Mabilis akong pumasok uli sa loob ng comfort room, sumandal sa pader, at hinayaang pumatak ang luha ko. Ang kaba ko ay unti-unting napalitan ng isang matinding pangungulila. Ang anak ko... ang lapit-lapit niya sa akin, pero hindi ko man lang siya pwedeng lapitan o hawakan dahil sa kontratang pinasukan ko.
Matapos kong punasan ang mukha ko at siguraduhing walang bakas ng luha, lumabas na ako at bumalik sa lamesa namin ni Dom. Nakaupo na siya roon, nag-aayos ng kaniyang relo.
"Ang tagal mo sa CR," puna niya nang makita akong maupo.
I forced my sassy, playful smile back on, ignoring the wild shaking of my knees. "Ganiyan talaga kapag maganda, Dom. Maraming inaayos sa mukha. anyway, mukhang tapos ka na rin namang kumain. May hihilingin sana ako."
"Ano 'yun?"
"May kikitain lang akong kaibigan sa malapit. Dito lang din sa mall," pagsisinungaling ko, habang pinapanatili ang matapang kong boses.
"Gusto ko lang magpaalam nang maayos dahil simula ngayon ay ikukulong mo na ako sa lungga mo. Pwede mo naman akong iwan dito, 'di ba? Magpapasundo na lang ako sa driver mo mamaya."
Tinitigan ako ni Dominique, tila nag-iisip. Pagkatapos ay tinignan niya ang kaniyang luxury watch. "Fine. My driver will stay here to watch over you. I need to head back to the Ravenzy Headquarters for an emergency board meeting. dynamic rules applied, Courtney-don't be late for your curfew. Babalikan ka ng driver ko sa loob ng dalawang oras."
"Salamat, Hubby. Napakabait mo namang asawa," pambubwisit ko pa,
Tumayo si Dominique, isinuot ang kaniyang coat, at naglakad palabas ng restaurant kasama ang kaniyang mga bodyguard. The moment his car cleared the driveway, hindi na ako nag-aksaya ng panahon.
Halos tumakbo ako sa loob ng lifestyle mall. Ang bawat hakbang ko ay puno ng pananabik at takot.
Nang makapasok ako sa maingay na foodcourt, agad kong nakita si Ate Tess na nakaupo sa isang sulok, habang si Caleb naman ay masayang kumakain ng kaniyang paboritong french fries.
"Caleb!" naging basag ang boses ko nang tawagin ko ang pangalan niya.
Nang mag-angat ng tingin ang anak ko at makita ako, agad na nagliwanag ang kaniyang munting mukha. Ibinaba niya ang kaniyang pagkain at tumakbo patungo sa akin nang nakabukas ang dalawang kamay.
"Mommy!"
Mabilis akong lumuhod sa sahig, walang pakialam kung marumihan ang mamahalin at bagong tweed dress na binili ni Dominique. Sinalubong ko ang yakap ng anak ko, binuhat ko siya nang napakahigpit, at isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang maliit na leeg habang tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Mommy, bakit ka po umiiya?" tanong ni Caleb sakin ng maibaba ko siya sa upuan, sa tabi ni Ate Tess.
"M-masaya lang si Mommy..." hikbi ko habang patuloy lang ako sa pag pupunas ng luha ko.
"Stop crying na mommy. Ahh, wait. Look mommy! i have a star!" masayang sabi ni Caleb sakin ng ipakita niya ang kamay niya sakin na may tig tatlong star, mukhang galing sila ngayon sa school.
"Nangulit sakin e, marami daw siyang star kaya dapat may reward daw siya. Ikaw naman kasi sinanay mo" natatawang sabi ni Ate Tess, kaya napangiti na lang rin ako.
"Thank you, Ate Tess. At sorry..." hikbi ko ulit kaya agad na hinaplos ni Ate Tess ang balikat ko.
"Para ka namang bago sakin Courtney, alam mo anak na ang turing ko sayo, itong si Caleb? para ko nga siyang apo" natatawa pang sabi ni Ate Tess na ikinangiti ko.
Nagkwentuhan pa kaming tatlo, sobrang daldal ni Caleb. Nakwento niya rin na may nakaharap siyang lalaki, at hindi daw niya alam bakit niya ito tinawag na daddy. Kahit ako napaisip bakit bigla nalang yun lumabas sa bibig ng anak ko kanina...
"Oh, yung bilin ni mommy ha? wag magpapasaway kay Lola Tess. Need na mag work ni mommy, okay?" mabigat man sa loob ko na bilinan ng ganito si Caleb ay tinatagan ko na lang ang sarili ko.
"Opo mommy! magpapakabait po ako. Mag aaral ako ng mabuti para po ma help ko na kayo, di na kayo mag wowork sa malayo, lagi na lang tayo mag kasama"
Hindi ko napigilan ang mapahikbi sa sinabi ng anak ko. Kahit nakangiti siya habang binibitawan ang mga salitang 'yon ay kita ko sa mga mata niya na gusto niyang maiyak.
Napakatapang ng anak ko kahit sa ganitong edad pa lang... lagi niyang iniisip ang mararamdaman ko, kaya pinag iisipan niya ang mga salita niya.
"Opo, wag kang mag alala baby... after nito hindi na mag wowork si mommy, palagi na tayong mag kasama... okay?" hikbi ko ulit hanggang sa tumulo na ang luha ko. Maging si Ate Tess ay naiyak na lang rin dahil samin mag ina.
"Mommy... mag iingat ka sa work mo ha? wag niyo po ako isipin mommy, okay po ako, andyan po si Yaya Tess, ikaw wala ka po kasama sa work mo..."
Dito na ako humagulgol, hindi ko na napigilan ang emosyon at sikip ng dibdib ko. Sobrang swerte ko sa anak ko... kahit pa limang taon pa lang siya ay nagpapakatatag na siya...
"Babawi si mommy baby ha? babawi si mommy" saad ko pa sakaniya at hinalikan siya sa ulo.
One year lang... at lagi na tayong mag kasama, Caleb... maaalagaan na kita ng maayos...