006

859 Words
Kinaumagahan, maaga kaming umalis ng penthouse. Gaya ng kaniyang sinabi, dinala niya ako sa isang exclusive at high-end na boutique sa Clark kung saan walang ibang tao kundi kami lang dahil ipinasara niya ito para sa amin. Doon ay tinanggal ko ang hikaw ko sa ilong-isang bagay na medyo nagpabago sa wild kong hitsura, ginawa akong mas mukhang inosente at malinis. They picked out clothes for me. All of them were respectable and elegant pieces, tweed dresses, mid-length skirts, and pastel-colored blazers that were fitted yet formal. After getting dressed and fixing my straight black hair, I stepped out of the dressing room. Nakita ko si Dominique na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng mga dokumento sa tablet niya. Nang marinig niya ang takong ko, nag-angat siya ng tingin. Napansin ko ang bahagyang pagkaantala ng kaniyang paghinga. He stared at me for a long three seconds. Ang dating Courtney na mukhang palaban sa club ay mukha na ngayong isang marangyang tagapagmana ng isang malaking kumpanya. "Is this dignified enough for you, Mr. Ravenzy?" hamon ko habang Tumikhim siya at mabilis na umiwas ng tingin. "It will do. Let's get lunch before I head back to the office." Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant sa isang sikat na open-air lifestyle mall sa loob pa rin ng Clark. Masarap ang pagkain, pero dahil seryoso at walang imik si Dom, naging matabang ang panlasa ko. Kalahati ng utak ko ay nasa apartment pa rin kung nasaan si Caleb. "Mag-si-CR lang ako," paalam ko kay Dom pagkatapos naming kumain. "Don't take too long. My driver is waiting," paalala niya nang hindi tumitingin. "Oo na," I mumbled, bago tumayo at naglakad patungo sa comfort room ng restaurant na matatagpuan sa labas, malapit sa isang pocket garden at malawak na walkway ng mall. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili sa harap ng salamin sa loob ng CR, huminga ako ng malalim. Lumabas ako ng pinto, balak na sanang bumalik sa pwesto namin ni Dom. Pero pagkahakbang ko pa lang sa labas, sa may tapat ng pocket garden, biglang napako ang dalawa kong paa sa semento. Ang buong katawan ko ay binalot ng matinding takot at kaba. Nakita ko si Dominique na ilang metro ang ang layo sakin, at sa harap niya... ay isang limang taong gulang na batang lalaki na may suot na blue na t-shirt at may hawak na maliit na laruang kotse. Si Caleb. Mabilis akong napatago sa likod ng isang malaking haliging semento, habang ang mga mata ko ay nanlalaki sa takot. Diyos ko... bakit nandidito si Caleb? Bakit magkaharap sila? "Daddy?" biglang tawag ni Caleb. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Napatakip ako ng aking bibig gamit ang dalawa kong kamay, pinipigilan ang sarili kong mapasigaw o maiyak sa takot. No, Caleb... hindi siya ang Daddy mo... His serious and dark expression shifted slightly, as though surprised by the child suddenly calling out to him. Dahan-dahang lumuhod si Dominique para mapantayan ang taas ng bata. Isang bagay na hindi ko akalaing gagawin ng isang katulad niya. "I'm not your dad, kid," seryoso ngunit may kakaibang banayad na tono sa boses ni Dominique. At ang lalong nagpabagsak ng luha sa mga mata ko... ay ang bahagyang pagkurba ng isang manipis at bihirang ngiti sa mga labi ni Dom. Itinaas niya ang kaniyang malaking kamay at dahan-dahang tinapik ang ulo ni Caleb. "Nasaan ang kasama mo? You shouldn't be wandering around alone." Hindi ko na hinintay na humaba pa ang usapan nila. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng sling bag at mabilis na dinial ang numero ni Ate Tess. "Ate Tess! Nandito ba kayo sa mall?!" pabulong at nanginginig kong isinigaw sa telepono habang nakasandal ang likod ko sa haligi. "Huh? oo bakit?" tanong ni Ate Tess sa kabilang linya. "Nandito rin kami, kaharap ngayon ni Caleb iyong taong nagbayad sakin..." mahina ko pang sabi. "Courtney" naalingon ako sa likuran ko ng marinig ang tumawag sakin, si Ate Tess. "Shh! Huwag kang maingay!" pakiusap ko, habang ang mga mata ko ay nakaturo sa garden. "Ate... ang lalaking kausap ni Caleb ngayon... si Dominique Ravenzy 'yan. Yan yung sinasabi ko sayo." "Kunin mo muna si Caleb, Ate Tess. Pumunta kayo sa foodcourt sa dulo ng mall. Maghintay kayi roon, pupuntahan ko kayo, miss ko na agad si Caleb." Tumango nang mabilis si Ate Tess. Inayos niya ang kaniyang sarili at naglakad patungo sa garden. "Caleb! Diyos ko, bata ka, saan-saan ka ba nagpupunta!" sadyang nilakasan ni Ate Tess ang boses niya habang lumalapit. Nang makita ni Caleb ang kaniyang yaya, ngumiti ito. "Yaya Tess!" Tumayo naman si Dominique at hinarap si Ate Tess. "He was looking for his father. Make sure you watch over him carefully." "O-Opo, Sir. Pasensya na po talaga, nagmamadali lang po sa CR. Salamat po, Sir," sunod-sunod na yukod ni Ate Tess, bago mabilis na binuhat si Caleb at naglakad palayo patungo sa direksyon ng foodcourt. Lumingon pa si Caleb sa balikat ng yaya niya at kumaway kay Dom. Pinanood sila ni Dominique hanggang sa makalayo, bago siya nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga at nagsimulang maglakad pabalik sa restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD