Chapter 27 HOPE ANDREW TULALA pa rin ako sa nangyari kanina. Pumunta siya dito hindi para lang kumain o sabayan siya sa trip nito... kundi may mahalaga pala talaga siyang ibibigay sa akin, at iyon ang pasaporte kong may visa na patungo sa bansang Thailand at ticket. Natingin ako sa mesa kung saan doon nilapag ni Sam ang bagay na ninakaw nina Mild at Princess. Oo nga wala silang kasalanan, biktima lang din sila sa galawan ni Sam. Kinuha ko iyon at tiningnan ang loob ng pasaporte. Tourist visa, at ang nakaipit na ticket. Napayukom ako ng aking kamao. Pupunitin ko sana ang ticket nang marinig ko ang boses ni Sam sa aking isipan. "Hihintay kita..." Napailing ako ng aking ulo sabay balik sa mesa ang pasaporte at ticket. Wala na si Sam. Tuluyan na siyang umalis. Napaupo ako sofa saka tin

