Habang bumibiyahe sila pauwi ay napuno nang katahimikan ang sasakyan, Adrian was driving habang si Celine naman ay nakatanaw sa mga liwanag na ibinibigay nang street lights na kanilang dinadaanan.
She once looked into Adrian at kita niya ang salubong na kilay nito, na siyang dahilan kaya napa isip siya nang dahilan kung bakit.
Ayaw niyang maging assuming pero half of it ay umaasa siya na siya ang dahilan kung bakit bigla na lang itong nagalit, umaasa siya na dahil sa sinabi niya na nabubully siya ay ang dahilan kung bakit biglang nawalan ito nang gana na sabihin ang dapat sasabihin niya.
Gusto niya na maging dahilan nang pagkainis nang binata, pero alam niya na malabo iyon mangyari na ang isang Adrian Torres ay magagalit nang dahil sa isang katulad niya.
She felt alone and lonely the whole ride kahit pa katabi niya lang naman si Adrian, maraming tumatakbo sa isipan niya na alam niyang hindi niya kayang bigyan nang kasagutan, kaya minabuti na lamang niyang manahimik at maghintay nang oras na maihatid siya nang binata sa tapat nang kanilang bahay.
Malapit na siya magtapos pero wala pa rin pagbabago sa kanilang bahay, kung gaano ito kasimple at kaliit ay ganoon pa rin ito, dahil gustuhin man niya na ipaayos ito ay alam niyang sa ngayon ay hindi pa niya kaya dahil hindi pa naman siya nagta-trabaho pero balak na niya talaga itong ipaayos. Ilang minuto pa ang lipas ang tumigil ang puting sports car ni Adrian sa tapat nang kanilang bahay na ikinagulat naman nang kaniyang ama at ina, dahil nakasanayan na nang mga ito na maghintay sa kaniya sa labas lalo kapag gabi na siya makaka-uwi.
Agad naman na tumayo sa pagkakaupo ang magulang ni Celine para bumati sa binata.
"Magandang gabi po señorito, ano po ang dahilan at sakay niyo po si Celine?" nagtatakang tanong nang ama ni lyny
"Wala naman po, sabay lang po natapos ang klase naman kaya naman isinabay ko na po si Celine." Magalang na sagot nang binata.
"Ganon po ba, maraming salamat po sa inyo señorito,".
"Walang anuman po, mauna na po ako."
"Maraming salamat po, mag iingat po kayo."
"Salamat po." Sagot naman nito sabay patakbo nang kaniyang sasakyan.
Hindi na nagawang magpa salamat ni Celine dahil sa mabilisang pag-alis nito, nag kibit balikat na lamang siya kahit pa nag-aalala kung ano ba ang nangyari at biglang nagbago ang mood nito.
"Anak, hindi ka manlang nagpasalamat kay Adrian sa paghatid niya sayo," usal nang kaniyang ina.
"Bukas na lamang po inay, dahil sigurado naman na magkakasalubong kami sa campus, pumasok na po tayo at malamig na." Sagot niya rito.
"O siya sige, basta bukas ay wag mo kalilikutan na magpasalamat sa señorito."
"Opo, papanhik na po muna ako para makapag bihis at may gagawin pa rin po ako."
"Bumaba ka pagtapos mo magbihis at kakain muna tayo bago mo gawin ang dapat mong gawin."
"Opo!" pasigaw na sagot nito dahil nasa taas na siya .
"Ang batang yon talaga." Napailing na lamang ang kaniyang ina dahil sa kaniya, araw araw ay ganon ang gawain niya kaya naman hindi na siya pinagsasabihan nang kaniyang mga magulang pa dahil alam naman nila na dalaga na ang nag-iisang anak nila.
Habang nagmamaneho ay hindi maintindihan ni Adrian ang nararamdaman, naiinis siya sa nalaman at the same time ay gusto niyang i-comfort si Celine pero alam niyang wala siya sa lugar.
Sa sobrang inis niya ay hindi na niya namalayan na hindi man lamang niya ito hinayaan na magpasalamat sa kaniya dahil sa biglaang pagalis niya, bukod sa pagkausap sa mga taong alam niyang nambubully kay Celine ay hindi pa niya alam ang ibang dapat gawin para naman tumigil ang mga ito sa ginagawa sa dalaga.
Hindi niya pwedeng idawit ang pangalan nang kaniyang lolo dahil alam niyang matindi magalit ito, at magagalit iyon sa kaniya kung sakali. Lumipas ang magdamag pero halos hindi siya nakatulog sa kakaisip aa mga pinagdadaanan ni Celine sa paaralan.
Hindi niya mawari ang mga dahilan nang mga estudyante kung bakit kailangan nilang ganunin ang dalaga kahit pa wala naman itong ginagawa sa kanila. Tahimik lang si Celine sa school, pag-aaral lang ang inaatupag nito, halos wala nga rin itong masasabing kaibigan dahil sa mas gusto nito na magbasa na lamang nang libro kaysa naman ang makipag-kwentuhan sa ibang tao kaya naman lalong tumataas ang kaniyang inis sa tuwing naiisip iyon.
Dumating ang umaga at tuluyan na ngang hindi siya nakatulog, wala man tulog ay pakiramdam niya kumpleto ang kaniyang tulog dahil sa buong-buo pa rin ang inis na kaniyang nararamdaman. He wanted to do something and he knows na ka-kailanganin niya ang tulong ni Rey dahil after all para naman kay Celine ay binabalak niyang gawin na alam naman niyang sasang-ayunan ng pinsan nitong si Rey.
He got up and take a shower para makapag-ayos na at nang makapunta na siya sa university, he contacted Rey last night para sabihan na pumasok nang maaga kasi may pag-uusapan silang mahalaga tungkol kay Celine, he wanted to do something dahil kung babalewalain niya iyon ay maaaring maulit iyon at baka lalong hindi siya makatulog kapag ganoon.
He went to school early as five thirthy am kahit pa eight am pa ang kaniyang klase, sobrang aga man ay hindi na nakapag-reklamo si Rey dahil sa narinig nitong kwento ni Adrian.
Sa bleachers sila maghihintayang dalawa, dahil sa laki nang university baka magka-walaan pa silang dalawa.
"Sobrang aga ah." hihikab hikab na sabi ni Rey kay Adrian nang makalapit ito sa kaniya.
"Mas maganda nang maaga para wala pang estudyante, mahirap na kapag nagdatingan na sila." Sagot naman nito.
"Lately nahihiwagaan ako sa mga ikinikilos mo, at kagabi lang na-confirm ko," said Rey while teasing Adrian.
"Kung ano man iyang nasa isip mo ay alisin mo iyan, i'm just concern tsaka feeling ko kasalanan ko."
"Sus," Rey shrug. "Malabo naman siguro na maging ikaw ang dahilan? if ever man bakit naman ganon." Kibit balikat na sabi nito.
"See, kahit ikaw ay hindi lubos maisip iyon, lalo na ako no."
Patuloy silang naglakad papunta sa first class ni Celine, they planning to stay hidden in thag classroom hanggang sa dumating lahat ng classmate ni Lyny, surely kahit papano ay makikilala nila kung sino ang gumagawa nang kalokohan kay Celine.
Hihikab hikab man at pupungas pungas pa ay sumang-ayon na lamang si Rey sa plano ni Adrian dahil ayaw rin naman niyang maulit pa ang pangyayaring iyon kay Celine, may kaunti mang tampo dahil sa hindi ito ipinagtapat nang pinsan sa kaniya ay naiintindihan niya ito dahil alam nilang parehas na wala naman silang magagawa, tanging si Adrian lang ay may kakayahan na gumawa nang paraan para matigil ang mga kalokohan ng mga ka-eskwela ni Celine.
Wala man kasiguraduhan ang kanilang ginagawa ay umaasa sila na malaman at mah
uli nila kung sino sino ang gumawa nang bagay na iyon sa kaniyang pinsan.