Ang pagtatagpo

2054 Words
Ilang araw din kaming nagtetext ni John. Parang nakikilala ko na din sya ng konti base sa mga sinasabi nya at parang magaan din ang loob ko sa kanya. Nasasanay na akong makatanggap ng text galing sa kanya tuwing umaga, tanghali at gabi. Palagi din nyang sinasabi na sana dumating yung araw na magkikita na talaga kami sa personal. Sinabi ko nga sa kanya na parang hindi mo ako magugostohan sa personal. Tahimik kasi akong tao at mahiyain baka ma boring lang sya. Wala naman daw syang pakialam kasi hindi naman daw sya mapili pagdating sa kaibigan. Eh wala akong plano talaga na makipagkita pero parang naaawa na ako sa kanya kasi gusto na nya talaga akong makita. Nakikita ko c Jam at Dianne na nag uusap sa tapat ng bahay nila Jam. Kaya ng makita nila ako ay agad nila akong tinawag. “Lyn halika may sasabihin kami sayo” sabi ni Jam. Lumapit naman ako sa kanila. “ Lyn sama ka naman sa amin ngayon. Naawa na talaga kami kay John kasi nga lonely sya. Gusto nya kumbinsihin ka namin na pumunta doon sa tambayan namin. Sige na sama ka sa amin mamaya.” Sabi ni Dianne. “Oo nga pinsan sama ka samin para naman magkita na kayo. Panahon na rin na kalimutan mo na ang nakaraan at maging masaya.” Sabi ni Jam. Hala grabe ka naman magkaibigan lang naman kami ni John. “Yun nga sinasabi ko magkaibigan lang naman kayo eh bat ayaw mo pa na magkita kayo?” Sabi ni Jam. Sige nga pag iisipan ko. Sige na uwi na ako. Naglakad na ako pauwi at ng makarating ako sa bahay ay agad kong pinakain ang mga kapatid ko ng tanghali an. Busy ako sa gawaing bahay ng hindi ko namalayan na hapon na pala. Umupo muna ako saglit dahil maya maya ay magluluto na ako ng haponan. Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may nagtext at nakita ko na nagtext nga si John. “Kumusta ka ngayong araw? Tapos ka naba kumain? Sana magkita na tayo noh. Maghihintay parin ako sa araw na yun.” Napaisip nalang ako. Ano ba to wala naman akong intensyon makipagkita dito. Hindi kaya ako mapapahiya lang? Sa isang banda ay parang gusto ko rin makipagkita na. Ano naman ngayon kung ayaw nya sakin eh di mas mabuti para matapos na. Nakapagdesisyon ako na makipagkita na sa kanya at magpapaalam ako mamaya kay Papa pagkatapos namin maghapunan. Nagluto na ako pritong isda at gulay ng matapos akong magluto ay hinanda ko na ang hapunan namin sa mesa at sya rin ang pagdating ni Papa. Pagod na pagod c Papa kong titingnan ko si Mama ay hindi pa umuwi. Kadalasan kasi umuuwi sya ng alas otso o di kayay alas nuebe tapos lasing pa. Habang kumakain kami ay nagpaalam na ako kay Papa na lalabas ako mamaya kung pwedi. Byernes nga pala ngayon. Tumango lang si Papa pero kailangan uuwi ako ng alas 10. Pagkatapos namin kumain ay dali dali akong nagligpit ng pinagkainan at naghugas na ng pinagkainan. Inutusan ko si Anne na bihisan na si Love para makatulog na mayamya. Pagkatapos ay dali dali akong naligo at nagbihis para makalakad na kasi merin akong curfew. Naglakad na ako papuntang sakayan ng trysikel ng makita ko si Jenny. Kaibigan namin ni Jam at Dianne c Jenny. Sa pagkakaalam ko ay boyfriend din ni Jenny yung isang kaibigan nila John. “Lyn san ka pupunta?” Punta ako dun sa tambayan nila John. E memeet ko sana sya ngayon. “Ay ganun ba? Talagang matutuwa si John nito. Alam mo ba halos araw araw na pumunta kami dun ay palagi nyang kinakausap c Jam na kumbensihin ka. Papunta rin ako dun sabay na tayo.” Sige mabuti at may kasabay ako. Jam’s POV Nasa tambayan kami ngayon at tulad ng dati umiinom kami ng beer at nagkukuwentohan. Si John medyo tahimik lang at palaging tinitingnan yung cellphone nya. Ok kalang John? Tumingin sya sakin at tumango. Tumunog naman ang cellphone ko kasi may nagtext. Pagcheck ko ay si Jenny pala ang nagtext. “Jam kasama ko c Lyn ngayon papunta kami jan. E memeet nya pala si John ngayon?” John may good news ako sayo. Tumingin naman si John. Papunta si Jenny dito at kasama nya si Lyn. E memeet ka pala nya ngayon? “Talaga? Baka naman ginogood time nyo lang ako.” Bahala ka nga! Umiinom ito ng beer atsaka tumatawa na parang nababaliw. Nakasakay na kami ng trysikel ng makita ko si Jenny na tinetext si Jam na magkasama kami. Baliw ka Jenny bakit mo tinext si Jam alam mo bang grabe ba yung kaba ko at parang gusto ko na mag back out. “Eh ikaw pala tong baliw eh! Mag back out ka pa eh malapit na tayo.” Para na akong mamamatay sa kaba at parang gusto ko na umuwi nalang. Ilang saglit pa at pinahinto ni Jenny yung trysikel. “Dito na tayo baba kana.” Bumaba ako na nanginginig ang buong katawan. Hinawakan ni Jenny ang braso ko at sa di kalayu an habang naglalakad kami ay nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki at babae. Nung makalapit kami ay nakita ko si Jam at Dianne. Tumakbo c Jam papunta sakin at niyakap ako. “Hay salamat at nakapunta ka.” Si Jenny ay tumabi sa isang lalaki doon at si Dianne ay parang lokaloka parang kinikilig ng husto. Parang hindi ako makatingin sa mga lalaki doon dahil hindi ko alam kung sino sa kanila si John. “Ito pala c Clark boyfriend ko, ito si Marco boyfriend ni Dianne, si Justine boyfriend ni Jenny.” Tapos may isang lalaki din dun at akala ko ay sya na si John “at ito si Rey” Guys pinsan ko pala si Lyn” sabi ni Jam. Nag hi lang ako sa kanila. Wala pala dito si John. “Wala si John tinawag lang saglit ng Papa nya babalik din kaagad yun” sabi Clark. Parang badboy look si Clark pero mabait naman. Itong si Marco gwapo parang naka jackpot yata si Dianne dito. Si Justine naman gwapo pero parang ang hilig mang good time itong si Rey gwapo din pero kung tingnan parang walang balak magseryoso ng babae. Para na talaga akong baliw. Gustong gusto kona umuwi parang hindi ko yata kaya makipagkaibigan sa mga taong ito nahihiya ako. Napakasimple ko lang tao. Nababalisa na ako at parang gusto ko na talaga umuwi. Talagang buo na ang isip ko kaya tumayo ako. Nagtinginan sila lahat sa akin. Saglit lang ha saka naglakad takbo ako. Narinig kong sumigaw si Marco “Bro dali na bala hindi mo maabotan parang gusto na umuwi. Parang kinabahan ako kaya tumakbo na talaga ako sa may highway para sumakay ng trysikel. Si Jam pala ay hinabol ako at hinawakan ako ng mahigpit sa balikat. Bitawan mo ako Jam nakakahiya hindi na ako uuwi. Tumatawa lang ang loko. Narinig ko na may tumakbo papunta sa amin kaya yumuko ako. Huminto ito sa harapan ko at nakita ko na paa ito ng lalaki. Talagang nagkarerahan na ang puso ko. Rinig ko syang humihingal pero nakayuko parin ako. Si Jam naman ay hindi na hinigpitan ang paghawak sakin. Parang gusto kona lamunin ng lupa kasi nagtatawanan na yung iba dun pati si Jam. Pulang pula na ako sa hiya ng hindi ko parin sya tiningnan ay sya na ang bumaba at sinabi “Hi ako pala si John at inilahad ang kanyang kamay.” Kahit na nahihiya man ay pilit kong tumindig ng tama at inabot ang kanyang kamay. “Ako pala si Lyn” Sa wakas at nakita na rin kita! Niyakap nya ako. Hiyang hiya na ako. Napakagwapo nya bilog ang kanyang mata at makapal ang kanyang kilay at matangos ang ilong atsaka ang linis pa nyang tingnan. Nakasummer short kasi sya atsaka naka white tshirt. Favorite ko pa naman ang black atsaka white. At ang bango pa ng damit. Na iinsecure tuloy ako buti nalang at kaliligo ko lang at naka creamsilk ako. Sumigaw naman si Clark “Bro bilis mo naman. Wag mo naman takotin si Lyn ayan tuloy pulang pula na.” Nagtatawanan naman silang lahat. Binitawan na ako ni John. “Saglit lang ha kailangan ko muna kausapin si Lyn ng kami lang.” Hinawakan naman ako ni John papunta sa isang mini park. Pinaupo nya ako sa mag bermuda atsaka umupo din sya sa aking gilid. Para tuloy akong tanga hindi ko sya matingnan ng deretso. Sya na ang unang nagsalita “Pinagod mo naman ako dun. Bakit mo ba naisipang umuwi? Ano ba kinakatakot mo?” Pacensya kana ha. Talagang nahihiya lang ako kaya naisipan kona umuwi. Sabi ko. “Naiintindihan kita buti at naabotan pa kita. Pero salamat ha at talagang nakapag desisyon ka na makipagkita sakin. Ang saya ko.” Sa tuwing nagsasalita ako ay nakikita ko talaga si John na tumitingin sakin. John baka naman magalit yung girlfriend mo sakin. Parang natigilan sya saglit. “Wala akong girlfriend hiwalay na kami matagal na. Marami akong naging babae pero kadalasan hindi seryoso minsan mga naka one night stand lang. Pero yung isa nun yun yung sineryoso ko School mate ko kasi sya simula nung Elementary kumbaga childhood sweet heart. Hindi naman kami nagkikita kasi nga sa bahay lang talaga sya. Eh nakapag decide na maghiwalay nalang kami kasi ayaw din ng Papa nya na mag boyfriend ang anak nya kaya yun. Ikaw pala?” Ay parang ganun din ang storya namin. Hiwalay kami 5 months na hindi din ng work ang relasyon kasi hindi kami masyado nagkikita. Ayaw ko kasi sya itali sa relasyon na malabo kaya binitawan kona para makapangligaw na sya ng iba in case may magustohan na sya. Gusto ko lang e save yung friendship namin ayaw ko kasi na magkasala sya sakin dahil hindi kami masyadong nagkikita. “Ay ganun ba parang pareho nga” Tumunog ang cellphone ko hudyat ng may nagtext. Pagkabasa ko ay si Kiven pala yung kapatid ni Michael. “Lyn punta ka bukas sa park ha. Bonding naman tayo minsan hindi kana namin nakita eh.” Binasa ko lang at hindi na ako nagreply. Tuloy na ang aming kwentohan at ilang saglit may tumatawag na talaga sa cellphone ko. Pag tingin ko ay si Kiven pala ang tumawag kaya sinagot kona. Hindi na ako lumayo kay John. “Lyn bukas ha punta ka sa park hintayin ka namin.” Sige basta mag text lang ako bukas. “Sige bye!” Binaba ko na ang tawag. Pagkababa ko ng cellphone ay nakita ko na nakatingin pala si John sa akin. “Sino yun?” Ahh yun ba? Si Kiven kapatid ng ex ko. Bakit sya tumatawag?” Ay wala nangungumusta lang. Pagkatingin ko ng aking relo ay 9:20 na pala kay sinabi ko kay John hanggang alas 9:30 lang ako dito kasi dapat 10 nasa bahay na ako kaya pinatayo nya ako para bumalik kung nasaan sila Jam at mga kaibigan nya. Umupo lang kami saglit at nagpaalam na ako na uuwi. Nagdesisyon din si Jam na umuwi na rin kaya hinatid nila kami sa sakayan ng trysikel. Naglalakad kami ng magkapartner at si Rey lang ang wala. Huminto kami sa gilid ng karsada para mag abang ng trysikel ng may huminto na taxi. Isang lalaki ang bumaba nasa mahigit 40 na. Pagkatapos nun ay tinawag ni Marco si John. Tapos parang may sinabi sya kay John at kaya lumingon ito. Ang lalaki ay parang kagagaling lang sa trabaho at nung makita nya si John ay parang galit nya itong tingnan. Naglakad palayo sa akin si John at tumabi kay Marco at naiwan ako pero tinabihan ako ni Rey. Para tuloy akong nalilito. Naglakad na ang lalaki palayo at tumabi uli si John sa akin. Nagtaka man ako ay tumahimik lang ako. May paparating na na trysikel at huminto sa aming harapan. Sumakay na ang iba at nung paakyat na ako sa trysikel ay niyakap ulit ako ni John at nagpasalamat. Gusto nya rin daw ako makita bukas at sinabi ko sa kanya na susubokan ko. Sumakay na kami ng trysikel at ng makauwi na ay tinext ko na sya na nakauwi na ako at nag Good Night na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD