Chapter 4

2054 Words
CHRISTIAN SAMUEL "SIR Sam? Pinapatawag po kayo Director Chua." Malalim na buntong hininga kaagad ang ginawa nang marinig ko ang sinabi ng aking sekretarya na si Even. Kaagad akong tumayo at umalis sa aking kinauupuan upang puntahan ang direktor ng Fast. "Susunid na ako, Even Joy." Kalma do kong sabi, at saka niya ako iniwan at lumabas ng aking opisina. It's already twelve-noon. Lunch break na ng mga empleyado ng Fast Call Center. Hindi na naman ako makasasabay sa mga kaibigan ko. Kailangan ko muna puntahan si Direktor Chua. Ano na naman kaya ang ibabalita niya sa akin o ipag-uutos. Hindi pa nga ako naka-recover kanina kay Andrew at Thorn, ito na naman ang bago. I was quietly walking towards the elevator when I noticed, Andrew who was also waiting for the elevator door to open on the other side. Naalala kong nag message pala ako sa kanya. Hindi ko alam kong bakit ko ginawa 'yon. Why am I attracted to him? I admit he is handsome and I also admit he is beautiful, too. According to his resume, he's a gay. Wala naman siguro masama kong babatiin ko siya. Beside, mabait siya at may malasakit sa kapwa niya subalit, hindi rin maiwasan ang pagiging pilyo niya. "Lunch, Sir Sam?" napakurap ako nang bigla niya nalang akong kinausap. Naka-ngiti siya. Parang 'di ko lang inasar at pinagalitan kanina. "Kasama ko sina Princess at Mild. Baka gusto mong sumabay sa amin?" Hindi na siya nakatingin sa akin nang magbukas ang pinyuan ng elevator. Bago pa sumara ang pinto ay dumungaw muna siya roon. "See you there, Sir Sam." At saka nalang siya nawala sa aking paningin. Malalim ang pinakawalan kong hangin muka sa aking pagkabuntong hininga nang mag-isa nalang ako saa lugar na iyon. Kaagad din akong pumasok sa lift ng magbukas ang pintuan nito at saka ko pinindot ang numero kung saan kay Direktor Chua ang punta ko. "HAVE a seat, Lyons. Sawadeekah." He said and then sat down in his own chair. "Sawadeekah Phi Yuan. Pinapatawag mo raw ako?" I said with my calm voice. Naka-ngiti lang siya sa akin. "Yeah! Balita ko may bago kang tinanggap ngayon? And who's that unlucky person?" Napa-ngiwi kaagad ako sa tanong niya. Maka-unlucky person naman 'tong boss ko, akala niya 'di tumataas ang rate ng kompanya. Bago niya pa ako maasar ay sinagot ko na siya. "He's fine and good looking," baliwala kong sagot. "Nag-aya nga ng lunch." Agap ko. He just nod. Alam ko namang wala siyang masabi sa akin maliban sa pagiging istrekto kong Manager. That's a part of my job. Ayaw kong maging cotton candy sa mga empleyado at baka lumaki ang mga ulo nila kapag nalaman mabait ako. "Well, good luck sa kanya. At sana ay tumagal siya sa pamamalakad mo." Kaagad din siyang tumawa. Nang-aasar talaga. Wala naman siyang ibang sinabi sa akin after ng conversation namin na 'yon. He just warn me na huwag masyadong dikit sa baguhan, at baka iba ang masabi ng lahat. Lalo na kay Andrew na talaga namang guwapo't magandang lalaki siya. He review's Sanches resume. Lumabas ako ng office ni Direktor Chua na gutom. Kaagad kong naalala ang sinabi ni Andrew sa akin na hihintay raw nila ako sa cafeteria. Since may thirty-minutes pa akong natira sa break ko, tinungo ko na ang cafeteria. When I entered the cafeteria I was immediately greeted by many eyes. Nilibot ko rin ang aking paningin sa lugar na iyon, at doon ko nalang nakit sina Mild at Princess na abala sa pakikipagkwentuhan kay Andrew. Akma na sana akong hahakbang papunta sa lugar nila nang bigla akong hinarangan ni Thorn. "Tara dito." Saka niy nalang ako tinalikuran. Napabuntong hininga nalang ako at walang magawa kundi ang sunan siya. Oo nga't mga kaibigan ko rin sila. Mga tropa kong kabilang sa l***q community but, I am not against with them. Tao din sila, mga kaibigan ko. "Sam? Who's that handsome guy?" Uranus ask. She's one of my close friend and lesbian. "He's beautiful, too. Sarap niyang maging kaibigan. Look at him, friend niya sina Mendez at Saplagio." Si Kaownah naman ang nagsalita. Naka-palumbaba siya habang naka-tingin sa pwesto nina Mild. "I told you, he is pretty interesting," hindi ko na binalingan si Thorn nang magsalita siya. "I like him." Sa gulat ko ay wala sa oras ang pagharap ko sa kanya. Nasa akin na pala ang tingin niya. Nang aasar na naman dahil sa nangyari kanina at alam kong gagawin niya na naman ngayon. "Tsk! I don't care if you really like him." I said with my lower voice. "I do, Sam. I really do." Mariin niyang sabi sabay upo sa bakanteng silya sa tabi ni Kaownah. Sumabay ako ng lunch sa kanila kahit pa na nawalan na ako ng gana dahil kay Thorn. Nakakainis lang dahil panay banggit siya sa pangalan ni Andrew, at walang minuto na hindi siya nakatingin sa gawi nila roon. Natapos nalang ang break ay hindi ko man lang na-enjoy ang aking pagkain. Pagbalik sa kanya-kanya naming pwesto ay sakto naman nakasalubong ko sina Mild at Princess. "Guys, sorry talaga kung hindi ako nakasabay sa inyo mag-lunch. Alam niyo naman ang rason ko, at hindi naman siguro kayo bulag para hindi ninyo kami nakita kanina sa cafeteria." Mahaba kong paliwanag. "Asus! Kere lang. Ikaw pa ba? Bawi ka nalang mamaya, gimik tayo. Deal?" Si Mild na ang nanguna at nag-aya. Kung sabagay, madalas ko naman sila nakakasama sa bar weekend or friday night. Hindi pa naman friday pero ayos lang. "Sure," magiliw kong sagot. "You can bring, Andrew if he wants." Dagdag ko na kinatuwa naman ng dalawa. Naging abala ang lahat sa kani-kanilang mga obligasyon habang ako ay inaalam kong saan ko ipu-pwesto si Sanches. "s**t! Why I am thinking him? Problema niya na 'yon kung saan siya lulugar bukas. Andiyan naman sina Mild at Princess para i-assist siya." Salita ko sa aking sarili. Natapos ang day shift. Isa-isa nang nagsiuwian ang mga naka-duty sa umaga hanggang alas-sais ng gabi. The next shift will be nasa team ng isa pang Manager, at labas na ako do'n. Nagpaalam na akin ang mga kaibigan ko. Narinig nila na may gimik na magaganap kaya ayon sila, kanya-kanya nang alsa balutan habang ako ay kalmado at tahimik na umalis ng Fast. Alas-otso ng gabi. Dating tagpuan. The Bar Ortigas. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na kaagad sila. Sa kabilang table naman ay nandoon ang grupo nina Princess at Mild... and Andrew. Talaga ngang sumama siya sa mga kaibigan niya. "Sam, you're late." Ani Uranus nang salubungin niya ako. Awtomatiko naka-angkla na kaagad ang mga braso niya sa aking braso. Nawala na rin atensyon ko kina Princess na naka-pansin na rin sa pagdating ko. "Just in time. Maaga lang talaga kayo." Then she ignore what I says. Umaatittude na naman ang babaeng 'to. Naupo ako sa gitna nina Win at Uranus habang si Thorn ay nakatitig lang sa akin. "What?" iritable kong tanong sa kanya. "Huwag mo akong titigan ng ganyan Thorn Salas! Hindi tayo talo." Saka niya lang ako ningisihan. Gago talaga kahit kailan ang lalaking 'to. Pasalamat siya kaibigan ko siya. "Nothing, Christian. Ang guwapo mo lang kasi ngayon. Parang gusto na kitang landiin." Then he laughed without limit. Ang mga kasama naman ay natawa na rin sa biro niya. "Seriously? At kailan ka pa nagka-gusto kay, Sam, Thorn?" Win asked him sabay laguk ng alak. Kaownah laughed. "Ngayon lang, ten seconds ago." Nang asar pa. "That's enough guys," salita ni Uranus. "We're here to relax, okay? Cheers!" Tinapos na kaagad ni Uranus ang pang-aasar nila Thorn sa akin. Naging komportable na rin ako sa huli dahil iniba na kaagad ang usapan. Two hours passed na nang dumating ako dito, at ang mga kaibigan ko ay medyo naliliyo na dala nga alcohol sa katawan nila. Hindi na bago sa akin ang mga eksinang makikita ko ngayon dahil ganito sila kapag nakainom na, panay sayawan at kantahan kahit na wala sa tono ang mga ito. Binaling ko ang aking sarili sa kinaroroonan nina Mild, Princess, at Andrew. Ando'n sila at nagtatawan din ang tatlo. Tumayo ako at saka nagpaalam muna kay Kaownah na puntahan sina Mild. Pumayag naman siya dahil alam niyang mga kaibigan ko din ang dalawang iyon. "Sam?! Buti naman nagawi ka dito. Have a seat P'Sam." Si Princess na ang sumalubong sa akin at saka pinaupo sa bakanteng silya katabi si Andrew. Bumaling ako sa kanya at saka ko siya tinitigan sa mga mata. "Don't stare at me like that if you don't want to like me," bigla akong nailang sa sinabi niya. Ang tapang ng loob magsabi ng ganun sa akin, samantala nanlalambot naman ang tuhod kapag nahawakan ko na siya. "Jowk lang." Agap niya sabay tawa. Hindi na muna ako nagsalita. Napatingin nalang ako kina Princess at Mild na nagkibit balikat nalang sa pinakitang atittude ni Andrew sa amin. "Lasing na 'yan siya 'di lang obvious si bakla." Kunwari ay pabulong na sabi ni Princess sabay kindat. "Kung kaya mo man lang siya sabayan sa kalandian niya push mo lang, Sam. Support ka namin," kaagad naman tinapik ni Mild ang balikat ko nang tumayo siya sa kanyang kinauupuan. "I'm the shipper." Dugtong pa nito aka pumalakpak. Napabuga nalang ako ng hangin ng bumuntong hininga ako sa kawalan. Wala na ata akong makausap na matino ngayon sa lugar na ito. Sa gitna nang katahimikan, hindi ko inaasahan na magsasalita si Andrew. "Hindi ako lasing kung iyan ang iniisip mo, Sir," nakahawak siya sa bagong may alak na laman. Nilalaro ang yelo sa loob nito at saka naka-ngiti. "Thank you for giving me chance na makatrabaho ka. Kung hindi dahil sa kaibigan ko, wala ako ngayon dito. I am happy to be here right now, Sir Sam." Inabot niya sa akin ang basong hawak niya, at hindi naman ako nagdalawang isip na kunin iyon at ilaguk ang alak. Nang ibaba ko na ang baso, nagulat at napaatras nalang ako ng aking mukha dahil ilang pulgada nalang ang lapit niya sa akin. Ano na namang biro ang gagawin niya ngayon? His smiles were sweet. The red lips that are pushing me to stare at it. No! Hindi ako pwedeng magkagusto lalaki. Hindi ako pwedeng magkagusto sa isang bakla. It can't be. "Are you scared? Sorry, Sir." "N-no. Excuse me first." Bigla akong tumayo at walang lingon na dumiretso ng mens comfort room. Kaagad akong humarap sa malaking salamin at dali-dali na naghilamos ng mukha. "Hindi pwede, Sam. Hindi pwede. Straight ka, tandaan mo iyan. Hindi ka pwedeng magkagusto sa lalaki." "Are you okay?" hindi kaagad ako nakalingon sa kanya nang marinig kong nagsalita siya sa akin. Nakatingin lang ako sa salamin habang siya ay ganun din. "Pasensya ka na sa mga biro ko. I didn't mean those words." Saka siya tumungo sa sink at naghugas ng kamay. Nagmamasid lang ako ng kilos niya. Napaka-pulido at mahinhin din siya kumilos. Shit! Ano ba 'tong ginagawa ko?! Wake-up, Sam! Mali 'tong ginagawa mo! "Hey! You're spacing out. Are you sure na okay—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang lapitan ko siya at kinuwelyuhan. Sinalubong niya ang mga mata ko. And this time, I saw his duality image. His sweet and angel image a while ago suddenly change to sarcastic and charismatic appeal. Mas lalo siyang nagiging attractive sa paningin ko dahil sa ipinakita niyang imahe ngayon. Now, how I calm myself? I am in big trouble. "What do you think your doing?" He said with his calm voice. "I hate you." Patulak ko siyang binitawan. Humakbang ako paatras sa kanya para makaiwas. "Then hate me as long as you want. If you hate because I'm a gay, then go. I don't need your opinion." Akma na sana siyang lalabas ng comfort room nang hawakan ko ang braso niya. Napatitig siya sa parteng iyon at pagkatapos tumingin sa akin. "I hate you," mas lalong humigpit ang pagkahawak ko sa braso niya. Alam kong anytime isusumpa niya ako dahil sa pagiging arogante ko sa kanya. "I hate you but, I like you." I said while staring in his sharp eyes. Alam kong nagulat siya sa kanyang narinig dahil kitang-kita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit ko naibigkas ang mga salitang iyon. Kumusa ang mga labi dahil iyon ang sinasabi ng aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD