Chapter 54 HOPE ANDREW "HOPE, wait! Listen to me first." Hinahabol ako ni Sam habang oabalik ako ng kwarto namin. Nang mahuli niya ang braso ko, walang sabing hinarap ko siya sabay sampal sa pisngi nito. Natahimik siya. Nakayukom ang mga kamao kondahil sa galit at panggigigil. "Ang baboy niyo!" bulakas ko. "You disappointed me again and again, Sam!" Saka ako humakbang paatras sa kanya. Nakatungo sita, tapos mamya ay umangat ang mukha nito sabay titig sa akin. Nakikita sa kanyang mga mata ang pagsisisi, takot, at pag-aalala, bagaman wala na akong pakialam ngayon. "Mali 'yong nakita mo. I mean..." Hinarap ko siya ulit, at sa pangalawang pagkakataon lumapat ja naman ang palad ko sa pisngi niya. "Oo, mali talaga 'yong nakita ko! Maling-mali talaga 'yong nakita ko, Sam!" lumapit ako sa

