Chapter Eleven

1161 Words
Cyra wasn’t as excited as before upon seeing Jaycee coming through her door. Tulala siya. Kagat-kagat ang mga daliri, hindi pa rin maalis sa isip ang mga nasabi sa kanya ni Tita Rosanna. Nawala ang ngiti sa labi ni Jaycee nang makita ang estado nito. “Huy, okay ka lang?” She’s obviously fine. Nasaktan man siya sa biglaang pag-sumpong ng kanyang batok ay hindi naman iyon gaanong kalala para alalahanin. Isa pa’y sumasakit lang ang ulo niya kaiisip kung bakit nangyari iyon, dumaragdag lang sa problema niya tungkol sa pagdating ng isang kalaban. Nilingon niya si Jaycee, ang mukha’y parang iiyak. Lalo tuloy nag-alala ang binata at napalapit agad dito. “Sinaktan ka ba niya ulit?” Umiling si Cyra. That was like his default response whenever he sees her like this, na para bang kay Tita Rosanna na lang lagi nanggagaling ang mga dinaranas nito. Gayunpama’y sinuri pa rin siya nito at nakumpirmang wala nga itong bagong sugat na iniinda. So ano? Ano kayang iniisip nito? At bakit napakatahimik nito? “What’s wrong?” asked Jaycee. Pinaglaruan ni Cyra ang mga daliri niya sa kamay. Gusto niyang sabihan si Jaycee na huwag itong pumunta sa bahay sa susunod na linggo dahil delikado. Hindi nga lang niya magawa dahil sa pangamba niyang tuluyan siyang layuan nito sa takot. Baka sa oras na malaman nitong may isang taga-gobyernong darating eh lumipat na ito ng bayan. Hindi niya iyon kakayanin. Pero alam niyang walang magagawa ang pananahimik niya, kailangan pa rin niya itong iligtas. “Huwag kang pupunta rito sa susunod na linggo,” sabi niya. Napatulala si Jaycee sa pag-iisip. “Bakit naman?” Humigpit ang paghila ni Cyra sa kanyang mga daliri. “Basta.” At nang hindi pa rin kumbinsido si Jaycee, sabi niya, “May napanaginipan kasi akong masamang mangyayari.” Kahit wala naman talaga. “At ano naman iyon?” “Basta nga! Huwag ka nang makulit. Basta sundin mo na lang ako.” Hindi siya makatingin nang diretso. Jaycee knew Cyra was omitting something, but he knew he better not to force her spit it out. Instead he said, “E paano ka kung hindi ako pumunta? Sinong mag-aalaga sa’yo?” “Kaya ko naman ang sarili ko. Kinaya ko nga ng ilang araw.” “Sinong maghahatid ng pagkain sa’yo? Sinong magpapaligo sa’yo?” “Hinahatiran din naman ako minsan ni Tita.” He puffed his lips in disagreement. Bahagyang nangiti si Cyra. She likes it whenever they make fun of Tita Rosanna. It kinda loosened her chest. “Basta huwag ka nang makulit, please,” sabi niya rito. A long moment had passed with Jaycee just looking at her. These are the kind of moments Cyra wanted to reach inside his head. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng titig na iyon. Ano bang iniisip nito? Would he agree? Or would he still push on his questions? In the end, he nodded. “Okay. If that’s what you said. I’ll do it.” Nangiti si Cyra. “Ano ba ‘yung napanaginipan mo?” Akala niya’y tapos na ang usapan nila, hindi pa pala. “Hindi ko na maalala,” sabi niya. “But you know there’s something bad that would happen.” “Parang ganoon. Basta pagkagising ko, iyon na lang ang una kong naisip, na balaan ka.” Somehow, Cyra felt like her alibi’s working. Maybe this is where she’s good at? Lying? A good kind of lying? “Madalas ka bang managinip?” tanong ni Jaycee. Bahagya na itong nahiga, nakatagilid, at nakasandal ang ulo sa braso nito. “Oo. Iyon lang naman ata ang kayang gawin ng utak ko. Ang managinip at mangarap.” “Anu-anong madalas mong mapanaginipan?” “’Yung lumang bahay namin sa baryo. ‘Yung paghabol sa akin noon nung inahin na manok, paggulong ko sa damuhan, ‘yung kiliti ng bermuda sa balat.” She shrugged. “Madalas mga normal na bagay lang na nami-miss ko, na hindi ko na magawa pa ngayon.” “Gusto mo, dalhan kita ng isang sako ng bermuda? At magpagulong-gulong ka riyan sa gilid?” Ang mas gusto sanang marinig ni Cyra ay ang kahit pansamantalang kalayaan lang, kahit siguro gabi at walang makakakita, okay na iyon, makalanghap man lang siya ng hangin sa labas? Pero hindi pa rin niya maiwasang mangiti. The way Jaycee offered it felt like he’s offering her a new kind of candy at hinding-hindi niya iyon matanggihan. “Ikaw, anong madalas mong mapanaginipan?” tanong ni Cyra pabalik. “Paglipad.” “Oh?” “Hindi mo pa ba napanaginipan iyon?” “Minsan.” Pumikit si Jaycee at inimagine ang sarili sa himpapawid, ang kanyang mga braso’y nakaawang, na tila ba’y mga pakpak na pumapagaspas. Inimagine niya ang hanging dumarampi sa kanyang pisngi, ang sipol nito sa kanyang tainga. Nangiti siya. Si Cyra nama’y nakangiti lang na nakatitig sa kanya. Alam niya kung anong ginagawa nito sapagkat ganoon siya madalas. Ang isip ay nasa malayo at hindi rito sa malungkot na kulungan. “Alam mo bang kapag nanaginip ka ng lumilipad ka, nire-representa no’n ang kagustuhan mong maging malaya?” Napatango ito. “Malaya ka naman,” sabi ni Cyra. “Medyo. Nakakalabas-pasok ka naman kasi ng bahay.” “Hindi sa ganoon, Cy. Duwag ako. Sunud-sunuran.” Hinila nito ang sariling katawan pasandal sa pader, patabi kay Cyra. “Gusto kong kahit minsan naman sa buhay ko ay maging ako naman itong nasa kontrol.” “Anong sinasabi mo Jaycee? E ‘di ba nga kumilos ka para ipaglaban ang kapatid mo?” Nangiti ito at nayuko. May tonong painsulto ito sa kanyang sarili. “Kaya lang naman ako kumilos noon ay dahil sa galit. Ngayon, iba na ang nararamdaman ko. Napatungan na ito ng takot.” “Wala ka namang dapat ikatakot. Nandito naman ako,” sabi ni Cyra. Na siyang agad nakapagpalingon kay Jaycee. At first he wanted to laugh if she was joking. How could a thin-bodied girl protect someone like him? A man with toned muscles? A man who could fight off people? May superpower nga si Cyra pero hindi naman nito iyon kontrolado. But she looked so innocent after saying those words, and she meant it, like it was what her heart told her to say, which made Jaycee smile laughingly. Inangat ni Jayce ang sariling bangs at napatingala. “Pambihira. Oo nga naman, nandito ka.” He looked at her and leaned his body sideways, making their bodies fall slowly to the floor. Ikinawig niya ang kamay sa likod nito para maalalayan ang paglapag ng kanilang katawan. “At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay ka niya sa buhay ko,” sabi nito bago humalik.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD