo kasi ng teknik para manalo ka,” birong banat nito kay Lance.
“Don't you know, na halos muntikan ko nang masagasaan ang babae sa daan. Mabuti nga't mabilis ko siyang naiwasan ng aking kotse.”
“So, how is she? Magand ba sʼya?” natatawang sambit ni Nico.
“Are you crazy, bro? Paano ko pa makikita ang buong mukha nʼya, eh halos lahat ng buhok ay nasa unahan nito?”
Napuno ng tawanan sa isa't isa ang kanilang pag-uusap matapos banggitin iyon ni Lance. Batid ni Lance na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang kalimutan ang babaeng nakilala niya sa simbahan. Gusto sana niyang i-kwento iyon kay Nico. Subalit pagtatawanan lang siya nito kapag nalaman ang ginawa sa kanʼya ng dalaga. For the first time, lang niya makatagpo ng babaeng kaya siyang ipahiya sa lahat ng tao. Ganoon pa man tanggap niya sa sarili niya na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pinagkakatiwalaan na babae. Minsan na siyang nagmahal. Subalit ipinagpalit lang siya sa lalaking hindi niya akalain na lubos niyang pinagkatiwalaan noon. Si Timothy Alvino, dati niyang partnership sa isang negosyo. Ngunit kalaunan kukuhanin nito sa kaniya ang babaeng minsan ay hindi niya nagawang lokohin na si Crisel Camilo.
“Hey! Bro . . . Mamaya na lang tayo mag-usap kapag nagkita na tayo sa Devion Bar.”
Iyon na lamang ang huling narinig ni Lance. Nang mapagtanto niya ang katahimikan sa kaniyang sarili. Tila ba hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan si Crisel.
“For the past few years, bakit hindi ko magawang mawala ka sa isip ko?”
Itinigil niya ang kotse sa nanahimik na daan. Saka siya lumabas para damhin ang bawat ihip ng hangin. Tila ba ang kampay ng puno ay nagbibigay dampi ng lamig sa kaniyang katawan.
“Crisel . . . I hope you were happy with the person you chose over me,” tanging bulong na kaniyang pinakawalan sa hangin. Kasabay nang malalim na hiningang nagbibigay bigat sa kaniyang dibdib.
He leaned on the car. And he looked up at the sky. He never thought it was so hard to forget the past. A past that no one can ever fill. And He still remembers the last thing Crisel said before leaving him.
“I will never come back to you.”
A word that gave revenge in his heart. And hate that he will never love again. Hanggang ngayon ay pumapatak pa rin ang kaniyang mga luhang walang kasagutan. Tanong na kung bakit hindi siya ang pinili? Masakit man ngunit lahat iyon ay pinagdaanan niya. Sa kabila nang pagiging abala niya sa kaniyang negosyo. Minabuti na lang niya ang bumalik sa kotse. Saka niya ini-start ang sasakyan. Papalayo sa lugar na kung saan doon niya naaalala ang nakaraan.