Pag-dating sa ganoong usapin ay negatibo siya mag-isip dahil na rin sa alam niya ang buhay na mayroon sila. Ang palagi niya na lamang sinasabi sa sarili ay kailangan mag-aral ng Mabuti para makapagtapos at para maiahon ang buhay nila at maisaayos ang pamumuhay nila. Mababait ang mga magulang ni Celine kaya alam niya na walang kulang sa buhay niya kahit pa mahirap lang sila. Minsan nang sinabi ng pinsang si Rey sa kaniya na siya ay maganda sadyang hindi lang siya palaayos ngunit hindi siya naniwala dito dahil ang akala niya ay nagbibiro lang ito sa kaniya. Dahil nga sa nasanay siya na laging niloloko nang pinsan niya kaya kahit ano mang sabihin ito ay hindi niya pinaniniwalaan kahit pa iyon ay katotohanan.
Para sa kaniya ay tama naman ang payo nang kaniyang ina. Kailangan niya na patayin sa isipan niya na balang araw ay makakakilala siya ng lalaki na mag-mamahal sa kaniya at tatanggapin siya lalo na sa estado ng buhay nila.
Ilang minuto pang biyahe ay dumating na rin sila sa Hacienda Torres, ilang na ilang si Celine lalo na nang halos lahat ng tao sa party ay nakatingin sa kanila ni Rey habang tinatahak nila ang daan papasok sa mismong mansyon. Nais nilang mag-bigay galang kay Don Roberto kaya naman mas inuna nila na pumasok sa loob bago ang maki-halubilo sa karamihang tao sa labas ng masyon, sa hardin kung saan ginanap ang pag-diriwang. Mga bata pa lang sila ni Rey ay kilala na sila ng Don dahil isa nga sila sa maraming scholar nito kaya kinilala talaga sila ng Lolo ni Adrian. Hirap na hirap siyang lumakad dahil sa heels niyang suot kaya naman alalay siya ng pinsang si Rey, nagmukha tuloy silang prinsipe at prinsesa dahil sa naka-abrisyete pa silang dalawa.
Celine was in awe. It felt so surreal being in Hcienda Torres. Sa labas pa lang ng hacienda ay malalaman mo na agad na maganda ang looban nito kapag napasok mo.
May mga ilang sasakyan rin na nakaparad at may iilan namang paparating pa lang galing sa malayo at naglalakihang gate ng hacienda.
Even the driveway was full of dim lights that illuminate the whole place otside, kung saan ginaganap ang kasiyahan. Nag-aalangan man sila na baka hindi sila papasukin ay dumeretso na rin sila sa kagustuhang bumati kay Don Roberto.
"Magandang gabi po Don Roberto." Sabay nilang bating mag-pinsan rito.
Nakangiti itong sumagot sa kanila."Mabuti at pinaunlakan ninyo ang imbitasyon ng aking apo, salamat sa pag-punta ninyo iho at iha," sandali itong sumilip sa likuran nila."Nasaan ang mga magulang ninyo at bakit kayo lang ang nandito?" Nagtatakang tanong ng Don sa kanilang dalawa.
Dahil sa kaba na narararamdaman ni Celine ay minabuti na lang ni Rey na siya ang sumagot sa tanong ng matanda.
"Pag-pasensiyahan ninyo na po Don ang hindi nila pag-dalo dahil sa hindi po maganda ang pakiramdam nila dahil sa pagkakabilad sa arawan at pagod na rin po ng katawan kaya maaga po sila nag-pahinga." Magalang na sagot ni Rey sa Don.
"Ganoon ba iho, o siya sige ayos lang dahil nandito naman kayo, halika at sasamahan ko kayo sa hapag-kainan para makakain na kayo. Nakangiting sabi nito.
Sa isip ni Celine ay mabait naman ang matanda kaya bakit masamang tao ang turing ng iba rito, marahil siguro ay dahil sa kasamaan ng ugali ng nag-iisa nitong apo na si Adrian, kaya pangit rin ang tingin ng mga tao sa Lolo nito.
Lahat ng tao ay kaliwa't kanan ang bulungan dahil nga sa kasama nila ang Don na lumabas ng mansyon at sinamahan pa sila nito sa hapag-kainan. Habang masaya silang nag-kukwentuhan habang kumakain ay bigla naman nag-salita ang emcee ng party kaya napatigil sila sa pagkain at nakinig muna rito.
"Magandang gabi sa inyo lahat, mga panauhin, kaibigan at mga kapamilya na nag-punta sa ating munting salo-salo ngayong gabi, nais ko lamang po ipabatid sa inyo na in any minute ay lalabas na po ang ating celebrant kaya kumain na po lahat tayo, enjoy your food guys. Thankyou Don Roberto for this opportunity." Masayang sabi ng emcee.
Kumaway lang si Don rito at tsaka itinuloy ang pagkain.
"Maiba tayo,iha palagi ka nai-kukwento sa akin ng aking apo kaya naman gusto talaga kita makita at makilala."
"Po?" pasamid na tanong ni Celine dito."Nako Don Roberto wala naman po magandang maikukuwento tungkol sa akin si Sir Adrian."
"Sino ang nag-sabi noon sa iyo iha? everything that He says about you was wonderful."
Isang baritonong boses lalaki ang tumukhim sa likod nila matapos sabihin iyon ng Don.
"O apo, akala ko ay mamaya ka pa lalabas?" Kibit balikat na tanong nito.
"May nakapag-sabi kasi sa akin Lolo na kung ano-ano raw ang sinasabi ninyo." Gigil na sagot ng binata dahil kung nahuli siya ay baka kung ano na ang nasabi nito kay Celine.
"Sa totoo lang ay wala pa akong nasasabi, nag-sisimula pa lang sana ako kaya lang mukhang ayaw mo naman ipasabi kaya tatahimik na lang ako." Png-aasar ng matanda sa apo.
"Thankyou Lo."
Bago ito tuluyang bumalik sa mansyon at lumingon muna ito kay Celine at sinabing
"Don't mind Him, ulyanin na si Lolo baka paniwalaan mo ang mga sasabihin niya sa iyo." Sabay lakad nito palayo sa lamesa nila.
"Weird." Bulong ng pinsang si Rey sa sarili nito.
"Ha?" Tanong ni Celine
"Wala naman." ani Rey.
"Okay, ubusin mo na ang pagkain mo para maibalik ko na ang mga plato." Nakangiting sabi niya rito.
"Ako na lang Celine, mag-kwetuhan na lang muna kayo ni Don rito at titignan ko lang kung may kaibigan ba ako na imbitado rito.
"Okay sie, basta balikan mo agad ako rito ha."
"Promise." Nakangiting sabi nito kaya naman napanatag na ang loob ni Celine na agad nga siyang babalikan ng kaniyang pinsan.
Itinuloy na lang niya ang pagkain at nailang na muling makipag-kwentuhan kay Don Roberto na sige lang ang titig sa kaniya. Naiilang man ay tinanong niya rin ito.
"May marumi po ba sa mukha ko Don?"
'Call me Lolo iha, masyado naman ang Don p[ara tuloy ang strikto ko masyado."
"Sorry po." Pg-hingi niya ng paumanhin rito.
"About your question, wala naman iha, natutuwa lang ako titigan ka kasi ang sabi nila ay pangit ka, hindi naman pala." Nakangiting sabi ng matanda sa kaniya na nag-papula ng mga pisngi niya.
"Pasensya na po kayo at wala po akong dalang regalo para kay Sir Adrian."
"It's okay iha, ang mahalaga naman ay pumunta kayo sa selebrasyon niya, kaya alam ko na masaya siya lalo at nandito ka."
Binale wala na lag ni celine ang mga naririnig niya sa matanda dahil sa sinabi ni Adrian a huwag papakinggan ang mga sasabihin nito dahi nag-uulyanin na raw ang kaniyang Lolo.