Tahimik. Sobrang tahimik. Iyon ang unang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa double-door na pinto penthouse ni Dominique.
Pagkatapos ng emosyonal at patagong pagkikita namin ni Caleb sa foodcourt kanina, kung saan kulang na lang ay wag ko na siyang bitawan, ay inihatid na ako pabalik ng driver ni Dom.
Ibinaba ko ang ibinili sakin ni Dom na hand bag sa sofa. Lumingon ako sa paligid, at ngayon ko kang napagtanto na sobrang tahimik ng bahay na 'to. Ang kakaiba pa rito, walang kahit isang maid. Walang katulong na naglalakad, walang butler na nag-aabang. Ang tanging mga tauhan lang na nakikita ko ay ang mga bodyguard sa labas ng pinto at ang driver na naghatid sa akin.
Dom seemed like an extremely private person, someone who hated having other people lingering around his personal space.
Dahil wala naman akong ibang magawa at may halos isa't kalahating oras pa bago ang sinabi niyang curfew ko, naglakad-lakad ako para mag-explore.
Every corner was luxurious, like something straight out of an art gallery in New York. My steps eventually led me toward the kitchen.
And there, I was literally left stunned.
"Pucha... kusina pa ba 'to?" bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang hinahaplos ang makinis at mamahaling itim na marble countertop.
Ang mga appliances ay puro built-in sa dingding, may malaking oven na touchscreen, may high-tech na coffee maker, at mga cabinet na isang pindot mo lang ay dahan-dahang bumubukas nang walang kaingay-ingay.
Nang buksan ko ang malaking double-door refrigerator na gawa sa stainless steel, mas lalo akong napatulala.
Ang daming laman! Pero ang nakakapagtaka, puro ito mga mamahaling sangkap ang naroon, mga naka-vacuum pack na imported na karne, sari-saring sariwang gulay na parang kapipitas lang, mga imported cheese at mga sauce na hindi ko man lang mabasa ang tatak dahil mukhang galing pang Europe. Puro nakasalansan nang maayos, na para bang may dumarating na supplier linggo-linggo para lang punuin ito kahit hindi naman nagagalaw.
Tinitigan ko ang mga sariwang hiwa ng manok, ang mga saging na saba, patatas, repolyo, at ang tomato sauce na nakahilera sa ref. Biglang sumikip ang dibdib ko sa pangungulila.
Chicken Pochero.
Iyon ang paboritong ulam ng anak ko. Tuwing day-off ko o kapag may kaunting luwag ako sa pera noong nasa apartment pa kami malapit sa Red Street, iyon ang palaging niluluto ko para kay Caleb.
Ang munting mukha ng anak ko na punong-puno ng sarsa habang masayang kumakain ang biglang gumuhit sa isipan ko. I let out a deep sigh, weighed down by an overwhelming sense of longing.
At dahil na rin sa kagustuhang may mapagkaabalahan para hindi mabaliw sa lungkot, napangiti ako nang bahagya.
"Matesting nga kung gaano kasarap magluto gamit tong mga high-tech na kalan ng mga mayayaman," sabi ko sa sarili ko.
I rolled up the sleeves of my newly bought expensive tweed dress and grabbed an apron hanging by the side..
Mabilis at sanay ang aking mga kamay sa paghiwa ng mga gulay. At Illumina, I was known as an asset who did nothing but sit and look pretty, but inside my small apartment, I was a mother who was used to doing housework for her child. Kaya naman sa loob ng ilang minuto, umalingawngaw ang tunog ng naggigisang bawang at sibuyas sa tahimik at malamig na kusina ng penthouse.
Ipinasok ko ang lahat ng sangkap, ang manok, ang tomato sauce, ang chorizong nakuha ko rin sa loob ng ref na siyang magpapasarap sa sabaw, ang patatas, saging na saba, at ang mga sariwang gulay.
After a while, the entire luxurious, modern penthouse, once filled only with the scent of expensive air freshener and whiskey, was now wrapped in the rich aroma of freshly cooked food. Chicken Pochero. The scent of a real home.
Katatapos ko lang patayin ang high-tech na induction stove at isinalansan ko na ang pagkain sa isang malaking porcelain na mangkok nang biglang makarinig ako ng malakas na tunog ng pagbukas ng pinto sa sala.
Lumingon ako. Si Dominique.
Pumasok siya sa loob ng penthouse na medyo hingal, bahagyang gulo ang kaniyang buhok, at maluwag na ang necktie sa kaniyang leeg, halatang mabilis ang bawat pag hakbang niya papunta rito sa kusina.
Pero ang kaniyang mga hakbang ay biglang napatigil nang maamoy niya ang paligid. Nang magkatapat ang aming mga mata, walang kahit anong init o paghanga ang sumilay sa kaniya. Sa halip, isang matindi, malamig, at nag-aalab na galit ang namutawi sa madidilim niyang mga mata.
His jaw clenched so tightly that his teeth gritted audibly with tension. Imbes na matakot, pinilit kong panatilihin ang ngiti sa labi ko at bahagyang itinaas ang mangkok.
"Sakto ang dating mo, Hubby. Anyway, nakita ko kasing punong-puno ang ref mo kaya naisipan kong magluto ng Chicken Pochero. Masarap 'to, baka gusto mong-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mabilis at mabigat ang mga hakbang na lumapit sa akin si Dominique. Ang kaniyang malaking katawan ay tuluyang humarang sa liwanag ng kusina, binabalot ako ng kaniyang nakatatakot na presensya. Tiningnan niya ang niluto ko na nasa mangkok, bago ibinalik ang kaniyang mapanghamong tingin sa mukha ko.
Bago ko pa man maibaba ang mangkok sa lamesa, marahas na inagaw ni Dominique ang porcelain na mangkok mula sa mga kamay ko. At sa isang iglap, nang walang kahit anong pag-aalinlangan, diretsong itapon niya ito sa loob ng basurahan sa gilid ng cabinet.
Ang mainit na sabaw, ang mga maayos kong hiniwang gulay, at ang manok na pinaghirapan kong lutuin ay maruming humalo sa mga basura. Ang porcelain na mangkok naman ay nagka-crack pa nang tumama ito sa ilalim ng basurahan.
Napatigil ako. Ang hawak kong sandok ay unti-unting bumaba sa aking gilid. Literal na natigilan ang buong pagkatao ko sa ginawa niya. I was usually the type to fight back, the type who always had an answer for everything... but seeing the food being thrown away... ang pagkaing niluto ko nang may pagmamahal habang iniisip ang anak ko... doon ako tuluyang natigilan, natulala...
Lumapit sa akin si Dominique, halos isang pulgada na lang ang distansya ng kaniyang mukha sa akin. Nararamdaman ko ang kaniyang mabilis at mainit na paghinga, pati na ang matinding galit sa mukha niya.
"Sino ang nagbigay sa 'yo ng karapatang pakialaman ang kusina ko, Courtney?" mababa, mariin, at puno ng poot ang boses niya.
"I told you, this is a business contract. Huwag kang umasta na parang totoong asawa rito sa bahay ko. I don't need your cooking, and I definitely don't need you playing house with me."
Tinitigan ko siya. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa aking lalamunan, ang biglang pag-antala ng aking hininga. Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang saktan, gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano siya kawalang-pusong tao. Pero nanatili akong nakatitig sa kaniyang madidilim na mata.
"You are here for one purpose only, to show my grandfather and the public that you are my wife when I tell you to," pagpapatuloy niya ang bawat salita niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa pride ko.
"Don't touch anything in this house unless I say so. At huwag na huwag mo nang uulitin ang kalokohang ito."
Matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yun, marahas siyang tumalikod. Inihampas niya ang kaniyang coat sa sahig at mabilis na naglakad patungo sa kaniyang master bedroom, bago malakas na isinara ang pinto na lumikha ng isang napakalakas tunog sa buong penthouse.
Nang tuluyang mawala ang kaniyang presensya, doon lang ako napabuga ng hangin. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahan kong tinatanggal ang apron mula sa katawan ko. Tiningnan ko ang basurahan kung saan nakatapon ang niluto ko.
Nakatitig lang ako dito, tulala at unti-unting tumutulo ang mga luha sa mata ko na naglandas sa pisngi ko. Napakagat ako nang napakahigpit sa ibabang labi ko. Ramdam ang lasa ng sarili kong dugo dahil sa tindi ng pagpigil ko sa aking emosyon.
Ang sakit. Sobrang sakit na tratuhin ka na parang isang basurang walang silbi, na parang ang buong pagkatao mo ay nabibili lang dahil sa isang bilyon.
'Para kay Caleb...' paulit-ulit kong sinabi sa utak ko habang iniibsan ang hapdi sa puso ko.
'Courtney, isipin mo si Caleb. Isang taon lang 'to. Pagkatapos nito, may isang bilyon ka na para sa anak mo. Kayang-kaya mo 'to.'
Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin. At pagkabukas ko uli, unti-unting nawala ang luha ko. Gamit ang nga daliri ko ay mabilis kong pinunasan ang aking pisngi.
I turned to the reflection on the refrigerator door and forced a thin smile back onto my lips.
"Bwisit na Ravenzy 'yon" bulong ko sa sarili ko, "Akala mo naman kung sinong hari. Edi wag kang kumain, magutom ka riyan."
Hindi ko na nakuha pang linisin ang basurahan dahil sa inis ko sa kaniya. Naglakad ako patungo sa, nagpalit ng isang simpleng pantulog, at naglinis ng katawan. Pagkatapos kong maligo at masigurong mabango at maayos na ako, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng master bedroom.
I expected to see him there, lying down or reading, but Dominique wasn't inside the room. Ang kabilang bahagi ng king-sized bed ay napakalinis at hindi man lang nagulo.
I looked beneath the door of his study room, or private office. May kaunting liwanag na lumalabas doon... a proof that he was there and still working, deliberately avoiding being in the same space as me.
"Mabuti naman," saad ko sa sarili ko.
Humiga ako sa gilid ng kama, binalot ang sarili ko ng kumot, at ipinikit na lang ang mga mata ko...
Yari talaga siya sakin bukas!