Chapter 3

1825 Words
HOPE ANDREW "TELL me about your self?" Umangat ang kaliwang kilay ko nang sabihin niya iyon. Ano'ng purpose pala ng resume na fill-in-upon ko kung ako rin naman pala sa huli ang magsasabi ng pagkatao ko. Tamang silip lang ang ginawa niya sa black folder na inabot ko sa kanya at saka niya ako tinapunan ng tingin. Ngayon ko lang siya natitigan ng matagal. Hindi ko maiwasan na sipatin ang buong itsura niya. And to be honest, nakakaattract pala talaga siya. His eyes. Ang mga matang maraming tinatagong emosyon. Hindi ko alam kung ba't ko nasabi iyon, pero kasi, iyon talaga ang nakikita at nababasa ko roon. At may tinatago ring kalandian sa katawan. "Gulf Andrew Sanches?" Bumalik lang ako sa aking wisyo nang magsalita uli siya. Hindi ko namalayan na naglalayag na naman pala ang isipan ko kung saan-saan. Tumikhim ako sabay ayos ng upo sa aking kinauupuan. Ngayon ko lang din napansin na nakalapit na pala siya sa aking kinauupuan. Medyo nahiya ako ng kunti. "S-sorry. Ano nga ulit 'yon?" "Sabi ko, itutuloy pa ba natin ang interview na ito? Since wala ka sa hulog ngayon, nakakahiya naman kung tatanungin pa kita." Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon dahil sa sinabi niya. "Sorry talaga, Sir, may iniisip lang. Sorry talaga." Totoo ang sinabi ko, at talagang may iniisip ako. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon. God! Bigyan niyo pa po ng kaunting hiya sa lalaking kaharap ko ngayon. "Okay! If you are not interested to this job interview, you can leave now, Mr San—" "Sir, sorry po talaga. Hindi ko naman sinasadya na mangyari 'yon. Please give me a chance. Kung 'di ka ba naman naging malandi kanina. Nakakahiya. Bakit kasi ngayon pa ako tinupak ng kalutangan ko. I really hate this kind of attitude when it comes na nagkakaganito ako. Tumayo ako sa aking kinauupuan nang akma siyang lalabas ng opisina niya. "Please?" malumanay kong sabi. Binalingan niya kaagad ako sabay titig ng masama subalit, kailangan nilabanan ko iyon. "Pasensya ho talaga, Sir Samuel." Saka ako bumuntong hininga. I badly needed this job. Pinangako ko sa sarili ko na panibagong buhay ko ito ngayon. Ayaw kong madismaya ang mga magulang ko, at ayaw kong may masabi sila sa akin. Since they already found out about my gender I had to show them that I could stand on my own feet. "Don't waste my time, Mr Sanches. Nandito ka para sa isang job interview, at hindi para mag-isip ng kung anu-ano," naglakad siya pabalik sa kanyang kinauupuan. "Now, tell me about your work experience. " Tumango ako saka huminga ng malalim. I introduce my self, my biography. About my previews works and experience. Habang nagsasalita ako hindi ko maiwasan tumingin sa kanyang mga mata habang siya naman ay seryosong nakatitig sa akin. Ayaw ko sanang mag-isip ng kung anu-ano subalit sa isip-isip ko ay may kung anong nagsasabi na; pagnanasa. I'm a gay. Naaattract din ako sa mga lalaki bagaman hindi ko kailangan magkagusto. Pero 'yong ginawa niya kanina ay hindi ko kinaya. Mabuti nalang hindi ako madaling bumibigay. Nang matapos kong sabihin sa kanya ang lahat na hinihingi niyang impormasyon sa akin ay nakahinga ako ng maluwag. Tahimik lang ako habang naghihintay nang sasabihin niya. Ito na nga siguro 'yong sinasabi ni Princess na, Terror Manager. Yeah, I admit medyo natakot ako dahil talagang seryoso siya. "Thank you fo today Mr Sanches. Ipapatawag nalang kita kay Princess kung kailan ka puwedeng magsimula sa trabaho mo." Tumayo na ako at nagpasalamat na rin sa kanya. Kahit papaano ay natapos ko rin ang interview kahit na may hassle na nangyari. "Okay, Sir. Maraming salamat din po." Sinukbit ko na ang aking bag sa aking balikat at akma nang lalabas ng opisina niya nang magsalita siya. "Can I talk to you? Hindi ito tungkol sa trabaho," inayos ko muna ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat at saka tumango. "Naalala mo naman siguro 'yong gabing una tayong nagkita? I mean, nevermind. You can go now." Napailing ako sabay ngisi. Alam kong may sasabihin talaga siya—nahihiya lang. "Don't worry I'm the only one who knows you cried that night. Your secret is safe with me." Nagulat siya sa sinabi ko. "What? I didn't cried," mariin niyang sabi na nagpangiti sa akin. "Napuwing lang ako no'ng inabutan mo ako ng panyo." Rason niya pa. Ang guwapo niya pala talaga kapag labas na sa trabaho ang pinag-uusapan. But when it comes sa trabaho umiiba ang awra niya. Malayong-malayo ang awra niya no'ng gabing nakilala ko siya. Ganti-gantihan lang naman bakit 'di ko pa siya asarin. Akala niya siguro magpapatalo ako sa kanya. Itlog niya. "Okay. You say so." tiim bagang sabi ko sa kanya. "I'll go ahead. Muli. Maraming salamat." Naka-ngiting sabi sa kanya. Nagkaroon man ng awkward moment sa pagitan namin ay masaya akong nakilala siya. Sana ganun din siya sa akin. Nang makalabas ako ng opisina niya ay kaagad akong sinalubong nina Princess at Mild. "Bakla, ano na? Kumusta interview? Hindi ka ba niya sinabon?" Naka-kapit na kaagad ang mga braso ni Princess sa aking braso. "Hindi ka ba sinungitan ni Samuel? I mean, ni Sir Samuel?" Ito naman si Mild piling close kung nakasabi ng pangalan ni Sir Samuel. "Libre ninyo ako. I'm hungry." Iniba ko na ang usapan. "Lunch break niyo na ba?" Sabay silang umiling. "Hindi pa. Actually, sumibat lang kami saglit para makibalita sa interview mo kay Sir Samuel. Ano? Okay naman ba?" Kumalas si Princess sa mga braso ko saka humarap sa akin. Naka-ngiti. "Sure ako niyan bukas start na siya ng trabaho niya dito sa Fast Call Center Services." Kumpansang sabi ni Mild. Ang lalaking 'to ngayon lang nagpakita sa akin, scape pa sa trabaho. Mga maligalig talaga 'tong mga kaibigan ko. "Seriously? Oras ng trabaho nagtsi-tsismisan kayo? At sa harapan pa talaga mismo ng opisina ko—Mr Mendez, Miss Saplagio? And you, Mr Sanches?" Natahimik ako habang sina Mild at Princess ay naka-peace sign na kay Sir Samuel. "Sir Lyons, sorry po. Actually babalik na ho kami sa area namin. Tara na, Princess. Bakla, hintayin mo kami sa cafeteria, ha? Bye-bye. Sige po, Sir Samuel." Napailing ako. Mga kaibigan ko nga talaga kayo. "How about you, Mr Sanches?" kaagad akong humarap sa kanya nang pansinin niya na ako. "Ano pa ang tinatayo mo diyan?" "Ito na nga Sir Samuel aalis na, tinawag mo pa kasi ako, e." "Really? Sasagot pa talaga?" E di don't! Problema ba 'yon? Napailing nalang ako saka umalis sa lugar na iyon. Nakailang hakbang palang ako nang may naka-bunggo sa akin. "I'm sorry. Are you okay?" sinipat niya pa kabuuan ko. "Are you hurt?" Medyo over acting na siya. Nabangga niya lang ako pero hindi ako nasaktan. But, I like his personality. He is a caring person. "Yeah! I am." Ngiting sabi ko. "Bago ka ba dito?" tanong niya. "By the way, I'm Thorn Salas, and you are?" Magsasalita na sana ako nang biglang may sumingit. "Hope Andrew Sanches. And yes, bago siya dito," nakalapit siya kaagad. Tumabi siya sa 'kin. "What are you doing here, Thorn?" "Nakalimutan ko na nga kung ano ang ipinunta ko dito nang nakilala ko ang bagong empliyado ng Fast Call Center," sagot niya kay Sir Mew habang ang mga tingin ay hindi maalis sa akin. "You're pretty interesting, huh?" May panunuksong sabi niya. Akma niya na sana akong hawakan sa braso nang tabigin ni Mew ang kamay niya. "Don't touch him, Thorn." seryosong sabi niya. "Why? Who are you to dictate to me, Christian Samuel." "Just don't. Ako na mismo nagsasabi sa 'yo." Hindi ko alam kung nagbibiruan lang ba sila o talagang seryoso sila sa mga binibitawang salita nila. As if naman alam ko kung anong meron sa pagitan nila. "And when have you ever had an interes in someone other than your friends, Samuel?" Magkaibigan pala sila. Pero bakit ganito sila kung magtapunan ng salita? Parang may something. "Non of your business, Thorn. Binabalaan lang kita na huwag mo siyang pagaksayahan ng oras." Humakbang papalapit si Thorn kay Samuel at saka may binulong ito sa kanya. Nanatiling nakatayo lang ako na parang hindi nila ako nakita. "You know me, Samuel. Kapag gusto ko ang isang bagay, makukuha ko." "Hindi siya bagay para makuha mo ng ganoon lang kadali." What?! bakit ako na ang pinag-aawayan ng dalawang 'to? Medyo kinakabahan na ako. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kailangan kong awatin ang dalawang 'to habang wala pang may nakakapansin sa amin. "Excuse me lang, ha? Hindi naman ako big deal para pag-awayan ninyong dalawa, okay?" pumagitna na ako. Kailangan awatin ang dalawang itlog na ito. "Wala naman siguro problema kung makipag-kilala ang mga tao rito sa akin." Nang balingan ko si Samuel ay masama na ang tingin sa akin. Problema ng itlog na 'to? "May problema ba?" agaran kong tanong kay Sir Samuel. Imbes na siya ang sasagot, si Thorn ang nagsalita. "Well... para sa kanya bawal pero para sa akin unlimited ang pakikipag-kaibigan. Don't mind him," binalingan niya si Sir Samuel. "Right, Sam?" Ganun nalang ang tawa ni Thorn nang makitang salubong ang mga kilay ni Sir Samuel. Pigil and sariling tumawa dahil ayaw kong magkaroon ng problema sa kanya. "Go back to your area, Thorn." utos ni Sir Samuel sa kanya. "Oras ng trabaho panay na gala ninyo sa building." dugtong niya pa sabay baling sa akin. Ang sama makatitig ang isang 'to. Akala mo naman ang laki ng kasalanan ko. "Okay! See you later, then," naka-ngiti pa rin na sabi ni Thorn, at saka siya bumaling sa akin. Ang ganda nang pagkangiti niya sa akin. "I really like you, seryoso. Paano mo nagawang maging magandang lalaki sa kabila ng pagiging guwapo mo?" Sa sinabi niya parang pinamulahan na ako ng pisngi. Hindi na bago sa akin ang salitang binitawan niya siya akin pero, ngayon lang ako nahiya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa presensya ni Sir Samuel na ramdam kong nakatingin pa rin sa akin. Natapos ang pangungulit ni Thorn nang sinita ulit siya ni Sir Samuel. Talagang maligalig ang lalaking iyon batay sa pagkakilala ko sa kanya. "Do you like him?" Nakalapit na pala siya sa aking harapan nang magsalita siya. Nakatanaw kasi ako kay Thorn habang papalayo siya sa amin. "Sir? What do you mean, na gusto ko siya?" Salubong ang mga kilay ko nang tanungin ko ang tanong niya. "Just answer my question, Mr Sanches." "Parte pa rin ba iyan ng interview ko, Sir?" Kita ko ang pagbuntong hininga niya at parang nahiya na rin. "Nevermind," saka niya ako tinalikuran. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Naghihintay na makaalis na talaga subalit, bigla siya ulit humarap sa akin. "Report tomorrow morning, Hope. Gusto ko pagdating ko sa opisina ikaw kaagad ang bubungad sa akin." Hindi ko alam kong sasagutin ko ba ang sinabi niya sa akin. Tulala akong nakatanaw sa kanya habang papayo siya sa akin. Napaka-possissive naman ng lalaking 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD