Pagpapakilala
Lyn aalis na ako ikaw na ang bahala sa mga bata. Yung Mama mo maaga umalis dahil kailangan daw maaga sya sa bilihan ng isda para makapili sya ng presko. “Sige po pa ako na po bahala dito. Ingat po.” Sabi ko. Umalis na c Papa at naiwan kami ng mga kapatid ko na c Anne 10, c Joy 9 at Love na 5 taon pa. Matapos ko silang pakainin inutusan ko na silang maligo. Pagkatapos ay bumili ako ng tinapay sa tindahan para may pang meryenda ang aking mga kapatid mamaya. Pauwi na sana ako ng marinig ko na may tumawag sa akin. Paglingon ko ay ang pinsan ko palang c Jam. “Hoy babae ka ngayon lang kita nakita kumusta ka na ba?” Ok lang, alam mo naman na may mga kapatid akong inaalagaan. Ikaw kumusta kana? Parang blooming tayo ngayon ah! “Alam mo meron akong bagong boyfriend ang gwapo at mayaman. Alam mo ba c Dianne yung friend natin pinakilala ko kay Marco yung kaibigan ng boyfriend ko tapos ngayon sila na din.” Magaling naman kung ganun. “ Oo ah at happy si Dianne. Hindi kasi sila maarte kahit na may mga kaya sila na magbabarkada mas maarte pa yung iba jan na wala namang maiboboga. Meron nga pala silang isang kaibigan c John naghahanap ng ka textmate baka naman pwedi ka?” Naku wag mo na akong isali jan. Alam mo naman na kagagaling ko lang sa hiwalayan kahit 5 months na ang nakalipas ay hindi parin ako maka move on sa sakit. Unang boyfriend ko kaya yun. “Hay naku wag ka ngang tanga. Bigyan mo ako ng number mo at ibigay ko dun kay John.” Sige na nga! Binigay ko ang number ko kay Jam at umalis na. Ay sige na at uuwi na ako baka hinahanap na ako. Nakauwi na ako sa bahay at ang dali ng oras. Alas 5 na ng hapon at nagluluto na ako ng haponan. Mayamaya pa ay dumating na c Papa galing trabaho at kumain na kami. Nang matapos ako maglligpit at maghugas ay tumungo na ako sa aking kwarto. Wala akong kama at naglalatag lang ako ng banig. Nakita ko na may message pala ako. Pagcheck ko kung sino ang nagtext ay hindi ko kilala ang number na nagtext sakin. “Hi ako pala c John kaibigan ni Jam. Binigay nya yung number mo. Pwedi ba kita maging kaibigan?” Ay ito na pala yung sinasabi ni Jam. Nireplayan ko sya “Hi John c Lyn pala ito pinsan ni Jam. Hiningi nga nya kanina yung number ko. Sure pwedi yun lang pala eh.” Nagpapalitan kami ng text hanggang 10PM. Napag alaman ko na nasa US pala nakabase yung Mama nya at silang mag ama ay naiwan sa Pilipinas dahil may negosyo ang Papa nya dito at yung lola nya ay nakatira sa kanila at dalawang pinsan. Kinukwento ko rin sa kanya na ako ang panganay sa apat na magkakapatid at mahirap lang kami. Medyo ok naman sya kausap kahit medyo marangya ang buhay ay humble naman sya. Ito siguro ang sinabi ni Jam na yung mga kaibigan ng boyfriend nya ay may kaya sa buhay. Parang hindi naman ako nababagay makipaghalubilo sa mga taong yun. Bahala na tutal textmate lang naman ang gusto ng taong ito at wala naman akong plano makipagkita dito kaya ok lang. Kailangan ko rin ito para tuloyan na rin akong maka move on sa paghihiwalay namin mi Michael. Pag kasi meron kang ibang nakakausap eh nakakalimutan mo yung ibang bagay na palagi mong iniisip. Si Michael pala ang naging una kong boyfriend. Magkaibigan talaga kami nung una eh dahil may mutual feelings kami sa isat isa nung nanligaw sya ay sinagot ko at dahil ay pareho lang kaming 15 nun bawal akong mag boyfriend dahil ayaw ng Papa ko. Hindi kami gaanong nagkikita ay dahil sa hindi ako masyadong nakakalabas. Kahit paman ganun ay umabot din ng halos isang taon yung relasyon namin pero sa dami kong naririnig na mga babae na nalilink sa kanya ay pinili kong wag maging selfish. Mga bata pa kami at pag kami talaga ang tinadhana ay kami talaga. Kaya nakapag desisyon ako na makipaghiwalay sa kanya. Hindi dahil ayaw kona sa kanya kung hindi ayaw kong maging selfish. Gusto ko na pag may nagustohan sya ay malaya na syang manligaw dahil ayaw ko syang itali sa isang relasyon na malabo dahil nga hindi kami nagkikita. Hindi sya pumayag pero hiniwalayan kona talaga sya. Tropa parin kami ng kapatid nya at mga pinsan kaya minsan c Kiven na kapatid nya ay nagtetext parin sakin.