Chapter One

933 Words
Cyra is cryokinetic, but she doesn’t know what that means. Being locked up in a dark storage room for a long time, lumaki siyang walang gaanong alam sa mundo. Kahit ang magsulat, kahit ang magbilang sa kanyang kamay. Ang tanging alam lang niya’y may kakayahan siyang kontrolin ang lamig, na kaya niyang magpalabas ng yelo sa kanyang katawan tuwing siya’y nagagalit. At alam din niyang ito ang pinaka-ugat ng pagkulong sa kanya ng Tita Rosanna niya, dahil siya’y naiiba. There’s no indication of time inside this small space she’s been in. Ang konsepto ng umaga’t gabi ay wala sapagkat wala ring kahit anong bintana na pwede niyang pagkunan ng impormasyon sa labas. Ang tanging kasama lang niya rito’y ang mga nakasabit na patay na katawan ng mga kinatay na baboy. Nakahilera ang mga ito sa harapan niya, ilang lakad lang ang layo sa higaan niya—kung higaan nga bang matatawag ang sahig. She was staring at the dead meat in front of her. Having second thoughts kung muli na naman ba siyang kakagat dito. Tatlong araw na kasi siyang hindi nakakakain mula nang balutin niya ng makapal na yelo ang pintuan ng kanyang munting mundo. Pinagmalupitan na naman kasi siya ng kanyang Tiya. Sinumpong na naman mula sa pagkaalala nito sa kasalanan niya, na siyang hindi naman niya maalala. Isang mahinang kaluskos ang yumanig sa diwa niya. Napadpad agad ang kanyang paningin sa direksyon ng kanyang pinto. Nang may sumunod pang yapak mula sa labas ay tumakbo na siya patungo rito. Kahit pa matagal niya nang nabalutan ng yelo ang pintuan ay hindi siya nakuntento. Lalo niya pa itong kinapalan. Ayaw niya na kasing makatanggap pa ng paso sa kanyang balat. In fact, she could still feel the sting of the burn in her arm. Whoever’s outside decided to knock. At isang bagay agad ang kanyang naisip. “Jaycee?” tanong niya. A hint of hope in her voice. “Ako nga ito.” “Jaycee!” Halos magtatatalon siya sa tuwa. Tinakpan niya ang kanyang bibig, ang mata’y tila luluha nang bigla. Dahil walang tiyaga ang Tita Rosanna niya sa pag-aalaga, si Jaycee na lang itong tumayong caretaker niya. Bente-singko anyos na itong binata at matanda sa kanya ng pitong taon. Tattoed on the arm with fire symbols, a bit of a hunk gawa ng pagiging dating butcher nito, short-lipped, kind eyes. Siya itong naging tanging kakampi ni Cyra. Ang natitirang kulay ng kanyang mapaklang mundo.  Sinubukan ni Jaycee na pihitin ang hawakan ng pinto ngunit hindi niya ito magawang itulak. “Uhh, tunawin mo na lang,” sabi ni Cyra bilang tulong. But she didn’t have to tell that dahil maraming beses na rin itong nangyari noon, and the house already had things to cancel her ice. Rosanna had several stocks of flamethrowers as her form of self-defense and as a weapon of torture. Ilang burn scars na rin ni Cyra ang makapagpapatunay dito. It took Jaycee about ten minutes bago tuluyang mabuksan ang bakal na pinto.             Cyra wanted to leap towards him but was stunned on the light for a moment. Ilang beses muna siyang napakurap bago nakapag-adjust ang kanyang paningin. Matagal na kasing sira ang ilaw ng kanyang silid kaya ilang araw din siyang nagdusa sa dilim. Itinabi ni Jaycee ang makinang gamit pangpainit ng pinto at hinarap si Cyra. “Huwag kang matakot,” anito. “Wala siya rito. Walang mananakit sa’yo.” Her heart tightened. Para siyang penguin sa pag-ika-ika sa paglapit kay Jaycee. Agad siyang yumakap sa katawan nito. She missed the feel of his body. The fullness of his torso, the roundness of his shoulders, and the thickness of his arms—she took it all in like how water absorbs heat. “Bakit ang tagal mong bumalik?” tanong niya. “Akala ko iniwan mo na ako.” Cyra didn’t know that Jaycee has a life of his own, na hindi araw-araw ay available ito, na meron din itong babaeng inuuwian. Ka-live in. Jaycee told her a lot of times about his status. Pero malay ba niya kung ano ang isang live-in partner? O girlfriend? What she knows is the term friend, and a friend, based on how Jaycee told her before, was someone who stays by your side. At ikinasasama ito ng kanyang loob dahil tila nakalimutan ito ng kaibigan niya. She buried her face in his chest. “Please, huwag mo na akong iwan ulit.” Jaycee was brushing her hair. Frizzy and frosty. “I won’t. I promise,” sabi nito. “And I’m sorry din. Hindi ko akalaing magagawa niya uli iyon sa’yo.” But to Cyra, hearing Jaycee’s promise was already enough. Wala na siyang pakialam sa kalupitan ng kanyang Tita. To her, it’s something no one could ever change. Ang ironic pa ngang isipin na kung sino pa itong walang ice powers ay siya pa itong matigas ang puso. “Tara na,” sabi ni Jaycee. For a moment, Cyra’s hopes went up. Una kaagad niyang naisip ay ang pagtupad na sa wakas ni Jaycee sa pangako nitong itatakas siya nito. But then Jaycee clarified, “Kailangan mo nang kumain at magbihis. Tatawag ngayon ang Papa mo.” Hearing the word Papa killed her smile. Wala akong Papa, gusto niyang sabihin, dahil kung totoo raw na may Papa siya, matagal na sana siyang nakaramdam ng pagmamahal dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD