ONE NIGHT STAND"
Chapter 20:
(NATASHA POV'S)
Tapos na ang party at kasalukuyang nakahiga ako ngayon kasama ang aking mga kaibigan may sari-sariling kaming kama pero sa iisang kwarto lang.
Nakahiga ako ng masaya dito habang iniisip ang mga masasayang alaala namin ni Calix nang biglang may nag text sakin kaya napangiti naman ako ng malamang sya.
Calixto: "Sweetie, are you still awake?"
Natasha: "Why?"
Calixto: "I just miss you" text nito na talagang kinilig ako ng sobra haha.
Natasha: "Magkikita naman tayo sa office tomorrow sweetie"
Calixto: "Kinilig naman ako sa sweetie mo first time mo lang ako na sinabihan nyan" ngising turan nito na naririnig ko sa kabilang linya.
Natasha: "Well, matagal ko naman sanang gustong itawag sayo yun kaso lang nahihiya ako e, kaya ngayon lang?"
Calixto: "Sarap nga sa eyes na mabasa ko yun e ano pa kaya 'pag sinabi mo sakin yan on phone and personally" text nito at biglang tumawag kaya agad ko itong sinagot.
Natasha: "Hello, baliw ka talaga nandito mga kaibigan ko natutulog" mahinang sambit ko habang tinitingnan ang mga kaibigan kong natutulog.
Calixto: "Sorry but pwede ko bang marinig ang sweetie galing mismosa bibig mo mas maganda kasi pag sinasabi e hindi lang sa text" kinilig na naman ako sa sinabi nya kaya.
Natasha: "Sweetie" pabulong na turan ko habang nakangiti.
Calixto: "Ha? hindi ko marinig?" sabi nito kaya inulit ko na lang.
Natasha: "Sabi ko sweetie" mahinang sambit ko.
Calixto: "Hindi ko pa rin marinig sweetie please pakilasan ng konti. I love you, I love you sweetie" pamimilit nito kaya napasigaw na lang ako dahil sa kakulitan nito.
Natasha: "Oo na nga, sabi ko I love you too sweetie" sigaw ko pero kami lang sa kwarto ang makakarinig dito kaya narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya siyempre napatawa din ako.
Calixto: "Thanks sweetie, matulog kana diyan wag magpupuyat ha? Dapat ako lang ang magpupuyat sayo 'pag gabi" Malahusky nitong sabi.
Natasha: "Ikaw talaga ang manyak mo haha, sige na goodnight ?"
"Goodnight too sweetie?"
(End Call)
Napayakap ako sa aking unan dahil sa sobrang kilig ng may nagsalita sa likod ko.
"Sanaol sweetie" turan ni amy.
"Sanaol may pa goodnight sweetie" pagsulpot naman ni mikyla.
"Sanaol I love you sweetie!!!" magkasabay na sabi nilang dalawa at tumawa.
"Gising kayo?" turan ko dahil gising pa pala sila hindi man lang nagsalita.
"Malamang ghurl, yiieee sanaol na lang talaga" sabi ni mikyla na animo'y kinikilig.
"Nagtulog-tulugan lang kami ng makita naming may ka text ka para magfocus ka sa pagtext at babasahin namin sa likod ng biglang tumawag si Mr. Calixto Forth Santiago kaya narinig namin lahat ng pinag-usapan nyu" mahabang litanya nito na parang malalaglag na ang panga ko puteks! Nakakahiya?
"Mga baliw kayo! Kaya pala, ang aga nyo natulog na drama² lang gising pa pala kayo sabi ko na nga ba e kelan ba kayo natulog ng maaga" pagsasabi ko ng totoo dahil natutulog naman 'to mga alas dose na ng umaga parang aswang lang e no?
"Yiieee shene ell telege mey papa Calix" pabebeng sabi ni mikyla kaya binato ko sa kanya ang unan na hawak ko.
"Tumigil ka!" pagsasaway ko sa kanya dahil alam kung hindi nila ako titigilan sa mga narinig nilang usapan namin ni calix kanina.
"Basta 'pag ikinasal kana siguraduhin mo na kami ang magiging bridesmaids mo kung hindi susunugin ko ang bahay nyu" pagbabanta nito sakin na napatawa ako.
"Wag kang mag-alala hindi masusunog bahay namin kayo naman talaga ang gagawin kong bridesmaids sa kasal ko, kayo pa" masayang turan ko sa kanila.
"At staka sana siguraduhin mo din na mga gwapo ang magiging groomsmen na kapares namin para naman ma enjoy nyu talaga ang wedding ninyo" malanding turan nito.
"Sila ba talaga ang gusto mong mag-enjoy or ikaw para makahunt ng gwapong lalaki oh ano? Tama ako no" pamimilosopo sa kanya ni amy.
"Parang ganun na nga haha" pag-aamin nito samin. "Siyempre magpapaganda ako ng sobra para sa special occasion ni Mrs. Natasha Santiago" sabi nito at talagang pinalitan nya ang epilyido ko ng Kay calix last name.
"Para mas masaya si amy ang bridesmaid na sinisigurado kong gwapo ang kapares nya" pagtuturo ko sa kanya na nakabukas ang palad. "Habang ikaw naman mapapabilang sa groomsmen at kapares mo ay magandang babae" pagbibiro ko sa kanya na umiba ang awra nito sa mukha.
"Yun, mas maganda nga yan" pagsakay ni amy sa biro ko.
"Ay kung ganyan lang din naman ang mangyayari manonood na lang ako ng tv kasama ang papa ko" pagtutukoy nito sa boyfriend nya.
"Hahahaha" puno ng tawanan ang naganap sa kwarto hanggang kinabukasan.
"Uy sis, gising si Calixto nandito hinihintay ka sa baba" paggising sakin ni amy na animo'y nakangisi dahil kinikilig.
"Sanaol talaga sinunsundo papuntang opisina" pagpaparinig ni mikyla na nakangisi din.
"Ha? Si Calix nandito?" pagkaklaro ko dahil pano nyang nalaman na dito ako pumunta.
"Oo nandun sya ngayon sa baba kinakausap ni mader kaya bumangon kana jan at mag-ayos dahil mukha kang bruha sa buhok mo" madaling sabi nito sakin.