Chapter 53 HOPE ANDREW NAITULAK ko siya dahil sa sensasyon na naramdaman ko. Bigla kasi ako nakaramdam ng boltahe ng kuryente sa aking sistema. Kaya ko iyon ipaliwanag pero 'di ko masabi nang deritsahan. Kitang-kita ko kung paano ngumisi ng nakakaloko si Sam. Inirapan ko siya sa paraan na hindi niya alam. "Hey! Relax, i'm just kidding," lumapit siya ulit sa akin para yakapin ako sabay halik ulo. "I love you." Mahina sani niya saka bumalik sa kanyang silya. Napapailing nalang ako. Ang pangit ng joke niy. Pangit din siya ka-bonding, marupok, e. "Tara, shot na!" Biglang sumulpot si Mild at Thanya sa aming harapan ni Sam. May mga tama na ng alcohol. Pasuroy-suroy na ang lakad nila. Napatampal ako sa aking noo dahil bigla akong inakbayan ni Thanya, at inabutan ng alak. "Easy." Sambit k

