Chapter 2

1262 Words
Adrian’s cold eyes drop down on her arms on Rey’s waist. Nag-iwas siya ng tingin at hindi binati ang binata. “Sa planta ba ang tungo mo Adrian?” Tanong ng kaniyang ama. “No, I’m just roaming around to smell some fresh air.” “Ganoon po ba? Sige po at mauuna na kami.” Pinadyakan ni Rey ang motor at nagsanhi iyon ng tunog, ganon din ang ginawa ng ama ni Celine sa truck na sinasakyan nito. “Wait,” ani Adrian kaya napalingon ang mga ito. “Bakit ho?” tanong ng ama. “Pumunta kayo sa mansion sa sabado, birthday celebration ko.” Walang kaemo-emosyong sabi nito. “Sige ho!” masiglang sagot ng ama niya. “Maraming Salamat sa imbitasyon.” Hindi na sumagot pa si Adrian, bagkus ay inantay na lang niyang lumampas sila Celine sa harap niya. Hindi na nilingon pa ni Celine ang lalaki at nilibang na lang ang kaniyang sarili sa pagtingin sa kapaligiran. Hindi mawaksi sa isipan ni Celine ang masamang tingin na ibinigay sa kaniya ni Adrian noong araw na nagkasalubong sila sa daan dahil wala naman siyang ginagawang masama sa binata. Kaya hindi maalis sa isipan niya na matakot para sa araw ng sabado. Hindi maalis sa isipan ni Celine ang palaging sinasabi sa kaniya ng mga kaklase, kesyo pangit daw ito at kahit kailan ay hindi magkakanobyo. Kung tutuusin hindi pangit si Celine, nagkataon lang na hindi siya marunong mag-ayos at nang-galing siya sa mahirap na pamilya kaya ganoon na lang kung mata-matahin siya ng mga ka-eskwela. Kaya sa pag-aaral na lang ni Celine ibinubuhos ang buong atensyon niya para hindi niya maramdaman at marinig ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya kahit alam naman niya sa sarili niya wala lang magawa ang mga iyon kundi ang pagusapan silang mga anak mahirap sa unibersidad kung saan siya nag-aaral. Biyernes pa lang ay hindi na alam ng kaniyang ina ang gagawin lalo na at nalaman nito may darating na taga maynila. Kaya naman kahit kakaunti na lang ang kanilang pera ay niyaya nito ang ama ni Celine na pumunta sila sandali sa bayan para mabilhan ng damit at sandalyas na maisusuot ni Celine sa gabi ng party. Araw na ng sabado at kagaya nga ng napag-usapan nilang magpinsan ay kasama nga sila sa napiling maimbitahan sa selebrasyon ng kaarawan ni Adrian. Kung kay Celine lang ayaw niya sana dumalo, ngunit nakapangako na siya kay Rey at ayaw naman niyang sumama ang loob ng pinsan niya sa kaniya, kaya kahit ayaw niya ay sabay silang pupunta. Sa ganitong pagkakataon, minsan ay naiisip ni Celine na sana ay ipinanganak siya sa mayamang pamilya para kaya niyang makipag-sabayan sa mga tao at para mawala na rin ang pang-mamata ng iba sa kaniya dahil maging siya ay nagsasawa na sa mga naririnig niya kahit pa binabalewala na niya. Alas-syete ang napag-kasunduan nilang oras ni Rey na pupunta sa Hacienda kaya alas-sais pa lang ay naligo na siya upang may oras pa para makapag-ayos man lamang nang sarili niya. “Anak nakaligo ka na ba?” tanong ng ina. “Opo nay, bakit po?” “May iaabot sana ako sa iyo anak.” “Pasok po kayo nay,” agad niyang binuksan ang pinto kahit nakatapis pa lang siya ng tuwalya. “Ano po ba iyon nay? Magbibihis pa lang po ako.” “Ito o isuot mo,” sabay abot ng isang kulay itim na bulak-laking dress na abot hanggang tuhod kasama ng isang pares na sandalyas sa kaniya. “Nakita namin iyan ng tatay mo sa bayan noong lumabas kami.” “hala nay! Baka po mahal ito, bakit naman po nag-abala pa kayo e pwede naman po na pantalon na lang ang isuot ko.” “Ano ka ba anak, ayoko naman na pupunta ka sa magarbong salo-salo tapos pantalon ang suot mo, mura lang iyan kaya huwag ka mag-alala.” "Hindi po ba masyadoa maiksi inay?" "Ano ba ang gusto mo anak? ang mag-muha kang palaboy roon?" "Hindi naman po, kaya lang hindi po ako sanay mag-suot ng ganito." "Sanayin mo anak, ngayong gabi lang naman." Wala na siyang nagawa kundi ang isuot nga iyon. Nalaman din kasi ng kaniyang ina na limitado at pili lamang ang inimbitahan ni Don para sa kasiyahan na iyon kaya naman nagmadali ito na bilhan siya ng damit para naman kahit papaano ay mag-mukha naman siyang presentable. Agad niyang niyakap ang ina dahil sa tuwa at saya na sa wakas ay makakapagsuot din siya ng damit na nakikita niya lang sa iba. Eksaktong alas-siyete ng dumating si Rey sa bahay nila at laking gulat nito sa laki ng pagbabago sa naging ayos niya. Suot-suot niya ang dress at sandals na binili ng ina, naglagay din siya ng kaunting kolorete sa mukha at ipinusod ang buhok niya na naging dahilan upang maexpose ang leeg niyang maganda. Matangkad si Celine kaya kitang-kita ang mahabang leeg niya sa ayos niya na bumagay talaga sa kaniya. Hindi mahilig si Celine mag-ayos ng sarili kaya hindi alam ng mga tao na maganda talaga siya dahil ang nakikita lang naman nila ay ang itsura niya na akala mo hindi nagsusuklay dahil sa gulo-gulong buhok kapag pumapasok sa school. At ang tangi lang din nila nakikita ay ang estado nila sa buhay. “Himala ata at nag-ayos ka ngayong gabi Celine, ang buong akala ko ay magsusuot ka na naman ng lumang pantalon na paparisan mo ng rubber shoes mong luma na.” pang-aasar na sabi ni binata. “Alam mo Rey kung wala ka namang sasabihing maganda ay subukan mong isara ang bibig mo dahil hindi naman nakakatulong.” Pairap na sabi naman ng dalaga. “Nako! Kayong dalawa talaga napakahilig mag-asaran, lumakad na kayo at baka mahuli pa kayo.” Singit ng ina ni Celine. “Opo inay aalis na po kami, huwag niyo na po ako hintayin mamaya at baka gabihin na po ako ng uwi.” “Muuna na po kami Tita at baka mahuli pa po kami, ihahatid ko po ng ligtas si Celine mamaya.” Wika ni Rey sa tiyahin. “O sige mga anak mag-iingat kayo, mag-enjoy kayo sa party.” Habang tinatahak nila ni Rey ang madilim na daan patungo sa hacienda ay hindi maiwasan ni Celine na isipin ang mga salitang lagi niya naririnig sa mga ka-eskwela na siya raw ay pangit kahit pa anong magandang damit ang isuot, na kahit kailan daw ay hindi siya makakakilala ng lalaking magmamahal sa kaniya. At kahit pa maglagay siya ng kolorete sa mukha ay hindi na tatalab sa kaniya. Bata pa lang si Celine ay alam na niya ang katotohanan na marahil ay Malabo nga siya makakilala nang lalaking tatanggap sa kaniya dahil batid niya na hindi sila mayaman at hindi siya maganda. "Ayos lang ba ang suot at itsura ko ngayon Rey?" Nag-aalalang tanong niya sa pinsan. "You look wonderful tonight Celine, kaya huwag ka mag-alala." Sagot ng pinsang si Rey. "Thankyou Rey." Para sa kaniya ang buhay nila ay malayo sa buhay ng mga taong nasa siyudad nila. Lagi niya rin naririnig galing bibig ng kaniyang ina na mas mabuti nang wala siyang makilalang lalaki na magpapatibok ng puso niya kaysa naman makakilala nga siya pero sasaktan din naman siya sa bandang huli. Kaya hindi sumagi kailan man sa isip ni Celine ang pagkakaroon niya ng kasintahan. Sumagi man ito pero mabibilang mo lang sa patak nang ulan. Batid niya na ang mahirap na kagaya niya malabong makakilala ng lalaking handing tanggapin at mahalin siya sa buhay na mayroon sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD