Chapter Ten

1125 Words
Labindalawang oras lang nawala si Jaycee mula nang umuwi ito sa lugar nito, ngunit hindi matigil si Cyra sa kaiisip dito. Kanina pa siya gising at halos mapuyat na sa kaaabang ng kahit anong tunog sa labas. At nang makarinig lang siya ng kahit katiting na yapak papunta sa pintuan ay agad siyang napakaripas ng takbo papasalubong. Kaso lang, nang bumukas ito’y hindi ito si Jaycee, kundi ang Tita Rosanna niya. Agad siyang napa-atras. Anong ginagawa nito rito? E matagal na panahon na itong hindi bumibisita nang personal sa silid niya? Si Jaycee, nasaan? “Huwag kang matakot, iha,” sabi nito. “Hindi kita sasaktan.” Maraming beses na nitong nasabi ang mga katagang iyon, maraming beses na rin nito iyong napako. Ang tanging nagpaluwag kaunti ng loob ni Cyra ay ang hindi nito pagdala ng kahit anong armas na may apoy. Sa halip, sa kamay nito’y may plastic ng fried chicken, fries, hamburger, at softdrinks. Ayaw mang isipin ni Cyra na para sa kanya iyon dahil baka tawanan lang siya nito, ngunit hindi niya mapigilang umasam. Napalunok siya nang dumapo ang amoy ng mga ito sa kanyang ilong. Hindi niya ito matanong kung bakit nito naisipang bumisita. Sariwa pa rin kasi sa kanyang memorya ang ginawa nitong pagmamalupit noon, matapos ng naudlot na tawag ng Papa Isidro niya. “Upo ka,” sabi ni Tita Rosanna. Nginuso nito ang higaang yelo ni Cyra. Nagtataka man ay sumunod na lamang ang dilag. She was reminding herself that she saw no flamethrower on her. She’s safe. Somewhat. Inilapag nito ang dalang pagkain sa bakal na mesa sa gilid. Humila ng monoblock, saka naupo sa tapat ni Cyra. “Pasensya pala sa ginawa ko sa’yo noon,” sabi nito. “Nadala lang naman ako ng galit. Ikaw kasi, kasalanan mo rin naman, sinabihan na kitang huwag magpapasaway, ginawa mo pa rin.” Hindi alam ni Cyra ang isasagot. Ang marinig ang salitang pasensya sa bibig nito’y tila hindi makatotohanan. Posible kayang imahinasyon lang niya muli ito? Kinurot niya ang sarili. Hindi naman. “Hindi bale na,” dagdag ni Tita Rosanna. “Kaya lang naman ako naririto ay para sabihan kang maghanda dahil may bisita tayong kano.” “Po?” “May pupunta ritong nakilala ko sa internet. Katunayan gusto ka nga rin niyang makilala. Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan siya sa’yo ‘di ba?” “Hindi po ba makasasama iyon sa akin? Paano kung makilala niya po ako?” “Sus, paano naman mangyayari iyon e ‘yung pakikilanlan mo lang ay mula lang doon sa litrato mo nung bata ka. E tignan mo sarili mo? Dalaga ka na’t hinog pa iyang dibdib mo. Sinong makapagkukumpara sa’yo roon sa patpating bersyon mo noon?” There’s this slight tone of indifference that she hated from her Tita Rosanna’s voice. There’s this sound of feeling close too, as if wala itong nagawang kasalanan sa kanya noon. Even her apology earlier wasn’t sincere. Her eyes are a bit bored. Inangat ni Tita Rosanna ang braso papalapit kay Cyra. Unang reaksyon agad ng dilag ay ang matakot at mapaakap sa sarili ngunit marahan lang itong hinampas ng Tita niya. She was checking something. Pinisil-pisil nito ang laman ng kanyang braso. “Mga dalawang linggo pa naman bago dumating iyon, kaya,” tumango-tango ito na parang sarili nito ang kausap, “mukhang kaya mo pa namang patabain ang sarili mo.” At bakit naman niya kailangang magpataba sa bisita nito? Para saan? Ibebenta na rin ba siya? Kakatayin na rin ba siya gaya nitong mga baboy sa harapan nila? “May isang seryosong tanong ako sa’yo,” sabi ni Tita Rosanna. And it actually felt serious dahil nawala ang bored look sa mata nito, napalitan ng pagtitig nito nang walang kurapan. “Nagalaw ka na ba ni Jaycee?” tanong ni Tita Rosanna. “Ano po?” “Tanong lang naman iyon. Hindi naman ako magagalit kung oo o hindi.” Hindi sumagot si Cyra. Naisip tuloy ni Tita Rosanna kung hindi ba nito naintindihan ang tanong. “Alam mo na,” klaro nito, “iyong kung pinasok na ba niya sa’yo ang ano niya?” “Hindi po. Bakit naman po niya gagawin iyon?” “Wala lang. Ito naman, curious lang naman. At least nakumpirma kong hindi. Ayos iyan.” Cyra waited for her to explain, but Tita Rosanna was busy typing on her cellphone. It’s a rare sight. Them sitting in front of each other, just talking. And though they weren’t actually exchanging any relevant information about themselves, Cyra was glad that nothing bad was happening. Kadalasan kasi kapag makita lang niya si Tita Rosanna, unang pumapasok agad sa isipan niya’y sasaktan siya agad nito. Ngayo’y kataka-takang hindi. Inangat ni Tita Rosanna ang mukha nito, at nagsabi, “Nga pala, kapag nagpakita na rito si Orlando—siya ‘yung bibisita rito—huwag na huwag mong ipapakita ‘yang kapangyarihan mo ha? Kawani kasi siya ng gobyerno. At alam mo na ang ginagawa nila sa mga tulad mo? Kinakain. Oo. Pero una muna’y pakikinabangan muna nila ang dugo mo, pero sa huli ay kakainin ka rin nila. Seryoso!” Umiling-iling si Cyra. Ngunit hindi sa huling sinabi nito siya natakot, kundi ang nalaman niyang impormasyon na kawani ng gobyerno itong dadalo sa kanila. “Paano si Jaycee?” agad nitong sabi. “Anong paano si Jaycee?” “’Di ba po kalaban siya ng gobyerno? Paano kung makita siya rito? Paano kung hulihin siya?” Kunot-noo lang na nakatitig si Tita Rosanna. “Hindi ko alam iyang sinasabi mo.” Imposible. Pero iyon mismo ang inamin sa kanya noon ni Jaycee. Imposible namang mag-imbento ito? E kung hindi iyon ang alam ni Tita Rosanna na panghawak niya rito sa leeg, ano? Balak pa sanang magtanong ni Cyra, pero nang tangkain niyang buksan ang kanyang bibig ay parang may biglaang pagputok na naganap sa kanyang batok. It wasn’t like a bomb explosion, more like a random nerve popping na biglang nakapagpatumba sa kanya. “Oh, ano nang nangyari sa’yo?” tanong ni Tita Rosanna rito. “Bastos talaga itong batang ito, kausap ko pa, pero tutulagan na agad ako. O s’ya!” Pahampas ito sa hitang tumayo. “Kainin mo itong binigay ko sa’yo ha? Ubusin mo lahat ng iyan!” Nakatitig lamang si Cyra sa tuloy-tuloy nitong pag-alis. Walang kibo at walang maigalaw. Pakiramdam niya’y isa siyang robot na bigla na lang tinanggalan ng baterya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD