"ONE NIGHT STAND" Chapter 21: Dali-dali akong bumaba ng kwarto pero siyempre inayos ko muna ang sarili ko para naman di mapagkamalang zombie na gumagala. "Oh nandito na pala sya ihjo, natasha hinihintay kana ng boyfriend mo dito" masiglang bati ni tita sakin. "Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. "Bakit hindi ba pwedeng sunduin ang GIRLFRIEND ko?" sabi nito na talagang diniinan pa ang salitang girlfriend. "Wag ka ngang pakipot sis si calix yan no" malanding sabi nito. "Tssk!, pero teka lang pano mo nalaman na nandito ako hindi ko naman sinabi sayo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si mikyla. "Ay sis, ako ang nagsabi sa kanya" sabi nito na tinaas pa ang kanyang kamay. "Tulog kapa kasi ng tumawag si calix kaya yun sinabi ko na dito ka na

