When She's sick

1331 Words
Madalas kasi itong pangiti ngiti lang kaya naman hindi niya alam kung gaano ba ito kalakas tumawa. “Ano bang nangyari sa iyo at biglang sumakit naman yang ulo mo” Rey asked Celine. “Baka dahil sa sobrang init kanina tapos biglang sobrang lamig naman sa library” Sagot naman niya rito. “Sa susunod kasi magdadala ka nang maraming tubig, or kung wala ka man dala bumili ka, or sa canteen may libre namang tubig doon.” Sermon pa ni Rey. “Uminom naman ako, kasalanan ko ba na hindi kinaya ng katawan ko ung sobrang init at lamig,” sabay irap nito. “Manenermon pa.” “Concern lang, kung mamasamain mo bahala ka! Tss” kunyaring pagalit na sabi nito. “Thankyou, you know how I thankful I am pagdating sa iyo Rey, kaya lang may mga bagay na hindi naman natin alam na mangyayari, thankful na rin ako at sakit lang nang ulo ang nakuha ko, nakatulog naman ako the whole class kaya kahit papaano ay okay na ako.” “Okay sige, hindi ko na sasabihin yan kanila tiya, pero siguraduhin mo na hindi na ulit yan mangyayari, pilitin mo iwasan at ang hirap magkasakit ngayon, lalo na sa katulad natin na walang pera pang pa-ospital.” Mahinahon na sagot ni Rey. “Alam ko, sorry,” malungkot na sagot niya rito. Sinampal na naman siya kasi nang katotohanan na mahirap lang sila, na ultimo pag papa doctor ay hindi nila kaya, kaya bawal silang magkasakit. "Sa bagay hayaan muna at ngayon ka lang naman nagkasakit, noong mga nakaraang taon naman ay hindi, maigi na lang din ag hindi ka nilagnat," concern na sabi nang pinsan. "Kaya nga, kung hindi malaking problema pa iyon kanila inay, wala p naman kaming stock nang gamot sa bahay dahil hindi naman nakakapunta sa bayan si itay," sagot naman niya habang nakatingin sa mga sasakyan sa labas ng bintana. " Mabuti na lang talaga at nawala na." Pabulong na pahabol na sabi pa nito. "Kaya nga," pag-sang ayon naman ni Rey. Habang si Adrian naman ay simpleng nakikinig sa usapan nang dalawa ay nakaramdam ito nang inis kay Rey dahil sa sinermunan pa nito ang pinsan, at the same ay lungkot dahil ultimo pala pagkakaroon nang sakit ay hindi pwede sa mga katulad nila, paano na lang kung biglaan talaga hindi ba? Dahil hindi naman talaga naiiwasan ang pagkakaroon nang sakit lalo na sa klima. "Okay lang ba kung ititigil ko sandali sa botika? may ipinapabili lang si lolo sa akin," sabi naman nito sa mag pinsan. "Sige lang bro, no worries." Sagot naman ni Rey. Itinigil lang sandali ni Adrian sa parking nanh botika ang sasakyan tsaka ito pumasok sa loob para bumili nang mga gamot, ipinasuyo niya na rin sa teller ng botika na ipa deliver ang mga binili niya sa address na kaniyang iniwan, bumili siya nang tag dadalawang box ng halos lahat nang klase nang gamot dahil ipapadala niya iyon sa bahay nila Rey at Bahay nila Celine, bumili na rin siya nang maiinom at makakain nilang tatlo habang bumibiyahe para na rin hindi magtaka ang mag pinsan kung babalik siya sa sasakyan na walang dala dala. Agad naman niyang binayaran ang mga gamot at isinulat sa isang papel ang pangalan at address nang mag pinsan para madali ito mahanap nang delivery guy nang botika. Kilala si Adrian kaya naman pagpasok pa lang niga sa nasabing botika ay agad naman siyang in-assist nang teller nito. Atleast kahit papaano ay alam niyang may magiging stock na nang gamot ang kaniyang mga kaibigan. Kaibigan na ang turing niya kay Celine, pero hindi niya alam kung ganoon rin ba ang turing nang dalaga sa kaniya. "Thanks, okay lang kahit anong oras maideliver ang mga gamot bukas, pero much better kung school hours para nasa university ang mga kaibigan ko sakaling ideliver ninyo iyan." Bilin niya sa teller nang botika. "No worries po Sir, bukas po nang school hours namin ito ipapadeliver kagaya po nang gusto ninyo," sagot naman sa kaniya. "Maraming salamat." Nakangiting sagot niya rito sabay kuha nang isang paper bag na may lamang pagkain nilang tatlo. Habang nasa sasakyan naman ang magpinsan ay hindi naguusap ang mga ito, si Celine ay isinandal ang kaniyang ulo sa salamin para pang suporta dahil medyo masakit pa rin ang kaniyang ulo, at si Rey naman ay kung ano ano ang kinaklikot sa loob nang sasakyan ni Adrian, natigil na lamang ito noong natanaw na papalapit na ang binata. Agad naman niyang iniabot ang kaniyang pagkaing binili kay Rey. "Here, have some, bigyan mo na rin si Celine." mahinang sabi niya rito. "Nakatulog, masakit pa rin ata ang ulo. Maraming salamat rito," Sabay angat nang isang sandwich at C2. "Welcome, okay sige ibigay mo na lang sa kaniya mamaya bago siya bumaba." "I will, nga pala anong ipinabili ni don Roberto sa iyo?" tanong ni Rey, dahil bukod sa pagkain ay wala naman siyang ibang nakitang dala ni Adrian. "Some medicine stocks sa office, kaya doon ko na ipina deliver, hassle kung iuuwi ko pa sa bahay kasi ako rin ang paghahatirin noon ni Lolo, and swear ayoko." Sagot nito. "Ah, kaya pala." Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan nang dalawa hanggang sa makarating ang mga ito sa tapat nang bahay ni Celine, pero dahil na rin siguro sa pagod at sama nang pakiramdam ay hindi man lamang ito natinag at nagising, kaya minabuti na rin ni Rey na buhatin ang pinsan papasok sa bahay nito para makapag pahinga pa nang maayos. Naghintay na lamang si Adrian sa sasakyan habang si Rey ay nasa loob, dahil ihahatid pa niya si Rey sa bahay nito, mas malayo nang kaunti sa bahay nila Celine pero on the way nya lang rin naman kaya ayos lang sa kaniya. Napaisip tuloy siya na kung siya si Rey ay malaya niya itong mabubuhat sa tuwing makakatulog ito sa sasakyan niya, pero dahil hindi siya si Rey ay malabong mangyari iyon. Ilang minuto lang din ay lumabas na rin si Rey, ipinaalam rin kasi nito sa magulang ni Celine ang nangyari kahit pa nangako siya sa pinsan na hindi niya sasabihin, hindi niya rin kasi alam ang isasagot nang itanong nito kung bakit at para saan ang mga dala niyang gamot. Mas mabuti na rin na malaman nang mga magulang ni Celine kaysa paglihiman niya ang mga ito. "Salamat sa paghihintay pre, ipinaliwanag ko pa kasi sa tiya kung anong nangyari kay Celine at kung para saan at anong oras ipaiinom ang mga gamot." "Okay lang naman, hindi naman matagal." " Nga pala bukas ay baka hindi makapasok si Celine, nilalagnat kasi, sinabi ko na sa iyo para hindi mo na ako paghanapan bukas," pabirong sabi ni Rey. "Thanks for telling me," he replied. Maya maya pa ay nakarating na rin sila sa bahay ni Rey. "Thanks for dropping us by, imbis kanina ka pa nasa inyo ay natagalan ka tuloy, baka magtaka si Don Roberto sa iyo n'yan," Rey said. "Syempre sasabihin ko naman kung bakit, you're welcome always alam mo yan," he sign "mauna na ako, see you tomorrow." Then he bids goodbye. Panibagong araw na naman ang natapos, ay may nalaman na naman si Adrian tungkol kay Celine, nakita niya kung gaano ito kapayapa matulog kahit pa lubak lubak ang kalsadang kanilang dinadaanan. Napapangiti na lang siya sa tuwing naaalala kung gaano ito kahimbing na natulog sa kotse habang nakasandal lang ang ulo nito sa salamin nang kotse. Hindi naman na siya tinanong nang kaniyang lolo kung bakit medyo na late siya nang uwi kumpara sa ibang araw dahil nakita nito ang ngiti sa kaniyang mukha. Iyon lang naman ang gusto ni Don Roberto na makita sa mukha nang kaniyang apo, ang makitang uuwi ito dahil sa paaralan na masaya. Iyon lang naman din talaga ang gusto nang mga magulang na makita sa mga anak nila, na kahit pagod at hirap sa pag-aaral ay uuwi ang mga ito na may mga ngiti sa kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD